Alley Cat

66 0 0
                                    


Meow...

Meow...

Huni ng munting kuting sa gilid ng 'sang maruming bangketa.
Tinig nito'y humihingi ng pagkalinga sa buto't balat na katawan.
Nilalamig, nagugutom at nangungulila.
Naghihintay na may makapansin,
Maawa man lang kahit isa.
Subalit mailap ang tao sa 'sang madumi't mabahong hayop tulad n'ya.
Nakakasindak ang mata ng taong tumitingin sa kawawang kuting,
Mga mukha na tila diring-diri'y ayaw magpadampi.

Nanunuyot na ang lalamunan.
Nanghihina na ang buong katawan.
Hinihiling na sana'y may makakita.

Kasabay ng luha'y bumuhos ang ulan.
Nagsitakbuhan ang mga taong walang pakialam.
Pagod at nais na lang nang naturang kuting humimlay.
Tumingala s'ya't pikit-matang dinama ang lupit ng patak.

Isa.

Kay lupit ng mga tao.

Dalawa.

Walang awa sa mundong ito.

Tatlo.

Mamamatay ng 'di nakaranas mahalin.

Apat.

Walang maayos na pagkain.

Lima.

Paalam, Mundong makasarili..

TulangotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon