ViceRylle: Heartcuffed

10K 70 0
                                    

11:11 pm

Sa isang madilim na eskinita..

"Miss, holdup 'to. Wag ka ng papalag kundi bubutasin ko 'tong tagiliran mo."

Huminto sa paglalakad ang babae nang may dalawang lalaking umakbay sa kanya at tinutukan sya ng isang matalim na bagay, na malamang ay kutsilyo, sa tagiliran.

"Aah.. boss, baka naman pwede natin 'tong pag-usapan. Ibibigay ko lahat ng meron ako, wag nyo lang akong sasaktan."

Holdupper 1: Mabuti kung ganun. Madali lang naman kaming kausap eh.

Holdupper 2: Kaso.. Pare, mukhang hindi lang pera ang kailangan ko sa kanya.

Ngumiti ang isa pang holdupper na tila naunawan nya ang ibig sabihin ng kanyang kasama. Ang babae naman ay walang imik ngunit hindi bakas sa kanyang mukha ang takot. Hinawakan ng isang lalaki ang mukha ng babae pero iniwas nya ito.

Holdupper 2: Ganito ang gusto ko sa mga babae. Hindi basta basta bumibigay.

Ngumiti ito. Hahawakan na sana ng isang lalaki ang kanyang mga kamay nang manlaban ito. Pinilipit nya ang kamay ng isang lalaki na may hawak na kutsilyo at sinipa ito sa maselang parte ng katawan nito. Hinawakan na naman ng isa ang mga kamay ng babae, pero masyado itong maluwag dahilan para makawala ito at magbigay ito ng isang malakas na suntok.

Habang binubugbog nya ang isang lalaki ay nakarecover naman ang isa kaya't nahawakan na naman sya nito.

Holdupper 1: Pre, yung kutsilyo! Todasin na natin 'to!

Akmang sasaksakin na ng isa ang babae nang...

"Hooooy! Bitiwan nyo sya!"

Napalingon ang dalawang lalaki sa gawi kung saan may sumigaw. Nang ma-distract sila ay sinipa ng babae ang kamay ng isang lalaki, dahilan para mabitawan nito ang kutsilyong hawak nya.

Nanlaban ulit ang babae. Sa pagkakataong ito ay tumulong na yung taong kani-kanina lang ay sumigaw na parang tagapagtanggol nya. Bugbog sarado ang dalawang holdupper pero nakakaganti sila ng suntok kahit papaano. Nang magkaroon sila ng pagkakataon ay nagtatakbo na sila palayo. Binalak pang habulin ng babae ang mga holdupper pero pinigilan sya ng kasama nya.

"Miss, hayaan mo na. Baka mamaya mapano ka pa."

Galit na hinawi ng babae ang kamay nitong nagtanggol sa kanya nung hahawakan sana sya nito.

Karylle: Bakit ba kasi nakigulo ka pa?!

"Napadaan lang ako. Gusto lang naman kitang tulungan eh. Nakita kong agrabyado ka na."

Karylle: Does it look like I need help? Kaya ko silang patumbahin kahit wala ka!

"Ikaw na 'tong tinulungan, ikaw pa 'tong nagagalit."

Karylle: Eh pano pakialamero ka! Kung hindi ka dumating baka dinadala ko na silang dalawa sa presinto ngayon!

"Wow talaga? Eh sasaksakin ka na kaya! Kung hindi ako dumating, baka nagkalat na yung dugo mo dito uy! Para simpleng 'thank you' lang hindi mo pa masabi. Tss."

Napikon na ang babae at nagwalk out na lang. Pero hinabol sya ng lalaki.

"Aminin mo na lang kasi.. I saved your life. Don't I deserve a 'Salamat po. Niligtas nyo ako.'? Aba! Grabe!"

Karylle: I don't owe you anything. Ikaw ang nakisawsaw.

Patuloy sa paglalakad si Karylle pero sinusundan pa din sya ng lalaki na bumubulong-bulong.

"Napintas kuma nu madi nga agsungit. Sayang."

Karylle: Anong sabi mo?!

"Aah wala wala. Haha sabi ko ang ganda mo. Kaso may mga galos ka na sa mukha. Gusto mo ba samahan kita sa police station para maireport natin nangyari sayo? Tapos sa hospital or clinic para mabigyan kang first aid."

Karylle: Mind your own galos. Bakit ka ba sunod ng sunod? Di kaya kasabwat ka nila?

"Uy! Sa gwapo 'kong 'to, mukha akong holdupper?"

Karylle: Oo. Why don't you just leave me alone?!

Halatang naiirita na si Karylle pero patuloy pa din syang inaasar ng lalaki.

"Ayoko nga. Baka mamaya inaabangan ka pa nung mga yun dyan sa tabi tabi eh. Konsensya ko pa."

Karylle: Kaya ko na sarili ko!

"San ka ba nakatira? Gusto mo hatid na kita?"

Patuloy lang sa pagtatanong-tanong ang lalaki habang sila ay naglalakad hanggang makarating sila sa sakayan sa highway para makapag-abang ng taxi pero hindi pa din sya pinapansin ni Karylle.

Pinara ni Karylle ang isang taxi na paparating. Pasakay na sya nang hawakan ng lalaki ang braso nya.

"Hindi ka ba talaga natatakot? Di ka man lang ba na-trauma sa mga nangyari sayo kanina? Ayaw mo bang ihatid na lang kita?"

Karylle: Wala akong kinatatakutan. Bitiwan mo 'ko.

Hindi pa din sya binitiwan ng lalaki.

"Okay. Kahit wag ka na magpasalamat. Just tell me your name. Oh! By the way, I'm Jose Marie. You can call me Vice."

Binitiwan nya si Karylle at iniabot na lang ang kamay nito para makipagkamay. Tinignan ni Karylle ang kamay ni Vice at ipinalo nya ang palad nya dito.

Karylle: It was so sad for me meeting you, Mr. Jose Marie... and I hope this is the last.

Inirapan nya pa si Vice bago tuluyang sumakay sa taxi. Si Vice naman ay nakangiti pero iiling-iling na naiwan.

--

A/N: Soooooo.. let me know, guys, kung dapat ko pang ituloy 'tong medyo waley na isturyang itu :)

ViceRylle: HeartcuffedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon