A/N: Oo na. Oo na. Lumagpas na naman ata ako ng isang buwan. Hahaha! Oh sya, sige, basa!
Ilang oras makalipas ang isang matinding bakbakan...
Sa isang ospital kung saan nagpapagaling si Karylle...
Tahimik ang buong paligid. Dahan-dahang iminulat ni Karylle ang kanyang mga mata. Sinubukan nyang bumangon habang hawak ang kumikirot nyang sugat.
Karylle: Aray! Bakit kaya.. nasaan ang mga tao dito? O baka naman nasa langit na 'ko? Hala!
Tatayo sana sya nang biglang may pumasok sa kanyang kwarto.
Vhong: Oh!
Tumakbo si Vhong palapit sa kapatid.
Vhong: Saan ka ba kasi pupunta?
Karylle: Eh saan ka ba kasi galing? Nagising na lang ako nang walang kasama dito. Malay ko ba kung buhay pa 'ko o ano.
Binatukan sya ni Vhong.
Vhong: Uhm! Sira ulo. Kinausap po yung doctor mo. Tsaka iniwan kita dito kay Billy. Nasaan nga ba kasi yun?
Karylle: Aba malay ko dun. Aray. Kuya, sumasakit yung sugat ko.
Vhong: Ang likot mo naman kasi eh. Mahiga ka nga ulit at magpahinga ka. Ayusin ko lang yung mga kailangan sa ibaba para makauwi na tayo. Dadaan na din ako sa nurses' station para mabigyan kang pain killers.
Paalis na si Vhong nang tawagin sya ni Karylle.
Karylle: Aah.. kuya?
Vhong: Bakit? Ay! Oo nga pala, hindi ka pa kumakain. Ano ba'ng gusto mong kainin?
Umiling lang si Karylle.
Karylle: Nasaan nga pala si.. si Vice? Magkasama ba sila ni Billy?
Vhong: Magpahinga ka na. Ipapagawa na lang kita sa ate Anne mo ng bite-sized burger. Pagbalik ko uuwi na tayo sa bahay.
Lumabas na si Vhong at wala ng iba pang sinabi. Masama naman ang kutob ni Karylle sa ikinilos ng kanyang kapatid lalo pa at kinausap nito si Vice bago sya dalhin noon sa ospital.
--
Kinagabihan ay nakauwi na nga ang magkapatid na Vhong at Karylle sa kanilang bahay. Sinalubong sila ni Anne na nagluto pa para sa kanila.
Anne: Karylle! Thank God, you're okay!
Di naman pinansin ni Karylle si Anne. Nakatingin lang sya sa kanyang kuya na binibitbit ang ilang gamit nya paakyat sa kanyang kwarto. Napansin naman ni Anne na mukhang may problema ang magkapatid.
Anne: Haaay! Hayaan mo yang kuya mo. Halika at kumain na. Nagluto ako.
Hinila nya si Karylle sa dining area at inasikasong mabuti si Karylle. Kulang na lamang ay subuan nya ito.
Karylle: Ate Anne, hindi naman ako baldado eh. Makakakain naman ako.
Anne: Ayy! Sorry, sorry. Nag-alala lang talaga ako sayo.
Ngumiti si Karylle ng matipid at tumingin sa nilalarong pagkain na nasa plato.
Anne: What is it about?
Karylle: Huh?
Anne: Aside from that gun shot wound, ano pa'ng problema mo? Di ba mission accomplished naman? Nag-away ba kayo ng kuya mo?
BINABASA MO ANG
ViceRylle: Heartcuffed
RomanceHow far can you go just to save the ones you love? Will it be all worth the risks? A girl looking for justice. A brother looking after his only family. A man who keeps messing up. A sister with a kind heart. A group of bad guys. (OOC)