Ihinatid ni Liz sa Vice sa kanilang bahay para makapagpalit na dahil basang basa ito ng ulan. Pagpasok ni Vice ay agad syang sinalubong nila Billy at Coleen.
Coleen: Oh my God, kuya! Basang basa ka. Wait. Papakuha kita ng towel.
Umalis si Coleen sandali at naiwan naman sina Vice at Billy.
Billy: Sabi naman sayo paulan na kanina eh. Baka magkasakit ka pa nyan. Teka nga pala, nagkita ba kayo ni--
Liz: Hello!
Vice: Akala ko hindi ka na susunod eh. Ang tagal mo.
Liz: May inayos lang ako sa kotse.
Vice: Aaahh sya nga pala, Liz. Pakilala ko sayo yung boyfriend ni Coleen, si Billy. Uhm, Billy, si Liz. She’s a family friend.
Liz: Wow! Nice to meet you, Billy.
Iniabot ni Liz ang kanyang kamay na inabot din naman agad ni Billy.
Billy: Nice to meet you, too, Liz.
Habang nagkakamay ang dalawa ay nakabalik naman na si Coleen.
Coleen: Ate Liz? Ikaw na ba yan? Oh my gosh!
Lumapit si Coleen at binigyan ng mahigpit na yakap si Liz.
Liz: How are you, Choleng? I missed you. Ikaw ha? May boyfriend ka na pala, hindi mo man lang nababanggit sa akin pag magka-chat tayo.
Coleen: Sorry, ate. Ay, kuya! Your towel.
Iniabot ni Coleen ang dala nyang towel kay Vice.
Vice: Maiwan ko muna kayo. Magpapalit lang ako.
Pag-alis ni Vice ay tumunog naman ang cellphone ni Billy.
Billy: Uhm. Excuse me. Sagutin ko lang muna ‘to ha?
Lumabas si Billy at sinagot ang tawag. Naiwan naman sina Coleen at Liz na nagku-kwentuhan.
Billy: Hello, bru? Nasaan ka?
Karylle: Pauwi na ‘ko, bru. Just send them my deepest condolences. I'm really sorry.
Billy: Teka! Teka! Ano ba kasing nangyari? Sabi mo lalapitan mo sya nung umalis kami ni Coleen.
Karylle: Well...
FLASHBACK
Bago umalis sina Billy ay nakita nya ang sasakyan ni Karylle sa di kalayuan. Lumapit sya dito at kumatok sa bintana.
Billy: Bru! Kanina ka pa dito?
Karylle: Medyo.
Coleen: Ha? Bakit hindi ka man lang lumapit sa amin? Kanina ka pa hinihintay ni kuya.
Karylle: Alam kong galit sya sakin. Natatakot ako, baka hindi nya ‘ko kausapin eh. Dagdag hinanakit pa ‘ko sa kanya pag nagkataon.
BINABASA MO ANG
ViceRylle: Heartcuffed
RomanceHow far can you go just to save the ones you love? Will it be all worth the risks? A girl looking for justice. A brother looking after his only family. A man who keeps messing up. A sister with a kind heart. A group of bad guys. (OOC)