Dinukot ni Karylle ang susi ng kotse sa bulsa nya at iniabot ito kay Vice.
Karylle: Forget everything. Go home ;’)
Ngumiti si Vice at inabot ang susi. Tumayo sya at iniabot ang kamay nya kay Karylle.
Vice: Get up.
Kinuha ni Karylle ang kamay ni Vice para maging alalay sa pagtayo nya. Pinagpag nya ang pwetan nya dahil madumi ang inupuan nya.
Vice: So I’m going home.
Nagulat sya nang bigla syang yakapin ni Karylle.
Karylle: You don’t have to be afraid. You can fail a lot of times but you’re not a failure until you give up. So don’t give up, okay?
Vice: Thank you so much, Karylle.
Bumitaw na sila sa pagkakayakap at lumabas na sa bodega. Nasa harap na sila ng kotse nang huminto si Vice.
Vice: Ikaw? What’s your plan?
Karylle: Siguro I should talk na to my brother. Madami akong gustong itanong at sabihin sa kanya.
Vice: Nasaan ba sya?
Karylle: Nasa bahay? I think. Day off nya kasi ngayon eh.
Vice: Eh di... tara na. I’ll drive you there. Ikaw na bahala sa directions. Hindi ko kasi alam kung saan ang bahay nyo eh.
Karylle: No. Wag na. Malayo pa ang byahe mo so you should go na. Sabi ko naman sayo dati di ba, marunong akong mag-commute.
Lamapit si Vice sa pinto ng front seat at binuksan ito para kay Karylle.
Vice: I won’t let you commute this time. Sige na. Get in. Pa-thank you ko na sayo. Please?
Medyo nagpa-cute naman si Vice para pumayag si Karylle. Natawa naman ito.
Karylle: Fine. Basta wag mo ng gagamitin yung ganyang itsura mo. Hindi sya cute! Hahaha!
Vice: Hahaha! At dahil ayaw mo, ganito na ‘ko palagi pag may kailangan ako sayo. Hahaha!
Pumasok na si Karylle. Umikot naman si Vice para pumunta na sa driver’s seat. Bago nya in-start ang engine...
Vice: So does this mean we’re friends?
Ngumiti si Karylle at iniabot ang right hand nya.
Karylle: I’m Karylle.
Kinuha ni Vice ang kamay ni Karylle.
Vice: Jose Marie. But you can just call me Vice.
Karylle: Why Vice?
Vice: From Viceral. Hahaha! Wala lang. Pinauso ko. Masyadong mahaba ang Jose Marie eh.
Tumango na lang si Karylle at umalis na sila. Tinuro ni Karylle ang direksyon papunta sa bahay nila. Ilang minuto lang ay dumating na sila sa bahay nila Karylle.
Karylle: Dito na lang. Salamat sa paghatid ha? Say ‘hi’ to your lolo for me. Ikamusta mo na din ako kay Billy at Coleen.
Huminga sya ng malalim at binuksan na ang pinto ng kotse. Pababa na sana sya pero pinigilan sya ni Vice. Hinawakan nito ang braso nya.
BINABASA MO ANG
ViceRylle: Heartcuffed
RomansHow far can you go just to save the ones you love? Will it be all worth the risks? A girl looking for justice. A brother looking after his only family. A man who keeps messing up. A sister with a kind heart. A group of bad guys. (OOC)