C1: Caught In The Middle

2.4K 63 1
                                    

Raven's POV

"Where to go?" tanong ni Agatha habang naglalakad kami sa siksikang hallway. Uwian na kasi.

I shrugged. "Ewan ko? Si Marcus sasama ba?"

"Hindi. May laro sila, eh."

"Basketball?" excited kong tanong. I'm a really big fan of it.

Umiling siya. "Nope.. Dota 2 daw."

My shoulder dropped in disappointment. Not that I don't play computer games, pero talagang di ako natutuwa sa concept ng Dota na yun.

"So it's just us today? 4pm palang. Mall tayo?" anyaya ko.

Her face lit up in joy. "SIGEEEE! Gusto ko bumili ng bagong wedge, eh. :3"

"Sapatos nanaman? Last week bumili ka na, diba?"

"Iba naman yung last week sa ngayon. Atsaka stilleto yun. Ang gusto ko bilhin ngayon is wedge." pakikipagtalo pa niya.

"Pareho lang sapatos yun!" sagot ko naman.

"Haynako Raven! Palibhasa maganda ka na kaya kahit luma at paulit ulit yang mga suot mo, bagay parin sayo."

I smirked inwardly. "Ikaw nagsabi niyan."

"Masyado na talagang malaki ulo mo." inirapan ako ng bruha.

"Anong ulo?" I asked playfully.

"Ulo moto."

"Pakyu."

Bwiset na bwiset talaga ako sa "mo to" na yan -_____- Yan ang isasagot niya sa'kin tuwing alam niyang matatalo na siya sa usapan namin.

"RAVEEEEEEEN~!" isang pamilyar na boses ng lalaki ang umalingawngaw sa hallway.

Anak ng tipaklong! Malapit na kami makalabas, eh. Dumating pa ang salot sa buhay ko!

I turned on my heels then I'm automatically on my bitch mode.

"Ano nanaman 'yun Eli?" masungit kong tanong.

Humahangos siyang lumapit. "Itatanong ko lang...kung bakit hindi ka sumasagot...sa mga chat ko sa'yo sa Fb.." halos di ko maintindihan ang sinabi niya. Tumakbo pa siguro siya sa malayo kaya hinihingal ang loko.

"Hindi ba obvious kung bakit?" I tried to sound displeased as much as possible. In that way, I knew he'll get out of my hair.

"I really like you, Raven.. Isang taon na kitang sinusuyo pero ni-minsan hindi mo ako binigyan ng chance na patunayan ang sarili ko sa'yo."

Kahit pa lumuhod ka, hindi talaga! Actually minsan na siyang lumuhod sa akin, begging for a chance.

I crossed my arms and shifted my weight onto my other leg. "Hindi ko alam kung tanga ka o tanga ka talaga. Lesbian ako, Eli! Puta naman! Kung may piso lang akong natatanggap everytime na sinasabi ko 'yan, malamang milyonaryo na 'ko." 

"B-but--"

"Save it." di ko na siya pinatapos magsalita at iniwan na namin siya ni Agatha. Nakakaimbyerna lang talaga yung lalaking 'yun. He seriously doesn't know when to stop.

***

Nakarating kami sa malapit na mall around 5pm. Grabe kasi ang traffic, pumoforever!

"Loooook!!! Ang ganda shiiiit!!! Imma buy it!"

Palagi niya 'yan sinasabi tuwing sinasamahan ko siya magshopping. But in the end, di naman niya binibili. Either masyadong mahal or walang size para sa kanya. Malaki kasing bulas si Agatha. 5'8 ang height niya habang ako around 5'5 lang. At may athletic na pangangatawan si Agatha, yun lang ang pagkakapareho namin.

Sister Complex (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon