C2: Void

1.7K 63 0
                                    

"Raven!"

"Raven Diaz!"

I snapped out of my bad dream.

"Wha..what?"

Nagtawanan ang buong klase sa naging reaksyon ko.

Just when I thought my day was already ruined by Eli and Lorraine, another embarrassing moment came.

"Ang sarap ng tulog. Nakakahiya naman. Pasensiya na kung kinailangan kitang gisingin." taas kilay niyang sinabi. Though hindi naman masyadong galit ang tono niya pero halatang di siya masayang malaman na tinulugan siya ng isa n'yang estudyante.

"Sorry, Miss Parker. I haven't got enough sleep last night." pagdadahilan ko habang kinukusot kusot ko pa ang aking mga mata.

"Well I hope you haven't sleep enough because you're busy doing school related stuff." napahalukipkip siya. "Let me see your work." tinignan niya ang papel ko na walang kalaman laman.

"Um...ano kase.." sinubukan kong umisip pa ng dahilan.

"That's it. Maiwan ka after class." walang atubili niyang desisyon at bumalik sa table niya.

I don't know if I should be mad or be happy about it. But my action chose the latter.

"Ngiting tagumpay siya." pang aasar ni Agatha.

"Oh please.."

"Oh please mo mukha mo. Obvious naman na gusto mo 'yung idea na ma-solo ang teacher natin." pakindat kindat pa ang loka. Minsan tinatanong ko sarili ko kung bakit naging kaibigan ko siya, e.

Ten minutes nalang bago magbell, but it felt like the longest ten minutes of my life. Hindi naman sa excited ako sa detention. I just can't believe it.

Finally, the bell rang.

Everyone shuffling through their things and so eager to get out of this chamber whilst I was sitting and just patiently waiting for them to disperse completely.

"Close the door." utos niya habang busy siyang inaayos ang mga papel sa desk niya.

Sinara ko nga ang pinto. Matapos kong isara naupo ako sa ngayo'y bakanteng silya sa harap ng desk niya.

"So..." not sure what to say.

"So?" ulit niya.

"Anong gagawin ko dito?" nahihiya kong tanong.

Isinantabi niya ang mga papel sa lamesa at sumandal sa swivel chair niya na tila malalim ang iniisip.

"May gusto lang akong itanong."

Bigla akong kinabahan. Kung may gusto siyang itanong, itanong na niya kaagad. Nakakapraning.

"O-okay.. Ano po 'yun?"

"Where were you yesterday?" seryoso niyang tanong at tila inaanticipate ang magiging sagot ko.

Bakit naman niya biglang naitanong kung nasaan ako kahapon? Ano naman sa kanya? Unti unting nabawasan ang kaba ko. Akala ko naman kung ano na ang itatanong niya. Siguro curious lang siya kung saan ako nagpunta kahapon dahil akala niya dahil doon kaya puyat ako at nakatulog sa oras ng klase niya. Yep, I think that's it.

Sasagot na sana ako nang bigla nanaman siyang nagtanong, "By any chance, did you eat at the local chinese restaurant yesterday at the mall?"

Para akong kinakain ng silya. Sana nga kainin nalang ako ng silya para makatakas sa pangha-hotseat ni Miss Parker. Kung noong una'y kinakabahan lang ako, ang sumunod ay para na akong masusuka sa sobrang bilis nang tibok ng puso ko.

Sister Complex (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon