C7: The Gift

1.2K 45 1
                                    

Author's Note:

Thank you kay bloodrose07 sa pagvote at kay heartlessme4235 sa pagfollow. :')

JUICYALIEN


Chapter 7: The Gift

"Tingin ko sinagot na ng Panginoon ang gabi gabi kong ipinagdadasal." Agatha blurted out of the blue.

"Pinagsasasabi mo d'yan?"

Pinagtutulungan naming matapos ang group assignment na inassign ng Filipino teacher namin.

"Hindi mo ba napapansin?"

"Ang alin ba?" naiirita kong tanong.

"Ang pagdating ni Elijah. Siya ang sagot sa dalangin ko." kulang nalang kuminang ang mga mata ni Agatha.

"What the.. Akala ko straight ka?"

Binatukan niya ako. "Baliw! I mean matagal ko nang dalangin na sana makahanap ka na ng pwede maging girlfriend."

Sandali akong nawindang sa sinabi niya. "Ikaw ang baliw, Agatha." -_-

"Totoo naman, e. Elijah suit you best! May kakaibang spark sa inyo."

"Gusto mo kuryentehin kita? Tumigil ka na nga."

"Yieee~~"

"Wag ka ngang maingay! Di natin matatapos 'tong graph kung makikinig lang ako sa mga pinagsasasabi mo." tinuon ko na ang atensyon sa pagsusulat sa manila paper.

Hindi ko napigilang isipin 'yung mga sinabi ni Agatha. Spark? Well hindi ko idedeny na may kakaiba ngang atmosphere tuwing nag uusap kami. But we barely talk, how come Agatha noticed all of it? Napakaobservant niya talaga kahit kaylan.

I took a glance at Elijah who's also busy doing their own assignment. She was grouped with two guys. The boys seemed to enjoy her company because I saw them laughing occasionally and exchanging short conversation.

"Straight 'yan malamang." napagtanto ko.

"YIEEEE! Edi inamin mo rin na type mo siya. :"> "

Sana hindi ko nalang pala 'yon sinabi. Now she's going to tease me even more. Wrong move.

I ignored her comment.

~~~

Soon nagpunta na kami sa canteen dahil breaktime na. At sa kamalas-malasan nga naman, nakadaupang palad namin si Lorraine and her alipin sa gigilid.

She looked fine though. No trace of being dysfunction or whatnot.

Inihanda ko na ang sarili, subalit hindi ko inakalang lalagpasan niya lang kami. Dumiretso sila sa isang bakanteng lamesa. I looked through my shoulders and she wasn't throwing daggers at my back. Wow. Anyare?

"Naalog mo siguro nang husto ang ulo niya? Parang nakalimutan niya na kaaway ka niya, e." kumento ni Agatha. Palagi naman siyang nagsaside comment.

I shrugged. "Mas mabuti na yan."

We ate peacefully. Finally. Walang Eli na nagpapacute sa tabi ko, at lalong walang Lorraine na hahambalang sa dinadaanan ko. It felt good. I was convinced that day must be the day where God finally shine a light on me.

"Raven.. Wait. Punta lang akong gym, may sasabihin daw si Marcus, e. Mauna ka na sa sunod na subject."

"Baka makikipagbreak na siya sa'yo?" biro ko.

"Bad joke, Rave. Bad joke."

"Sorry. Sige na, puntahan mo na. Bilisan n'yo ha?" sabay kindat ko.

Sister Complex (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon