C14: Unexpected Revelation

1.2K 53 6
                                    

RAVEN'S POV

"Wow bagong buhay na, Diaz?"

"Nilalagnat ka yata ah."

Yan ang ilan sa mga kumento nila sa akin dahil lang sa ako ang unang estudyante na pumasok sa loob ng classroom namin. Mga 10 minutes rin siguro akong naghintay hanggang sa dumating na ang iba kong mga kaklase.

Isang malakas na hampas mula sa likod ko ang nagpagulat sa'kin. And I knew very well kung sinong damuho lang ang maglalakas loob na gumawa non. Siyempre ang best friend ko na gusto ko mang itakwil, hindi ko magawa.

"Aray! Nagiging hobby mo na yang pamamalo!" singhal ko.

"Don't hate me coz I'm beautiful~"

"Anong kinalaman n'on?"

"Wala. Parang ikaw at ang lovelife mo, walang connection."

"Touché."

Nagtawanan ang ilang mga kaklase ko na nakarinig sa bangayan namin ni Agatha.

"Napaka mo talaga." pagalit kong bulong sa kanya nang maupo na siya sa tabi ko.

"Wala kang pake." sabi niya at inirapan pa ako.

"Sinusumpong ka nanaman ba? Para kang sinasaltek d'yan." puna ko.

"Siguro. Basta nanggigil ako, e. Gusto ko manghampas!" padabog niyang nilapag ang cellphone niya sa desk.

"Marcus?"

"Hindi.. Wala lang ako sa mood." tila pagod niyang sagot.

"E, bakit nga?" pangungulit ko.

Dinakot niya ang mukha ko at inilayo sa kanya, "E, ba't ang kulit mooo?"

"By the way, kamusta ka naman? Hindi ka na sinusumpong ng morning sickness mo?"

"Anong hindi? Kanina lang tinatamad akong pumasok, e."

"Gaga! Hindi Monday sickness ang tinutukoy ko. I mean, you know..yung pagduduwal at pagkahilo mo?" halos pabulong kong sinabi.

"Ahhh!" sa wakas naliwanagan din ang inaagiw niyang common sense. "Hindi na yata? Pero madali akong mapagod tapos 'yun nahihilo parin kapag pagod talaga or stress sa homeworks natin."

"Ah okay. Di naman pala ako dapat mag alala. Normal pa yan."

"Talaga?" inilapit niya ang lamesa niya sa lamesa ko. "Paano mo nalamang normal lang 'yun?"

"Kasi sumasakit din ang ulo ko sa mga homeworks natin."

Ineexpect kong babatukan niya ako pero di niya ginawa. Buti naman.

"Loka loka ka talaga! Anyway, anuna?"

"Anong anuna?"

Lumapit siya at akmang bubulong, "About sa inyo ni Miss Parker.."

"Ah. Ngayon niya daw ako tuturuan." simple kong tugon. Gusto kong isipin niyang hindi big deal sa akin ang araw na 'to.

"Wow, hindi ka excited?" hindi makapaniwala niyang tanong.

Umiling ako. "Nope? Why should I?" pagtatanggi ko.

Excited naman talaga ako pero ayoko lang na masyadong ipahalata. May kaunting kahihiyan parin naman ako sa best friend ko noh. At isa pa, ayokong makarinig ng walang humpay niyang panunukso. -_-

"Hmm.. Okay. Sabi mo, e. Balitaan mo nalang ako pagtapos." then she moved back her chair to it's usual position.

As if on cue, dumating na ang first hour teacher namin.

Sister Complex (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon