C5: Expectations

1.4K 46 2
                                    

Agatha's POV

God. Ang sakit ng ulo ko pagkauwi namin ni Raven Saturday morning. Pinapawisan ako ng malamig.

I pressed the intercom on the other side of my bed, "Layla.. Pakikuha naman ako ng gamot sa sakit ng ulo." utos ko.

Si Layla ang personal maid ko. Tatlo lang naman silang maid dito, isang taga-linis, taga-luto at si Layla na mostly ang ginagawa ay alagaan ako dahil walang ibang gagawa non dito sa mansion.

"Coming." she responded.

After several hours hindi parin gumaan ang pakiramdam ko. Actually mas lumala pa nga dahil hindi na ako makabangon sa sakit ng muscles ko at blurry vision. Hindi ko tuloy matext or matawagan si Marcus lalo na si Raven. I was too tired and lazy to get my phone on the pocket of my last worn pants. Naririnig ko 'yong nagriring pero hindi ko magawang tumayo para sagutin. Nakakalimutan ko rin ipakuha kay Layla everytime pumapasok siya nang kwarto to check my temperature.

As if on cue Layla came.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" nag aalala niyang tanong.

"I feel even worse." hirap mang magsalita ay nagawa kong sumagot.

Kinuha ko ang isang basong tubig na dala niya dahil sobrang dry na nang lalamunan ko. What the fuck is happening with me? Mamamatay na ba ako? I thought. Wag naman sana. Hindi ko pa nade-date si Ashton Kutcher, e :3

"Siguro dapat na nating tawagan ang daddy mo. Isang araw ka nang nilalagnat." suhestyon niya.

"Hindi naman mawawala 'to kapag pumunta siya." I said bitterly.

"Pero hindi ba mas gagaan ang pakiramdam mo kung sila ang mag aalaga sa'yo?"

Nagtalukbong ako ng kumot. I felt my skin heated even more. Then a gentle sobs escaped.

"Dalhin mo nalang ako sa hospital, Layla. And don't tell anyone about it." utos ko nang humupa ang paghikbi ko.

"Kahit kay sir Marcus? Kanina pa siya tumatawag sa telepono sa baba."

"Kahit kanino. Ako nalang ang makikipagusap sa kanila once I feel better."

***

"May dengue ka. Where have you been these past few days?" tanong ni Mr. Henson, ang family doctor namin.

Sinubukan kong bumangon pero hindi ko kaya. "I've been.. Wait." inisip ko kung saan ba ako nagpunta nang mga nakaraang araw? "Ah. May party akong pinuntahan two days ago."

"Party? Saan 'yun ginanap?"

Ang hirap mag isip kapag above 39degrees ang body temperature mo. "All I remember was his house located at the woods? I don't know where exactly was it."

Tumango tango si Mr. Henson, "Ahh. Woods? I assumed that place is surrounded by dengue mosquitoes. I'm afraid you need to stay here for another day."

"Another day? Hindi pwede. Monday na ngayon. May pasok ako at hindi alam ng kaibigan ko na nandito ako."

Gabi ng linggo ako dinala sa hospital at inabot ng madaling araw ang kabi-kabilang test na ginawa sa akin. Akala ko pa naman reresetahan lang ako ng gamot then I could stay at home.

"But we need to run a one last test. After that you can go home and rest. Hindi ka pa pwedeng pumasok."

Mariin kong naipikit ang aking mga mata. Dala nang frustration at dahil talagang mabigat ang mga mata ko nang mga oras na 'yon.

"Sundin nalang natin si Mr. Henson para gumaling ka na." hinawakan ni Layla ang kamay ko. Nakaupo siya sa bakanteng upuan katabi ng hospital bed na hinihigaan ko.

Sister Complex (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon