C13: Overwhelmed

1.2K 61 8
                                    

Tahimik na nakikinig ang buong klase sa kanilang guro. Maging si Taylor ay nagtataka sa pinapakitang atensyon sa kaniya ng mga estudyante lalo na ni Raven. Ngunit batid niyang kahit nakikinig ito, malayo ang iniisip ng dalaga.

"May tanong ba sa lesson natin bago ko kayo idismiss?" tanong ni Taylor sa mga estudyante.

"Wala po." sabay-sabay na sagot nila.

Si Raven lang ang hindi sumagot na nasa whiteboard parin nakapako ang mga tingin.

Hindi mapigilan ni Taylor ang mag alala sa isa niyang estudyante. Gusto man niyang ipaiwan ito sa klase para makausap pero minabuti nalang niyang pauwiin ito ng maaga.

Dinismiss niya ang klase at unti-unting nag uwian ang mga ito. Naiwan siya habang inaayos ang ilang aklat na ginamit niyang reference sa pagdidiscuss kanina.

Habang busy niyang nilalagay sa bookshelf sa gilid ang mga aklat, nag-ring ang cellphone niya. Mabilis niya itong pinuntahan sa lamesa at sinagot ang tawag lalo't ang tumawag ay ang taong matagal na niyang hinihintay makausap.

"Hello!" masayang bati ni Taylor.

"Di ka naman excited niyan?" tanong ng nasa kabilang linya.

"I missed you.."

"I missed you too."

"Kailan ka uuwi?"

"Not sure kung kailan, isusurprise nalang kita."

Napangiti ang guro. Napuno siya ng pag asa sa narinig. At least alam niyang uuwi ang taong matagal na niyang gusto makita.

"Siguraduhin mong tawagan mo 'ko day before your flight ha? Susunduin kita.."

Tumawa ang kausap niya sa kabilang linya, "Oo na po. Sige na, back to work na muna ako.."

"Okay,"

"Goodbye."

Kumirot ang puso niya sa sandaling naputol na ang usapan nila. Goodbye. Ang salitang pinakaayaw niya sabihin at marinig. Pero alam niyang wala siyang kakayahan para mapanatili ang mga taong importante sa kaniya. Dadating talaga ang oras na kailangan mong mahiwalay sa kanila para masubok ang katatagan mo.

Sunod sunod na katok sa pinto ang nagpagulat sa kaniya. Sino kaya 'yun? Tanong niya sa isip. Mabilis siyang nagtungo sa pinto upang buksan ito.

"Oh it's you.."

"Um.. Miss Parker, may itatanong lang sana ako."

"Halika, dito tayo sa loob mag usap Miss Montecarlo."

Pinapasok niya ang dalaga sa loob ng silid aralan at inilock ang pinto. Sa pinakitang expression ni Elijah alam ni Taylor na importante ang pakay nito.

Halos sabay silang naupo, "Tungkol saan ang gusto mong itanong?"

Napayuko at naiyukom ni Elijah ang mga kamay na nakapatong sa ibabaw ng kanyang hita, nahihiya siya magsalita.

"C'mon.. May problema ba? Tell me." lumapit si Taylor at hinawakan ang balikat niya para iparamdam sa dalaga ang sinseridad niya.

Umiling ang dalaga, "Wala naman po ma'am.."

Inalis ni Taylor ang kamay niya sa balikat ni Elijah, "Then what's bothering you?" nag aalala niyang tanong.

"I... I lost something very important."

"Please elaborate,"

"Ma'am.. Naiwan ko yata dito 'yung.. diary ko" halos pabulong ni Elijah nabigkas ang huling mga salita.

Sister Complex (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon