VI

33 1 2
                                        

After that incident hindi nagkaroon ng pagkakataon si Troy upang makausap muli si Patricia. She was so busy entertaining guest na pa-check out na. Si Troy naman sa mga oras ding iyon e nasa loob lamang ng kwarto niya at nanood ng t.v buong gabi. Pagkatapos mag dinner ni Troy lumabas ito upang maglakad-lakad. Naabutan niya si Patricia na nasa front desk na kakatapos lang sa pag asikaso sa mga paalis na guest.

"Pat may maitutulong ba ako sayo?" ani Troy nang makita ang dalaga na mukhang pagod na pagod na.

"Troy. . wala, okay lang ako salamat nalang" ani Patricia na magpakita ng maikling ngiti.

"Wala ka bang kasama? Nasan yung receptionist mo?" pag usisa ni Troy.

"Nagkaroon siya ng emergency" sagot ng dalaga habang isinasara ang front desk book matapos ay  naglakad ito papuntang waiting area malapit lang sa front desk. Inayos nito ang mga magazine na nagkalat sa mesa at mga upuan.

"Tulungan na kita" dali-daling kinuha ni Troy ang mga magazine at nilagay sa magazine stand. Umupo si Patricia ng pabagsak sa sofa.

Halatang-halata na pagod na pagod ito. Kaya nagdecisyon si Troy na ikuha nang maiinom si Patricia.

At nang makabalik ito sa waiting area, nakita niya na nakatulog na si Patricia.

Dahan-dahang nitong inilapag ang dala niya bottled water.

Tumungo siya kay Patricia, inalalayan nito ang kanyang ulo at marahang inihiga sa sofa. Kumuha ito ng kumot na nakalagay sa ilalim ng front desk at kinomutan nito ang dalaga. Umupo si Troy sa katabing sofa kung saan nakahiga si Patricia at maiging tinitigan ang dalaga.

"Lalo kang gumanda Pat" napangiting bulong ni Troy.

Sa pagtitig na iyon ni Troy hindi nito namalayan na papalapit na pala siya sa mukha ng dalaga. Tumingin ito sa pikit na mata ng dalaga.

Tapos sa ilong.

Sa bibig.

Napalunok ito.

Hindi nito mapigilang mas lumapit pa sa mukha ng dalaga. Balak niya itong halikan.

Akmang pahalik na sana si Troy with pouting of the lips, nadulas ang kamay nito causing him to drop on the floor. Nagulat si Patricia at bigla itong napatayo.

"Ano ba ginagawa mo?!" gulat na pagsabi ni Patricia.

"Me-ron kasi a-kong nakitang p-arang pusa" utal-utal na pagsabi ni Troy. Patricia gave him a i-dont-believe-you look.

­Troy thought there is no point in lying so he said,

"Fine! I was trying to kiss you".

Nagulat si Patricia,

"What?! Again?! Pinatawad kita nung una because  I know you are drunk! Pero ngayon? You're imposible Troy!" nag walk out ito at tumakbo pumunta sa beranda sa second floor. Troy followed her.

"Let me explain" Troy said begging.

"Explain?! Sige nga! Explain to me bakit matapos ang 3 years na di natin pag kikita pagbalik mo dito youre suddenly acting like a jerk!" Patricia's eyes starting to show tears.

"Pat, I-Im sorry. I guess I needed company" natigil si Troy sa pagsasalita,

"Company?! Kung company pala ang gusto mo dinala nalang sana kita sa red district" sumabat si Troy and said

"That's not what I meant Pat" malumanay na paliwanag ng binata,

"Ang dami kong problema gusto ko lang sanang may makinig sakin" patuloy nito.

Tumulo na ang luha mula kay Patricia habang si Troy naman ay pinipigilan ang mga luha nito. Parehas silang tumahik sa pagkakataong iyon. Huminga sila ng malalim upang mapawi ang kanilang mga nararamdaman.

"Ang tagal kitang hinintay Troy.." ani Patricia na patuloy parin sa pag iyak.

Wala ng nasabi si Troy biglaan nalamang niyang hinila si Patricia at niyakap ng mahigpit.

Dama ng bawat isa ang pintig ng kanilang mga puso. Ramdam nila ang lungkot ng bawat isa. Pawang ramdam nila na hindi na kailangan pa ng mga salita upang magkaintindihan sila. Kanilang mga puso ay sapat na lalong naiyak ang dalaga at napayakap din ito ng mahigpit sa binata.

"Tumahan kana Pat" ani Troy habang tinitignan ang dalaga. Humihikbing bumitaw si Patricia sa pagkakayap kay Troy.

"Pumasok na muna tayo" suggestion ni Troy na sinangayunan din ni Patricia.

Naupo si Patricia sa sofa na malapit lamang sa beranda. Habang si Troy ay kumuha ng tissue at tubig sa staff room na malapit lamang doon.

Nang makabalik ito agad nitong ibinigay ang mga dala kay Patricia.

"Umupo ka nga dito" ani Patricia habang pumupunas ng luha,"Madami kapang ikukwento saken" patuloy nito.

Sa pagkakataong iyon ikinuwento ng binata lahat ng pinagdadaanan niya at nag kwento din si Patricia sa mga problema nito.

Matapos nilang mapag usapan ang mga problema't pagsubok nila sa buhay napunta din ang usapa sa 'catching up'. Napuno ang gabing iyon ng iyakan at ng tawanan na may kasama ding asaran. "Hindi mo ba ako nakilala nung sinundo kita sa Airport?" nakangusong tanong ni Patricia.

"Hindi nga, kasi nga tumaba yang mukha mo" pang aasar ni Troy na tinaasan lang ng kilay ng dalaga.

Tumayo ang dalaga at sabing,"Kaysa asarin mo ako, matutulog nalang ako" naglakad ito papuntang kwarto niya. Naiwang may ngiti sa mukha si Troy na para bang nawala lahat ng problema niya. Hindi nagtagal at bumalik din si Troy sa kanyang kwarto upang matulog na din na may napakalaking ngiti sa kanyang mga labi.

My First Love (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon