Kahit halos hindi na nakatulog si Patricia kinailangan pa din nitong bumangon para sa trabaho niya. Hindi kamukha ng araw na ito ang mga nakaraang araw. Iba ang ngiti nito. Iba ang aura niya. Hindi siya nakitang nagsungit na dati rati lagi niyang ginagawa. Bata pa kung tutuusin si Patricia para sa responsibilidad ng trabaho niya. But she can’t let her mom down. Alam nitong kailangan niyang ituloy kung ano man ang napaumpisahan ng magulang niya.
Summer break ni Patricia kaya nakatutok ito sa pag asikaso ng hotel nila kasama ang mga loyal staff nito na si mama pa niya ang nag hire.
At dahil summer, madami dami ang nag che-check in sa hotel nila mabuti na lamang at walang nakakakilala kay Troy.
*Tok! *Tok! *Tok!
Nagising si Troy sa katok na iyon na nangagaling sa kanyang pintuan. Hindi pa sana ito tatayo kaso umulit ang pag katok.
*Tok! *Tok!
Napilitang tumayo si Troy kahit na wala itong suot na damit pantaas at napakagulo pa ng buhok nito.
At sa pag bukas nito ng pinto, nakita niya ang isang batang babae na nakatayo sa harapan ng kanyang pinto. Pag tingala ng bata na realise nito na maling kwarto ang kinatokan niya kaya tumakbo nalang ito paalis. Hindi mawari ni Troy kung matawa o maiinis ito. Ibinaling nalang ito ang kanyang tingin sa paligid at dito niya nakita si Patricia na nasa front desk na nakatingin sa kanya. Nagising ang diwa ni Troy nang makita niyang nakangiti ang dalaga sa kanya.
Kahit na ang ngiting iyon ay pang asar okay lang ito sa kanya.
Kumaway si Troy kay Patricia pero mga beki ang kumaway pabalik sa kanya. Isinara nito ang kanyang pinto ng dahan-dahan upang makita niya ang pang asar na tawa ng dalaga sa kanya.
"Ito ang totoong, Good Morning" ani Troy ng nakangiti, matapos ay nag ayos na ito para makalabas na siya ng kwarto.
lang minuto ang lumipas at natapos na din sa pagpapa gwapo si Troy. Sumilip ito sa pintuan upang icheck kung nandoon pa yung mga beki. At nakita nga niya na nandoon pa ang mga ito at naka upo sa may waiting area. Nakita ni Patricia si Troy na pasilip silip sa pinto kaya lumapit ito. "Ayan na yung mga fans mo oh" biro ni Patricia.
Dali-daling hinila ni Troy si Patricia papasok ng kwarto niya at agad isinara ang pinto.
"Kailangan kong bumalik sa labas, madaming tao" ani Patricia.
"Tulungan mo muna akong makalabas dito nang hindi nila ako nakikita" paghingi ng pabor ni Troy. Natatawang tinitigan ni Patricia ang nagmamakaawang si Troy. "Tinatawanan mo pa ako wala namang nakakatawa" nagtatampong pag sabi ng binata. Pilit na pinipigilan ni Patricia ang tawa ngunit natawa din ito ng makita niyang kunwariang nagtatampo si Troy.
"Sige na nga, tutulungan na kita" patawa-tawang sabi ni Patricia,"May plano ka ba?" patuloy nito.
Sandaliang nagisip si Troy, at ng tila makaisip na ito ng plano. Hinawakan niya sa kamay ang dalaga at akmang bubuksan na ang pinto,
"Sumabay ka lang sakin Pat" anito.
Casual na naglakad palabas ang dalawa na paminsan-minsang sumisilip sa mga beki na nakatingin din sa kanila.
Habang naglalakad sila mahigpit ang paghawak ni Troy sa kamay ng dalaga. May kakaibang ligaya ang nadarama ni Patricia, naninikip ang mukha nito at pakiramdam niya sobra itong init. At sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya para lalabas ito any moment.
Ilang hakbang nalang mawawala na sila sa paningin ng mga beki na parang ayaw matapos ni Patricia.
Nakahinga ng malalim si Troy na makalampas na sila, "whew, nakalampas din, ayaw ko lang namang dumungin ako dito e, alam mo naman pogi ang kababata mo" biro ng binata na mahigpit parin ang pagkakahawak sa kamay ni Patricia.
Sumandal ang dalaga habang si Troy naman nasa harapan niya. Sumagot lamang ng maikling ngiti ang dalaga sa biro ni Troy.
"Pat namumula ka, okay ka lang ba?" ani Troy ng mapansin nito ang kasama, inilapit ni Troy ang kanyang mukha upang tignan ng maayos ang dalaga. Biglang lumabas ang mga beki sa hallway na kinaroroonan nina Troy at Patricia.
Inilapit ni Troy hindi lamang ang mukha nito maging ang kanyang katawan kay Patricia para bang hahalikan niya ito. Patuloy na naglakad ang mga beki sa likuran nila Troy. Hindi mawala ang matataray na tingin ng mga ito kay Patricia.
Sa sobrang lapit nina Troy at Patricia sa isat-isa dinig nila ang paghinga ng bawat isa. Nag-init ng sobra ang mukha ni Patricia at napapikit na lamang ito dahil hindi nito alam kung ano ang gagawin.
Nakita ni Troy ang pagpikit at naramdaman din nito ang pag init ng mukha ni Patricia.
Nakaramdam ng kakaibang feeling si Troy na ngayon lang niya naranasan. Itinaas ni Troy ang mukha ni Patricia papunta sa kanyang mukha, para bang nagkaroon ng sariling buhay ang mga kamay nito at bigla na lamang ginawa iyon.
Nagulat kaya't idinilat ni Patricia ang kanyang mga mata. Nagkatitigan ang dalawa at kahit na walang salita ang lumabas sa kanilang bibig nagkaintindihan ang kanilang mga puso.
Papalapit ng papalapit ang mga mukha ng dalawa habang parehas na nakapikit ang kanilang mga mata.
"Waaaahhhh!!" malakas na pagiyak ng isang bata kasabay ang pag bagsak na vase na dekorasyon sa hallway na iyon. Nagulat ang dalawa at napatingin sa batang umiiyak. Agad ng kinuha ang bata ng magulang niya at umalis. Hindi na nakatingin si Patricia kay Troy matapos ang naudlot na halik. Agad tumungo si Patricia sa vase na bumagsak at inayos ito, sumunod naman agad si Troy.
"Um. .Pat" sabi ng binata
"Tutulong muna ako sa front desk, sige bye" nagmadaling umaalis ang dalaga.
"Ano ba itong ginagawa ko? Pangatlong beses ko na siyang sinubukang halikan. Para naman akong ewan nito. Mali. Mali ito." bulong nito sa kanyang sarili.
Hinahabol ni Patricia ang hininga niya ng dumating ito sa front desk. Umupo ito at napainom ng tubig.
"Okay ka lang ba?" ani Yats, isa sa mga katulong ni Patricia sa pag papalakad ng hotel, tumango lamang ang dalaga bilang sagot.
"Grabe yung moment na yun, sasabog na ta tong dibdib ko, ano ba talaga yung balak ng lalakeng yun" ani Patricia sa kanyang sarili.
![](https://img.wattpad.com/cover/11883681-288-k244205.jpg)
BINABASA MO ANG
My First Love (SLOW UPDATE)
Novela JuvenilPatricia has a simple to complex life while Troy has everything. He is an actor. She is a student/hotel owner. They met again after years of being separated, that meeting change their lives. Not they know that It might soon end. Can they cope up wi...