VIII - The Kiss...at last

47 1 2
                                    

May kakaibang naramdaman si Troy sa ginawa niyang iyon. Kaya naman naisipan nitong magpa-pawis sa gym nasa vicinity din ng hotel. Hindi naman kalakihan ang gym, sapat lamang ito para sa mga guest. Troy was wearing a white tight shirt and a black shorts. Dala din nito ang kanyang phone upang gawing music player with its headphones.

Patricia saw Troy passing by through the gym. Naisipan nito na sundan ang binata upang makita kung gwapo ba ito kung pawisan siya.

Troy was on a treadmill sweaty but still hot. Nagpunta si Patricia sa may gym desk na kunwaring may ginagawang work related thing doon. But all she did is to stare at Troy. Naputol ang lahat ng pagpapantansya ng makita ni Patricia na may lumapit na babae kay Troy. Pansamantalang tumigil si Troy sa pag eexercise para kausapin ang babaeng lumapit dito. Kumunot ang kilay ni Patricia ng makita niyang nag shake hands ang dalawa .Maganda yung babae, matangkad, mapute at higit sa lahat malaki ang hinaharap. Na intimidate si Patricia kaya nagdabog ito.

Pabagsak nitong  inilapag ang log book ng gym at mabilis itong tumayo at lumabas.

Napatingin si Troy dahil sa pagbagsak na narinig nito, nakita na lamang niya na palabas na sa gym si Patricia. "I really like to talk to you more but I have to go, see you around" ani Troy sa babaeng nagtaka dahil sa pag ignore sa kanya ni Troy.  Paglabas ni Troy agad nitong hinanap kung saan nagpunta ang dalaga. Nakita niya ito na hindi pa masyadong nakakalayo at nakaupo sa isa sa mga bench na nakapalibot sa hotel. "Ano ba tong nararamdaman ko? Nakakainis!" bulong ni Patricia na walang ka alam-alam na nasa likuran lamang nito si Troy.

"Nakakainis? Bakit?" tanong nito na umupo na rin sa tabi ng dalaga. "Wala. Ano bang pakelam mo?" pagtataray ni Patricia. "Alam ko yang mukhan yan. . You're jealous!" ani Troy na medyo may ngiti sa mukha. "Jealous? Me? No way! For what?" sunod-sunod ng reaction ng dalaga. Troy looked at her in doubt. "See! you are really jealous! Ganyan ng ganyan ka pag nagseselos ka" natatawang pag sabi ni Troy na hindi na sinagot ng dalaga.

"Ganito nalang, take a day off tomorrow then tour me somewhere else" sabi ng binata "I want to spend more time with you" mahinang pagsabi ng binata "Huh?" pagtataka ng dalaga "Just like the old days! Ano ka ba?" bwelta ng binata.

Tumayo si Patricia at naglakad palayo kay Troy ngunit bago paman ito tuluyang makalayo sumigaw ito,"Maaga tayong aalis bukas!" then pumasok na ito ulit sa hotel. Troy smiled.

The next day came so fast, halos hindi man nakatulog ang dalawa dahil sa magkahalong kaba at excitment. It was Patricia's day off kaya pumayag din itong sumama kay Troy.

Tapos na sa pag aayos si Patricia pero hindi pa lumalabas ng kwarto si Troy.

Naka suot ng white mini dress si Patricia with her matching black long string shoulder bag. Her hair was long and shiny, usually her hair is ponytailed para presentable siya sa trabaho niya. She was waiting for Troy at the front desk. Tumingin ito sa relo nito patunay na naiinip na siya sa kakahintay.

She decide to go to Troy's room. At pag dating nito sa harapan ng kwarto ng binata, naririnig nito na may kumakaluskos sa loob. So she knocked, "Troy?" But no one answered.

"Troy?" sabi nito na kumatok ulit sa pintuan.

Ngunit wala paring sumagot. On her third try on knocking on the door sa wakas bumukas din ito.

"Pat."

"Sorry." ani Troy na medyo pawisan at hinihingal.

"Ano bang nangyari sa'yo?" pagtataka ni Patricia.

"I overslept" Troy answered after he drank a glass of water na kinuha niya sa side table sa loob ng kanyang kwarto.

"Hindi ka padin nagbabago, Batugan ka pa din!" natatawang pag sabi ni Patricia. "Tara na nga" tuloy nito.

Troy is wearing a black pants straight cut, white vans shoes and blue-green V-neck shirt which shows the sculpt of his body. Amoy na amoy ni Patricia ang sweet yet manly scented na perfume nito.

"Ano ba naman yang pabango mo, ang sakit sa ilong!" pagbibiro ni Patricia habang nakasakay sila sa Bus papuntang main road.

Dinala ni Patricia si Troy sa ibat-ibang lugar. Nagpunta sila sa mga Buddha Temple na napakarami sa Thailand. Dinala niya rin ito sa isang Floating Market. Doon nakatikim si Troy ng ibat-ibang Thai street foods. Wala naman ito masyadong pagkaka iba sa street food ng pinas. Huli silang nagpunta sa Elephant Riding para na din makapag pahinga.

"Hayyy... ang sakit ng paa ko" bulalas ni Patricia na hawak hawak ang kanyang kaliwang paa habang nakasakay sila sa isang elapante na nagto-tour sa kanila sa isang park.

"Hindi mo naman kasi agad sinabi sakin na masakit na pala yang paa mo, akin na nga" reklamo ni Troy matapos ay inabot niya ang masakit na paa ni Patricia. Minasahe niya ito ng dahan-dahan na itinutuloy parin nito kahit na  paminsan-minsay umaaray si Patricia.

Nagkatitigan si Troy at si Patricia habang nakahawak ito sa kanyang paa. Ilang segundo din silang magkatitig, hindi nila mawari kung bakit na lamang sila bigalaang nagtinginan at biglaang walang masabi. Kumakabog ang mga dibdib nila sa sobrang kaba. 

It was a beautiful sunset. Orange ang buong kalangitan. Magandang ang park. Sila lang dalawa sa isang elepante. They felt like they're on top of the world.

Si Troy ang unang nagsalita at bumasag ng katahimikan.

"Pat, I- I- I like you"

Nilapit ni Troy ang mukha nito sa dalaga. There where no words between them, only feelings. Naramdaman na lamang ni Patricia ang paglapat ng mga labi ni Troy sa kanyang labi. She closes her eyes to feel the kiss and so was Troy. Their hands find their way to each other. It was a special moment indeed.

My First Love (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon