IX

11 0 0
                                        

Natapos ang araw ayaw ng maghiwalay ng dalawa. Inihatid ni Troy si Patricia sa kwarto nito. "Pahinga kana ah, sorry kung ginabe na tayo" ani Troy.  "Okay lang, pahinga kana din" ani Patricia. Lumapit si Patricia upang humalik sa pisngi ng binata. Pagkatpos ng halik agad ding pumunta si Troy sa kwarto. Paghiga nito nakapa niya ang cellphone niya sa kanyang bulsa. May mga missed calls.

 Manager.

Agad tinatawagan ni Troy ang kanyang manager.

"Hello? Sorry hindi ko nasagot mga tawag mo," aniya ng ma contact nya ang knyang manager.

"That's okay, i was just so excited" wika ng manager nya

"Excited? for what?" pagtataka ni Troy.

"Our problem is  solved! And you have a presscon tomorrow" nagulat si Troy sa narinig nyang iyon. "Presscon bukas? Wala pa akong plain ticket" bulalas nito

"Everything is set, aalis ka nalang bukas" hindi na nakasagot si Troy matapos yun.

Natulala at napa isip si Troy sa balitang iyon. Naguumpisa pa lamang maging malapit ulit ang dalawa pero may bumabalakid na agad sa kanila.

Nakaupo lamang si Troy at nakahawak sa phone nya.

Iniisip nito kung ano ba ang mas magandang gawin. Kung sasabihin ba nya ito kay Patricia o hindi na. Nagaalangan ito dahil ayaw nyang masaktan ulit si Patricia sa pag alis nito. "Kailangan nyang malaman" bulong nito, at matapos ay tinawagan nya agad si Patricia.

*Ring*

*Ring*

"Hello?" malungkot ang boses ni Troy. Sasagot na sana si Patricia ngunit naramdaman nito na may mali sa boses palang ni Troy. Pinakinggan nya lang si Troy.

"Hello? Pat? Andyan kaba? I need you to know something" anito na may pagaalala sa boses. Akala ni Patricia tungkol ito sa nangyari sa park kaya nagdesisyon itong pakingan lamang si Troy.

"I need to go back to Philippines may mga kailangan akong ayusin doon, I'm sorry kung short notice, ngayon ko lang din kasi nalaman, I hope you understand" tuloy tuloy ang pag explain nito kahit wala syang naririnig na response sa kabilang linya.

Nasaktan si Patricia sa narinig nyang iyon. Naisip nito na muling aalis si Troy katulad nung huli silang magkita. Umalis sya noon at matagal bago sya nakabalik. Natakot ito na baka ulit mangyari ang ganoon. Hindi ito sumagot, tahimik na pumatak ang luha sa kanyang mga mata.

Call Ended.

Binaba ni Patricia ang cellphone hindi na nito makayang umiyak ng tahimik. Pagkababa ng cellphone humagulgol ito ng iyak. Ramdam din ni Troy na nasaktan nya si Patricia. Pati kasi siya nasaktan din sa ginawa. Tumayo agad ang binata sa pagkakahiga sa kama. Paghawak nito sa doorknob bigla itong natigil.

"Tama na sigurong nangyari ito" aniya habang dahan dahang binibitawan ang doorknob.

Agad dumating ang umaga, halos hindi natulog si Troy sa kaiisip kay Patricia. Habang nakahiga ito sa kama nakatitig lamang ito sa kisame. Kung hindi lang nag ring ang cellphone nya hindi sya gagalaw. "hmm" pagsagot nya sa tawag.  "Your plane will take off in about 3 hours, ready naba lahat ng gamit mo?" ani manager.

Huminga ng malalim si Troy bago sumagot,

"Everything is ready" anito.

"Great! See you then" matapos ay binaba na nito ang tawag.

Naghanda ito sa pag alis kahit ayaw nya, sa tuwing may  maririnig syang nagtitext agad nitong iniisip na sana si Patricia ito pero lagi siyang nabibigo.

Paglabas ni Troy sa kwarto hindi nya nakita si Patricia, laging doon nagiistay si Patricia pero ngayon wala sya.

Nagcheck out si Troy at dumiretso na sa taxi na naghihintay sa labas. Naipasok na lahat ng gamit nya sa taxi, bago ito pumasok ng sasakyan tumingin muna ito ulit sa hotel, umaasang makikita nya si Patricia. Walang Patricia na lumalabas ng hotel kaya nagdesisyon na itong sumakay ng taxi.

Will they ever see each other again?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My First Love (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon