2

318 9 0
                                    

Dear Diary,

Paano ba yan? Kotang kota na ako sa kahihiyan huhuhu second time ko na naman mapahiya sa harap niya.

So ayun nga alam kong matinding kacornihan at ka OA nanaman itong isusulat ko dito sayo.

Nasa School ako. Nag cutting ako sa English subj. Ko pero hindi ako bulakbol sa pag aaral bes ah! Kaya ko lang nasabi na cutting kasi LATE na ako sa subj. ko nayun. Eh namamahiya yung walanghiyang prof ko dun hahaha. Palibhasa matanda na hahahaha. Pero mabait po ako. Di na nga po ako mag sasalita about sa kanya Shatap nalang ako noh?

So dahil late ako napag isip isip kong wag nalang pumasok kesa mapahiya pa ako sa klase. Nag isip ako kung saan ako pwedeng tumambay sa school. Napakaraming lugar na pwede pag tambayan kung tutuusin kaso sa sobrang laki ng school di ko alam kung san ako pupunta.

Nag subok ako sa mga gilid gilid na bench ng school pero Futang iner! Puro mag jojowa nandun! Ayoko nga mag mowdeling sa harap nila! Nako nako baka batuhin ko sila ng KIMBEL kong BAG HAHAHAHA.

Minsan naiilang talaga ako sa ibang estudyante eh. Parang nanliliit ako. Siyempre hindi ko maiwasan makaramdam ng insecurity. Chubby ako, hindi kagandahan, tapos sabi nila MAPUTI lang daw ako at higit sa lahat alam mo ba bes ang panlaban ko lang? Yung mata kong singkit. Puring puri nga yung mata ko ng mga kaklase ko eh. Ang kyut daw pero alam kong nambobola lang sila hahaha sarap pektusan eh noh?

So ayun.. Nag lakad lakad ako tapos kapag may dumadaan na may mga kasamang friends yung mga students kunyari nag pophone ako at soundtrip. Eh putcha mukha akong loner eh. MATABANG LONER TO BE EXACT HAHAHA

Habang nag lalakad ako di inaasahang nabahing ako tapos siyempre pa sosyal pupunasan ko kaso ang kati kati ng ilong ko so kinamot kamot ko yung tuktok ng ilong ko. Oy! Hindi yung loob nung ilong ko ah! Yung labas lang.. Kaso sobrang kati talaga.

Kaya yun kamot kamot ako ng ilong. Pero putcha pa liko palang ako sa kanto ng Second floor nakasalubong ko siya! Oo siya! Yung Crush ko..

Jusko bigla akong nakaramdam ng hiya. Tsk! Nakita niya akong nagkakamot ng ilong. Puta alam ko naman na OA yung mahiya ka sa pagkakamot ng ilong dahil normal lang naman yun eh. Kaso besh iba kasi ako mag kamot ng ilong. Putapepe. Napatingin siya sakin. Tangina kahit hindi niya sabihin sakin yung nakita niya..

Nakita kong NATAWA siya! Argh! Tinawanan niya ako.

Kaya akala natin minsan kilig lang nararamdaman natin sa crush natin eh. Pero ang totoo minsan sarap din nilang pektusan eh. Peksman!

Bakit kasi kailangan niya pa akong tawanan huhuhu

So ayun patay malisya ako at derederetsong naglakad. Argh so ayun hindi ako maka getover.

Hanggang sa makalipas 25 min wala akong mahanap na matatambayan. Eh kasi puro may mga may Friends, squad at mag jowa natyetyempuhan kong tambayan eh.

Kaya nag pasikot sikot nalang ako sa Ground floor siyempre puro engineering dun besh! Eh ang daming gwapo sa Engineering. Halos lahat nga gwapo eh kaya dun muna ako nag lakad lakad.

Tapos dun ko nakita ang kaklase ko sa next subj. Si **** cruz so ayun nag kwentuhan kami hanggang sa may lumapit samin si kuya RURU pala. Isa siyang psychology student sa school at naging kaklase ko siya sa Rizal kaya naman magkakilala kami. So ayun. Hinanapan niya kami ng Liquid eraser. Kaso wala ako pero si **** cruz meron.

Eh kaso mukhang hagardobersosa si kuya ruru ang dami niyang paper works na hawak eh tapos mukha pa siyang pagod na pagod kakahanap siguro ng kakilala na may liquid eraser. Kaya sabi niya sa canteen muna kami. Maraming upuan dun at table. Sinamahan namin siya ni Cruz.

NAKAKAHIYA KAY CRUSH (DIARY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon