3

153 3 0
                                    

Dear Diary,

eto nanaman ako at may naranasang kahihiyan sa harapan ni crush. Sana naman konti lang ang maisulat ko sayo para naman hindi halatang sobrang daming kahihiyan ang nangyari sakin.


so eto na nga..


may klase ako sa school ng 2:30 pm sa room 304 3rd floor, so mga 2 pm nasa room na agad kami ng mga kaibigan slash mga kaklase ko rin sa subject nayun.


tutal may 30 min. pa naramdaman kong malagkit kamay ko at puro tinta ng ballpen. ganun naman talaga pag estudyante ka di mo maiiwasan na maguhitan paminsan minsan ang kamay mo. so ayun nagsabi muna ako sa beshy ko na punta muna akong C.R. at maghuhugas lang ako ng kamay. Mahaba ang buhok ko kaya napag isip isip kong pusudin yung itaas na part ng buhok ko at ginawa itong mini bun. sa mga korean ganern. ewan bagay naman daw sakin yun kasi may bangs at singkit ako. kaya wala naman akong pakielam kung ang tingin ng ibang estudyanteng kasama ko sa C.R. na mukha akong tanga sa ipit ko.


after nun lumabas ako tutal di ko ugaling mag dala ng panyo tinignan ko yung kamay kong basang basa. hindi ako tumitingin sa dinaraanan ko eh kaya ayun laking gulat ko nalang nung papasok na ako ng room nanlaki mata ko kasi..


MALING ROOM PINASUKAN KO!


at ang masaklap pa,


mukhang hinihintay nalang nila prof nila. kaya tingin na tingin sila sa pinto siguro akala nila ako yung prof na papasok. kaso naiilang ako kasi LAHAT SILA nakatingin sakin. literal na biglang lumaki mata ko eh. tapos kay CRUSH pa talaga unang napadako yung mata ko. agad akong tumakbo palabas ng room 305. room 304 kasi ang room namin.


pinag tawanan pa ako ng kaklase kong nakakita sa pag pasok ko ng ibang room sabay asar niya ng "Ayan~ hahaha PASOK PA SA IBANG ROOM WAHAHAHA" grabe laking tulong niya huhuhu.


pag kapasok ko ng room upo agad ako ssa upuan ko. Alam kong namumula mukha ko.

"oy bakit ka nakahawak sa pisngi mo? tsaka mukha kang ewan" Sabi ng seatmate ko.

"kasi.. futa beh! maling room napasukan ko tapos nakita pa ako ni---" bigla kong naalala na ayokong ipaalam sa kanila na may crush ako dito sa school at kakilala pa nila. Famous kasi yun.


"Nakita ka nino?"

"Nakita ako nung mga estudyante sa room 305 lahat sila nakatingin sakin nakakahiya tapos yun tumakbo agad ako"

"tss.. yun lang pala hayaan mo na yun mga 3rd year naman na sila kaya wala silang pakielam" yeah right 2nd year college palang ako at 3rd year naman sila. same course lang kami. 3rd year na ang Crush ko.

Hanggang makauwi ako ng bahay di ako maka get over eh. kaya nung matapos ang klase ko ngayong araw talagang pinag dasal ko na hindi muna kami magkasalubong sa hallway ng school kasi feeling ko nakakahiya.

kung sa ibang tao HINDI NAKAKAHIYA YUN. But for me, it is!

hindi mo naman malalaman kung hindi ikaw ang nasa sitwasyon. minsan akala mo OA ang mga nakikita mong eksena sa Iba pero kapag ikaw na ang nakaranas dun mo marerealize na magagawa at mararamdaman mo rin pala yung ganun.


-Emerald Green

NAKAKAHIYA KAY CRUSH (DIARY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon