7

121 3 0
                                    

Dear Diary,

Ngayong araw ay simula na ng bakasyon. Im so sad diary.. You know why? Because hindi ko nanaman siya makikita.

Alam mo ba? Nag lakas loob akong mag hulog ng Love letter sa locker niya sa Varsity room.

Alam kong makaluma pero pinatos ko na din..

Hindi ako umaasa na bubuksan niya yun at babasahin at tatanggapin ang nakasulat duon ng buong puso.

He's a heartless jerk *weak smile* . alam kong gago siya, alam kong di siya nag seseryoso sa isang relasyon. At alam kong wala lang ako sa paningin niya. Hangin na nadadaan lang sa kanya.

Nakakatawa dahil iisang hangin lang hinihingahan namin. Iisang paaralan lang ang pinapasukan namin at iisang kurso pa ang kinuha namin.. Pero napaka layo parin at ang hirap niyang abutin.

Sikat siya, gwapo siya, ako?

Chubby at hindi matalino. Ang singkit kong mata nalang ang pinanghahawakan ko dahil cute daw ito. Sapat na sakin na sabihan ng cute kaso ang masaklap mata ko yung Cute -,-

"Ay teh! Nag iinarte ka nanaman dyan? Nag eemote?" sabi ng kapatid ko. Oo may kapatid ako. At naiirita ako dahil siya payat ako hindi. Siya Magana ako hindi. Siya matalino pero ako isang malaking HINDI.

Lagi akong nakukumpara sa kanya. Sana minsan man lang mapansin ako sa kung ano ako hindi yung pinapansin lang ako para ikumpara sa kapatid ko o sa ibang tao.

Sa palagay ko ay hindi nalang puro kahihiyan ang maisusulat ko dito. Pati yata hinanakit ko sa araw na fusto kong isulat dito ay mailalabas ko

Sinubukan kong mag diet dahil sa insecurities ko umabot pa sa puntong Hindi na ako kumakain ng kahit ano. Dahil sobrang desperada ko ng pumayat.

Gusto ko rin naman makapag suot ng mga usong damit o mga pamPormang damit. Nakakainggit. Oo, nakakainggit. Naiinggit ako dahil ang nakikita ko sa panahon ngayon at sa paligid ko na yung mga MAGAGANDANG BABAE may seksing katawan sila yung nakakabingwit ng mga lalake minsan loyal minsan naman ay ang swerte pa kung gwapo ang jowa nila.

Couple na Parehong MAGANDA at GWAPO. Talaga bang ang Magaganda ay nararapat sa Gwapo at ang Gwapo ay nararapat sa Maganda?

Na-ospital pa ako dahil sa sobrang kagutuman. Pinagalitan ako ng nanay ko. Bakit ko raw ginugutom ang sarili ko samantalang ang dami naming pagkain. At sinabi niya na Hindi naman daw ako ganito dati. Na nag papaapekto sa sinasabi ng iba.. Kaso IBA NA KASI NGAYON.

Nahuhulog din ako at nag kakagusto sa isang lalake. Hindi ko maiiwasan ma insecure sa kagandahang taglay ng ibang babae.

Ano bang meron sila nawala ako?

Bakit meron ba sila ng taba ko?

Pinang hawakan ko rin ang kasabihan na hindi sa pang labas na anyo nakikita ang kagandahan ng isang tao kundi sa panloob na anyo nito. Kaso ang panloob ko puro FATS. So ugly ako in and out ganun?

Corny, Oo. Pero MASAKIT na kasi..

HINDI KO LANG PALA SIYA CRUSH. NA INLOVE DIN PALA AKO kahit sa pasimpleng tingin ko lang sa kanya.

Sabi nila masasabi mong love kapag kilalang kilala mo na.. Pati nararamdaman mo. Kaso pano ako na inlove kung ni-HI ni-HO wala kaming pinag saluhan?

Nakakainggit nung makita ko siyang may kasamang babae nung SCHOOL FESTIVAL. DATE niya daw pag paparinig sa hallway ng kaibigan niya.

Nalungkot ako that time kasi mukhang bagay sila.

May karapatan naman siguro akong masaktan diba? Kaso wala akong karapatan umangal.

Ganito ba talaga kapag nag kagusto ka sa isang taong di mo magawang lapitan? Ni makausap hindi magawa?

Paano na? Paano na ako? Lulubog nalang ba ako? Paano ba ito?

"Somebody please help me"

Gusto kong iahon ang sarili ko sa mala Dagat na nararamdaman ko para sa kanya.

Paano kaya ang pakiramdam na may umiibig sayo gaya ng pag ibig mo?

Ano kayang pakiramdam ng may nag kakagusto sayo?

NBSB ako. CURIOUS sa bagay bagay.

Hanggang ngayong college nbsb parin. Kailan ako uusad? Tangina. Hindi ako inosente. Nakapanuod na ako ng porn. Ano paba? Nakakapag sabi ako ng iba't ibang mura.

Hindi ko na alam.

Bahala na kung mabasa niya..

Tutal mag t-transfer na ako ng school.. Sana, sana.. Mabasa niya kahit ngayong huling araw ko lang sa school..

Baka nga tinapon niya lang sa basurahan iyong letter ko..

-Emerald Green

NAKAKAHIYA KAY CRUSH (DIARY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon