5

107 3 0
                                    

Dear Diary,

Woohoo Dear diary kong napaka kapal. Sana manipis lang ang magamit ko sayo ano po? Kasi ayokong maging makapal ang pahina na pagsusulatan ko sayo. Halatadong maraming kaganapan na ayaw kong mangyari ang nakasulat.

So heto na nga,

School Fair or School Festival buong week sa school namin.

So ang daming booths at mga Events and activities kada araw sa buong week.

Kahapon nag pakulay ako ng Buhok Ash Blonde I think pwede naman sa school dahil hindi naman ako halatado. Kainis nga eh bakit pati kulay ng buhok sa school bawal? Ano bang kinalaman ng color ng buhok sa pag-aaral ng estudyante? Oo para maging maayos ang estudyante. Pero sana kahit shade lang ng BROWN na color sana payagan na no? Hahaha wala lang nasama ko lang dito yung about sa hairlalu ko.

Kaya naman kasi ako nag pakulay dahil nainggit ako kay mama nag kukulay kasi siya ng buhok niya kaya ayunnaawa yata sakin dahil yung kulay ng buhok ko ay kupas na BLACK na yung bandang anit hahaha.

SO AYUN ang ganda na ng buhok ko. Kaso medyo nag wawavy na siya dahil halos isang taong ng walang rebond tong buhok ko hahaha. Kaya pinlantsa ko. Tapos pwede naman civilian sa school tutal may event.

I wear my favorite Pink long sleeves para maitago ang braso kong mataba at hindi sya fitted para hindi bumakat ang bilbil ko. Tapos black jegging at converse shoes. Kaso ang pangit tignan sakin dahil mataba na nga ako lalong nakita sa jeggings ko ang laki ng pata at binti ko. Kaso NO CHOICE AKO dahil wala na akong masyadong damit.

Bakit ko nasabing favorite ko yung long sleeve? Kasi halos eto lang yung damit na naitatago ko yung taba ko. Hindi kasi ako tulad ng ibang matabain na kayang dalhin ang mga seksing damit kahit na chubby chubby sila. Ako kasi kahit dress hindi bagay sakin. Ito nalang ang matino kong damit.

Minsan naiinggit din ako sa mga estudyante sa school na ang gaganda ng porma samantalang ako ang damit ko kung hindi yung favorite long sleeves ko ay malalaking T-Shirt at jeans lang.

Hays. Minsan nakaka insecure din. Kahit nabang sabihin na every girl has their own way of being beautiful.. Bakit kahit kailan ba di sumagi sa isip niyo na mainggit kahit konti?

Waaaah ayoko na

So ayun pumasok ako sa gate. May mga estudyante na busy sa mga booths. May foods ganern. May iba naman nakakasalubong ko sa daan nakung makatingin nanaman sakin para bang sinasabi na "Ewe! Cheap style of clothes!" mga ganern hays.

Pumunta ako sa mga classrooms para hanapin mga kakilala and friends ko. Kasi balita ko ngayong araw ang BATTLE OF THE BANDS! Waaaah every year ko sinu subaybayan ang battle of the bands kasi ang gagaling ng mga estudyante na sumasali sa battle of the bands dito sa school. Marami naman kasi talagang talented students.

Minsan hinihikayat din ako ng mga kaibigan ko mag gawa ng banda or sumali sa mga taga school na nag hahanap ng vocalist. Marunong naman kasi akong kumanta. Diba nga sabi ko PAKANTAHIN NIYO NA AKO't LAHAT-LAHAT WAG LANG SAYAW!

So ayun nahanap ko rin sila then I also invited them to watch battle of the bands. Para naman may kasama ako. Mukha na nga akong loner gagawin ko pang loner lalo sarili ko? Na-uh uh! Nevah!

Sa Gym gaganapin yung battle of the bands at 4pm gaganapin kasi ang pangit naman kung umaga noh! Paano ka makakapag Jamming non. Init init eh. Hanggang 10pm daw madami kasing mag peperform.

NAKAKAHIYA KAY CRUSH (DIARY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon