12

2.8K 78 3
                                    

Authors Note:

Alam ko po ang sad ng mga updates well loosing someone is a hard thing to deal with, sa sitwasyon ni Soraya sobra ang sakit at mahirap para sa ina na gaya niya ang pagkawala ni Jorhe.

***

Arf! Arf!

"Dana" bumangon si Soraya para bigyan ng gatas at pagkain ang alaga. May ilang linggo na rin ang nakakaraan ng hayaan siya ni Excel mag-isa, nasa Singapore muna siya at rumenta ng apartment, may fashion show at iba pang trabaho, may apat na buwan din ang gugulin niya sa bansang iyun.

Tok! Tok!

Agad binuksan ang pinto ng apartment only to see her husband "can I enter?" niluwagan ang pinto

Arf arf!

"Musta dana!" bati sa aso at nagtatalon ito

"Why are you here?" sabay ayos sa coffee maker, di pa siya nakakalinis galing pa siya ng photoshoot.

"I am here for this" sabay baba sa mesa ng invitation card

"Sino ang ikakasal?" sinulyapan lang niya ito sabay kuha sa ref ng palaman at tinapay

"Sila Samuela at Victor."

"Kakasal lang nila diba?" nakita naman niya na ang picture nila ay yung mismong kinasal ang mga ito ng huli "Last month kinasal na sila diba, bat pa sila ikakasal ulit." sabay subo sa tinapay

Umupo naman si Excel sa harap ng asawa "biglaan ang kasal nila sa Santa Cruz, Laguna. Kaya pinaghandaan ni Victor na maikasal sila ng maayos sa simbahan."

"Bat mo dinala yan dito?"

"We need to attend, nakakahiya naman kung di tayo pupunta."

"Hindi naman ako ang kasama mo ng huling kinasal sila diba?" sabay salin ng kape sa mug "you could attend alone."

"What would I say? Expected nang lahat na kasama ko ang "asawa ko." ano ang idadahilan ko?"

"Try mo yung dahilan mo dati or mag gawa ka na ang ng ibang dahilan."

"Soraya, we need to go." sambit sa asawa "dont act childish matatanda na tayo. I am doing my best."

"Kung ayaw mo ng ganitong setup mag file ka ulit ng petition." tumayo si Excel

"Next week be ready."

"I dont have anything to wear."

"Liar." he shook his head.

After a week

"Misha okay? Kailan next week... Okay thank you." nag-aayos ng tanghalian si Soraya ng may kumatok.

"Excel?" napansin naman niya ang mga kasama nito.

"I am here to pick you up, bukas na ang kasal nila Victor."

"I am busy."

"In your sched wala." sabay tingin sa orasan

"Mas gusto kong magpahinga." sabay upo sa sofa, lumapit naman si Excel sa harap nito

"Soraya, tara na." sabay hawak sa balikat nito "hindi ako aalis dito hanggat di kita kasama."

***
Inaayusan ng stylist si Soraya bigla naman may mga pumasok sa loob walk in closet "mam alin po dito ang isusuot ninyo?" sabay bukas ng mga ito ng sisidlan ng mga damit, yung isa kulay pula na laced gown, may revealing na likod, ang ikalawa ay kulay asul na off shoulder, may slit na silk dress, ang isa naman ay kulay green na balloon dress na tadtad ng crystal beads.

"Ano po mam?" tanong stylist.

"Kayo na ang bahala." sagot nito sabay paling ang stylist sa mga damit.

"Okay yung green na lang." agad na bumalik sa pag-aayos sa kanya ito kinulot ang laylayan ng kanyang buhok ini match ang mke up sa damit. Ito na rin ang pumili ng alahas, sapatos at purse na iterterno sa sa gown.

Maya maya lang au bumaba na ng hagdan si Soraya nakita naman niya na nandoon na ang asawa. "You look beautiful."

"Stop your phrases on me, isang lalaki lang ang gusto ko magmula iyan."

"Kay Strauss?" nag-igting ang panga ni Excel

Napaikot ang mata ni Soraya "kay jorhe."

Arf arf!

"Sir isasama po ba natin ang aso?"

"Sige." sagot ni Excel sa maid at nilagay sa doc carrier ang aso, saka sinundan sila sa kotseng gagamitin.

***
Agad na nakarating sa simbahan silang mag asawa at nagpa picture sa press. Mahigpit ang security ng simbahan at tangin ang mag cocover lang ang pinayagan na mag video ng kasalan.

"Buti nakarating kayo!" sabay yakap ni Victor si Excel at bumeso kay Soraya

"Oo naman, bat naman dito na naman ikaw ikakasal? Tapos si Tina na naman ang maid of honor?"

"Well yung nga ang problema di umattend si Tina at anak niya."

"Sinong makapal ang mukha na pupunta dito? Siya ang sumira ng pagsasama ninyo dati." sabay beso ni Miriah kay Soraya

"ewan ba sa inyo, buti tong theme at mga damit ninyo iba kundi. Ako mismo ang pipigil ng kasalan na ito." sabat din ni Angela at hinalikan sa pisngi ni Excel

"Haha mama naman." sambit nito sa ina

"Ayan na si Sam!" sabay kulasan ng mga tao.

Nang naihanda na ang lahat nagsimulang naglakad ang mga abay, ang theme ay gold, silver and emerald green bagay na bagay sa mala garden wedding. Nang matapos ang mga abay naaninag na nila si Sam kasama ang ama at si Miriah para ihatid ito sa altar. It was a very heartfelt wedding di gaya sa kasal nila ni Excel, you could only feel love.

Nakausot ng Ivory White na trahe de boda si Sam na laced and crystal parang isang dyosa si Sam how Iconic ika sa sarili ni Soraya na pihado ay gagayahin ng maraming future brides, napansin naman ni Soraya ang suot suot na alahas ni Sam parati niya itong nakita iyun sa diyaryo na madalas na suot.

"Ang suwerte ni Victor, sana di na maumpog." napa tawa siya sa sinabi ng dalawang nag-uusap.

***
Maayos na naikasal sila Victor at Sam nasa reception na sila nakatitig naman si Soraya sa litrato nila Sam nung kinasal ng ama sa Santa Cruz, Laguna. Walang pagdududa mahal ng dalawa ang isat isa after all this time sila pa rin.

Nagulat na lang si Soraya ng may naglagay ng cloak sa kanya. "Ang suwerte nila." sambit ni Excel

"Oo sobra, they deserve to be happy." napatungo siya

"We also deserve it." napatingin naman siya dito

"How I wished, Hindi ako ang pinaburan ng judge, we could been all happy like them."

"Those things are not always the way we think." huminga ng malalim "nagkaka labuan na rin kami ni Bea habang nagsisimula pa lang umarangkada ang kaso sa piskal." napatingin siya sa asawa "sa loob ng mahabang panahon na pagsasama noon lang lumabas ang mga problema."

"Problema?"

"Trust issues, at madami pa, hindi ako maka paniwala na hindi ko pala siya totoong kilala. All my life I was blinded with my love on her."

"That's true, pag nag mamahal ang tao pati na kamalian minamahal mo."

"Have you ever fallen for love?"

Tiningnan ni Soraya ang asawa "hindi ako nagkaroon, cause all my life I am told not to, na wag akong magmamahal ng iba liban sa itinakda kong katipan, which is you." sabay balik ng tingin sa larawan "but how could I fall for you? Sa lahat ng nanyari there is no chance."

"Si Strauss?"

"I like him, at nagugustuh-" bigla naman siyang niyakap ni Excel

"Please stop liking him! Please stop your heart. Ibigay mo sa aking ang pagkakataon."

The Forgotten Wife Book 1, 2 and 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon