•9

1.5K 43 1
                                    

Author's Note:

Hi po ito po ang update for next week, happy reading po to all

***

"Nawawala si Rage!" Sigaw ng yaya nito

"Nasaan ang panganay ko!" Nag aalang sabi ni Regal ng lumabas sa opisina

"Mama kuya asan?" Tanong ng isa pa nilang anak habang nakain ng pasas, at iba pang preserved fruits, mahina ang resistensya ni Jillian dahil sa hika kaya naman bihira niya itong pakainin ng junk food

"Jillian mamaya ka na mag kulit" sabay ayos sa bunso at pinasamahan sa yaya, nasa bahay sila nag hahanda ng noche buena na pagsasaluhan, naging abala sa kusina si Bea kasama ang anak na babae, ayaw kasi ni Jillian mawala sa tabi ng mama niya, si Regal naman madaming inaayos sa Opisina at pinahanap ang anak para ipakita ang disensyo ng bagong ilalabas na kotse nila.

"Sir yung cctv may tumangay sa anak po ninyo!" Bungad ng sekyu nila ng reviewhin ang cctv footage

"Ano!?" Halos mawalan ng kulay si Bea sa sinabi ng guard nila at pinanood ang footage "Diba yan ang panganay ni Soraya?!" Nang makilala ang bulto

"Pupuntahan ko ang bahay nila!" Regal said

"Sasama ako!" Bea said at iniwan na sa katulong ang pag luluto

"Mama, papa! huhu wag ku iwan huhu!" Iyak nito ng sinabi iyun ni Bea

"Sige Bea mag bihis ka na at si Jillian di yan titigil baka sumpungin pa ng hika" sagot ni Regal sa asawa at pinuntahan ang driver

***

"Dito ka lang sa pool area ha!" Sabi ni Alexis kay Rage na may dalang regalo para kay Marion

"Okay!" Sabay sara ng pinto

"Totoy, malalagot ka sa papa mo" biglang salita ni Vin dito "pati kami malalagot"

"Pasensya na po kuya Vin gusto ko lang mapasaya ngayong pasko si Marion"

"Maiigi pa pumunta ka na ulit sa loob at tatawagan ko si sir"

***

"Ano ang problema Vin?"

"Ito sir" sabay bukas sa kuwarto ng pool area only to see Rage

"Bat nandito siya!?"

"Pinuslit po ni Sir Alexis"

"Sir! Nandito po sila Regal at Bea Suarez po!" Bungad agad ng guard

"Mukhang siya pakay nila" sabay tingin sa bata "tara rage am I right?"

"Opo, nasaan po si Marion?" nakita naman nito ang regalo ng bata

"Nasa loob ng party." Sir kausap na po ni Sir Enrique sila

"Wala nga dito ang anak ninyo" maayos na sabi ni Enrique kay Bea kahit gusto na niya ito ipakaladkad sa labas, ayaw lang niya na ma eskandalo ang anak at pamilya nito

"Sir hindi po kami nangugulo nandito po kami dahil nakita sa cctv na sinakay ng apo ninyo ang anak po namin sa dalang kotse niya at papunta dito ang tinahak nilang daan, dito din kami tinuturo ng gps namin." Sagot naman ni Regal at pakita sa tablet

"Umalis na kayo!" Regata said "Bea naman! Nanahimik na kami wag ka ng mang gulo"

"Bea sa loob ka na lang ng kotse" utos sa asawa "ako na ang kakausap sa kanila" kinausap muli sila Enrique "sir naman, hindi naman nangugulo ang asawa ko, nagkataon lang po talaga na nawawala ang anak namin at kinuha ni Alexis" paliwanag muli ni Regal na alalang alala sa anak

"Regal, kakausapin namin si Alexis umuwi na kayo, kung nandito ang bata kami na ang mag dadala" sagot ni Enrique

"Sir naman magpapasko naman po, tingin po ninyo mapapalagay ang loob namin habang nag-iintay?! Sir magulang din kayo! Sir kanina ko pa po pinapakita ang gps tracker ng cellphone ng anak ko sa inyo! Nasa loob po ng bahay ng anak ninyo ang anak ko!" Naiinis na sabi sa kaharap dahil paulit ulit na lang nitong sinasabi na umalis na sila, di siya papayag na pagtabuyan siya nang mga ito.

Pumasok na si Bea sa passenger seat, ang kanina naman na kalaro ni Jillian na Driver ay nagpaalam na tatawag sa pamilya kaya lumabas, iniwan nito nagana ang kotse para di mawala ang aircom, di naman napansin ni Bea na pumunta si Jillian sa driver side. Bigla naman may natapakan ang anak niya kaya umandar ang kotse

"Mama huhuhuhuhu!" Iyak ni Jillian sa pagkasubsob ng umarangkada ang sasakyan nabigla naman si Bea

"Regal!" Sigaw ni Bea at pilit pumupunta sa driver seat "anak!" Sabay kuha sa bata "tulong!" Hindi naman sila marinig masyado pero saktong napansin sila ng driver

"Sir!" Sigaw ng driver at pumunta sa driver side para habulin ang kotse at buksan pero nailock ni Jillian ng di sinasadya ang buong kotse ng mapahawak sa pintuan agad naman na rumesponde ang security.

Napalingon naman si Regal "Bea!" Sigaw nito at napatakbo sa kotse pati na ang driver "Jillian anak!" At kinakatok ang pinto "bea buksan mo pinto!"

"Jusko!" Sigaw ni Regata din at nanakbo sila ng asawa para habulin ang kotse, nadinig naman ng mga nasa loob ang sigawan kaya naglabasan silang lahat

"Bea Patayin mo ang makina!" Sigaw ni Enrique at pilit din binubuksan ang pinto, walang bukas na bintana dahil sa aircon kaya pagkatok at habol na lang ang nagagawa nila, nanakbo din ang ibang guest na lalaki para tulungan sila Regal, yung iba naman pinipilit na patigili ang kotse sa pag harang.

"Mama! Mama! Huhuhu" iyak ng anak nito nakuha naman ito ni Bea

"Anak diyan ka lang!" Bea said

"Ayaw mama huhu!" Iyak nito at biglang hinika

"Mam yung bintana buksan ninyo!" Sigaw naman ng isa sa mga security

Di naman malaman ni Bea ang gagawin dahil pagkaka bigla "huhu anak!" Pinipilit ni Bea na lumapit sa driver side pero ayaw siya bitawan ng anak sa takot kaya naman napaiyak na rin siya sa takot, naintindihan naman niya ang senyas ng mga tao at agad gumawa ng paraan para mabuksan ang pinto ngunit di siya makalapit kaya naman binuksan na lang niya ang bintana sa tabi nila "huhuhu tulong! Rage!" Sa pag bukas ng bintana

"Papa! Huhuhuhu" agad naman pumasok si Regal at binuksan niya ang pinto ng driver side, sakto naman na nakapasok na ang driver at pinatay ang makina "huhuhuhu papa!" Sabay yakap nito sa anak na umiiyak.

"Anak may sugat ka!" Napansin naman ito ni Bea

"Papa! Mama!" Sabay takbo ni Rage

"Saan ka na nagsusuot!" Sigaw ni Regal sa anak, kaya napaiyak to, nawala naman ang galit nito sa anak ng makita na natakot ito, niyakap na lang niya ito "basta wag mo na uulitin anak!"

"Opo papa huhu"

"Regal si Jillian!" Bea said

"Tara kailangan na natin siya dalhin sa ospital!" Matindi na kasi ang sumpong ng hika nito

"May nebulizer dito kung gusto ninyo" napatingin naman sila sa nagsalita it was Soraya, "Its my son's fault, so don't assume anything" sabay pasok sa loob nito at sinundan ni Excel

"Jillian okay ka na?" Tumango naman ang bata sa ina nagamot na din ng nursemaid ni Marion ang sugat sa ulo

"Pasado Alas once y medya na, nag-iintay na sa atin si Nanay Bianca

Tok! Tok!

Bigla naman na iniluwa ang butler "sir malapit nang mag noche buena, baka di na po kayo umabot sa inyong tahanan. Kaya naman po inaanyayahan kayo ni Sir Enrique na kumain kasama nila" sabay labas

"Mama hungry me"

"Regal ano? Kakain ba tayo dito, nakakahiya na kasi"

"Tara na nga, kasalanan naman nila ang nanyari sa atin! Kundi nila tayo pinagtabuyan di hahanton sa ganito!"

***
Salamat po and god bless to all po

The Forgotten Wife Book 1, 2 and 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon