*21

2.9K 96 21
                                    

Authors Note:

Tada Im back! Happy reading po.

***
"Oo may kakambal si Jorhe, he was more healthier than Jorhe. He was Soraya's hope na maaring maging normal din si Jorhe sa kabila ng matinding sakit at anim na buwan lang isinilang." Sagot ni Don Juan

"Ano pong nanyari ayaw po kasi pag-usapan ni Soraya"

"Masakit din kasi. Mag-iisang taon si Sila Jorhe ng biglang isinugod namin si Jorhe at si Alexis ay naiwan kasama ng pinsan ko, yaya nito at ibang kasambahay sa luma namin mansyon" sabay buklat ni Excel sa mga pahina ng photo album "nilooban ang mansyon at pinatay ang mga nasa loob, kahit ang pinsan ko nasawi din."

"Ano?! Pinatay nila si Alexis!" Naikuyom ang mga kamay

"Walang may alam madaming bersyon, kinuha daw ng mga magnanakaw para ipatubos sa amin, naghanda kami ng ransom money pero di sila nagpakita, dinala daw sa malayo ng kasabwat na katulong sa kasamaang palad namatay sa operasyon ng pulis para mabawi si Alexis" pinunasan ang luha "doon na diskubre na nagbebenta ng bata ang katulong may mga bangkay din ng mga bata na natagpuan na nakalibing sa pinagtataguan nito at sa kasamaang palad may nag match pero malayo pala naming kamag anakan yung bata at wala ni isa ang nag match, pero mas lumala ng may matagpuan na duguang damit ni Alexis at nag match ito kaya dineklara ng pulis na patay na rin siya." Napasabunot si Excel "halos mabaliw at mawala sa katinuan si Soraya, nawalan siya ng pag-asa at si Jorhe inaagaw ni kamatayan. Wala din naging saysay ang lahat ng pag-hahanap kaya ako na mismo ang pumigil na mag-hanap dahil nauupos na siya at napabayaan ng todo ang sarili"

Naikuyom ni Excel ang Sarili mayroon pa pala silang anak pero ang sakit dahil oo nga baka buhay o baka naman patay na din. Mas mahirap ata ito sa namatayan at least doon may closure dito wala. Sobra din nakakaawa si Soraya matagal na pala itong naghihinagpis sa pagkawala ni Alexis at wala siya sa tabi nito, ngayon doble dagok na dito dahil parehas wala ang mga anak nila, pati siya naninikip ang dibdib at sasabog ang ulo niya dahil sa nalaman, wala sa tiyempo ang pagkaka diskubre nila sa kakambal ng bata "hahanapin ko po ang natitira naming anak"

"Bahala ka pero ang Cuadro's na ang humawak sa kaso na iyan and its a dead end pag di nila nalaman ang lead more to it hinire ko din ang Montejo's Investigation na mahigpit na karibal nito pero parehas lang "wala"" paliwanag nito

"Saan po na dead end?"

"Dead end ng mawalang parang bula ang kinakasamang babae ng pinsan ng katulong, ang impormasyon ito daw ang nag-aalaga sa mga bata. Pero di naman mapatunayan kung may tinakas ba itong mga bata o wala tapos five or four years ago binalikan ako ng mga imbestigador na nahanap nila ang babae kaso nagpakamatay daw ito sa tinitirhang bahay at may mga gamit ng daw ng batang babae."

"Yung batang babae asan baka may lead siya!?"

"Ijo anak niya ang batang iyun at may sakit na autism kaya wala din saysay. Pero may drinawing ang bata" pinakita ang lumang drawing "may isang maliit na bata pero na kasama pero ulo lang at leeg di pa natapos kaya di masagot kung ano ang kasarian di rin masagot ng bata ng ayos lahat ng itanong dito."

"Baka po mam nagkakamali po kayo?" Sagot ni Louie kay Soraya na katabi ang bata habang pinapakita ang larawan nito sa ipad at ng yumaong anak

"Alexis ang pangalan mo hindi Louie, ako ang mama mo kaya alam ko ikaw ang nawawala kong anak, sabay yakap"

"Sir, yung resulta po ninyong tatlo sa isang linggo na po ang lalabas." Sabay ayos sa specimen na kinuha sa kanila ng asawa at sa bata "kapag po nag match may malaking tiyansa na malalaman natin ang totoong nanyari sa anak ninyo sa panahon na mawala siya sa probinsya."

The Forgotten Wife Book 1, 2 and 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon