*22

2.8K 78 11
                                    

Authors Note:

advance update po para po ito next week salamat!

***

"Anong gusto mo Soraya, baby's breath o rapeflower?" Sabay turo ni Excel sa bulaklak na bagong pitas ng mga maids.

"They look so nice together, but baby'sbreath look more delicate... Uhm just mix them together I love the blending" tumango naman ang katulong at pumunta na sa banyo para mag ayos ng bulaklak sa vase.

Nasa ikalawang linggo na si Soraya sa kanyang bed rest "Soraya? May gusto ka bang ipabili?"

"Mama! Look oh I brought you some snack!" Alexis na may katulong na maid na si Nicky dito sa pagdadala ng tray.

"Thank you anak" ngiti ni Soraya

"Nurse Lea will the one attending together with the other maids, yung isang nurse her name is Wendy bukas pa siya paparito." Ika ng doktor

"Salamat doc" Soraya smiled

"Basta maging okay vital signs ni Soraya pati na ng bata ay puwede na siya gumawa ng magagaang gawain, pero di siya dapat ma-stress baka humina ulit ang puso niya." Sabay tingin sa records "mabuti na lang bumuti this week kundi talagang ipapa terminate ko na ang pregnancy" sabay ngiti "medyo lumakas ng konti ang kapit ng bata, if you want you could go outside the garden. I brought a wheelchair para di ka mahirapan sa pag ikot"

"Do you want to go?"

"Oo ang boring na dito" ngiti niya

Agad na binaba siya ng kuwarto gamit ang elevator, pinagulong ng maid ang kanyang wheelchair. Lumiwanag ang mukha niya ng makita ang garden tamang tama lang ang init "nicky padala dito ng pagkaing dala ni alexis dito, Soraya dito mo na lag kainin" sabay hawak sa kamay "Dont worry we will get through this out together"

"Thank you for backing me up" napapaiyak na sambit ni Soraya agad naman siya inalo ng anak

"Mama bad daw po kayo mag cry mama please po ngiti na lang po kayo lagi" sabay akap ni Alexis sa Ina

"Thank you for coming back anak. Ikaw ang pinaghuhugutan ko ng lakas mula pa noon. I promise susubukan ko na di umiyak tandaan mo to. Mahal na mahal kita."

"Ako din po mama"niyakap ng bata ang ina.

Nagtagal na sila ng ilang saglit at pumasok na rin ng medyo uminit, di pa muna napasok si Alexis at home study muna siya para sa next na pasukan ay maka adjust na siya ng mga pinag aaralan sa lilipatang eskuwelahan. Sa school din ni Steph, The media went crazy ng malaman ang kondisyon ng asawa about her dangerous pregnancy to thier youngest child. Dinoble na rin niya ang security na kadalasan may nahuhuling ga media na napuslit sa compound at sinusubukan magkaroon ng panakaw na pagkakataon na kumuha ng litrato.

"Papa, Mama!" Sabay akap sa mga ito "she is getting better but not that well"

"We know, she needed all the support she could have" sagot ni Regata

"Pero si Cyne strongly suggest to terminate it." Buntong hininga "kung ako nga lang gusto ko din na di mapahamak ang misis ko. Kaso lang... Naiisip ko din na karma ko din to kakapilit kong ipaagas ang mga anak namin ito ang nanyari, huhu papa kung kailan gusto ko na bumuo kami ng masayang pamilya ito ang kapalit! Huhu mama sa akin na lang dapat bat siya na naman ang nahihirapan" hagulgol sa harap ng magulang

"Anak, lakasan mo ang loob mo, wag ipakita sa misis mo na nawawalang ka ng pag-asa!" Sabay akap ni Regata "anak dapat alagaan mo na ang misis mo she is giving her life for your child, kung ano man ang mangyari tanggapin mo ng maluwag kahit masakit."

"Mama I cant pano kung mawala ang asawa ko, I cant bear to see the child that killed her! Kahit anak ko pa yan!"

"Excel, your voice anak mo yun, everything has a reason." Taps his shoulder "everything maybe have a reason right know di mo pa malalaman, pero pagkatapos nito magiging okay na."

"Thanks pa" punas ng hula "pa, ma, mamaya na po ako aakyat baka mahalata niya na umiyak ako I don't want her to be affected"

"Sige anak" sabay nila sa harap niya.

***
"Bea, kawawa naman si Soraya biruin mo dalawang buwan na daw di pinalalabas ng doktor sa bahay" sabay baba sa diyaryo ni Tina

Hindi makaimik si Bea himas himas ang tiyan na medyo kita na ang umbok "oo nga kasalanan ko ang kung ano ang nanyayari sa kanya ngayon." Napailing "kung pupuwede lang akuin ko ang problema niya sa pag-bubuntis inako ko na."

"Bea walang may gusto ng nanyayari" sabay himas sa tiyan ng kaibigan "anong sabi ng ama nito?" Umasim naman ang itsura ni Bea

"Ayun kulang ipangako nung gagong yung ang buwan langit pati na mga bituin! Aber ang daming pangako! Lalo na ng lumabas ang dna result na siya ang ama!" Sabay iling

"Huh?"

"Kesyo ipapa-araro na niya ang divorce nila ng misis niya, na galit na galit na siya sa panloloko nang misis niya, asahan ko daw na bago ito ipanganak di magiging bastardo! At kung ano ano pa di ko na nga kailangan mag luto sa bahay pati na nanay ko maya't maya ang dala ng foods!" Sabay iling

Napatawa naman ng todo si Tina "hahaha good for you"

"Anong good wala akong balak pakasal sa ama nito!"

"Oy grabe to! Isipin mo yang nasa tiyan mo gusto mo din ba bastardo iyan gaya ng mga una mong anak?" Sabay inom "saka sabi nila alam na ni Soraya na buntis ka"

"A-ano?"

"Oo at stress iyan dahil akala si Excel na naman ang ama."

"Kausapin ko kaya?"

"Tong babaeng to! Wag mong gagawin iyan baka mapano siya!"

Napaisip si Bea sa sinabi nito dumating naman ang ama ng anak niya "Bea, divorce na kami ng asawa ko" sambit ng lalaki "please gusto ko ang bata maging ligal na akin" pakiusap

"Sige" nagulat sila ni Tina "pero gusto ko magarbong kasalan at lahat ng tao malalaman sa diyaryo na kasal na tayo at sa iyo ang bata."

"Talaga!" Tuwang tuwa ang lalaki "pangako di mo ito pag-sisihan!"

Napailing si tina nahuhuluan na talagang sinadya iyun ng kaibigan para makarating ang balita kay Soraya at mawala na ang duda nito sa asawa na ito ang ama ng dinadala ng kaibigan tinapos nito ang kinakain at tumayo. Susuong ang kaibigan sa di halos pinag isipang desisyon kung iisipin. She was hitting two birds at the same time, mawawala ang ikakastress ni Soraya, magiging buo ang pamilya ni Bea para sa bagong anak, pero kalakip noon na hindi nito mahal ang ama ng bata.

"Mommy, gusto ko po ng Iced tea!" Sambit ng anak ni Tina

"O sige anak wag kang makulit at nag-aasikaso ako ng kostumers" ngiti nito

"Tina Imbitado ka ha! Ikaw ang maid of Honor wag mo ko ma indian gaya ng ginawa mo kay at patay ka sa akin!" Asik nito

"Sure!" Sagot niya sa kaibigan

The Forgotten Wife Book 1, 2 and 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon