Napapikit ako at hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. Hinila niya ako bigla pasakay ng jeep.
Ang malas kami lang ang pasahero
"Josh! Ano ba kasing nangyayari?! Ano ba yun! " sigaw ko
"Manalangin ka sa Panginoon Gell"
"Ha? Bakit?! " tanong ko
"BASTA KUNG AYAW MONG MAMATAY TAYONG DALAWA NGAYON! "
Napatingin ako sa labas. Ang bilis. Napakabilis ng jeep na sinasakyan namin. Yung driver steady lang siya di niya hawak ang manubela.
Hindi tao yung driver!
NAIIYAK NA AKO DI KO NA KAYA NAKIKITA KO NAHIHIRAPAN NA AKO!
Ipinikit ko ang mga mata ko at nanalangin . "Natatakot ako Ama. Ama patawad po sa lahat. Wag niyo po sana kami pabayaan. Ama patawad po sa lahat. Ama!! "
Nararamdaman kong higpit ng hawak ni josh. Di ko kayang dumilat. Di ko kayang bumitaw . Ayoko pa. Ayoko pang mamatay Ama!
-
-
-
-
Dumilat ako. Puti ang una kong nakita. Kisame.. Tumingin ako sa kaliwa ko. May dextrose. Sa kanan ko. Si josh nakahiga rin sa isang kama. May sugat sa ulo, may pilay ang braso niya. Tinignan ko sarili ko. Pinakiramdaman pero walang masakit sa akin. Ni kahit anong galos wala. Ano bang nangyari ? Bakit siya lang ang may sugat? Bakit ako wala? Naiiyak na ako. Parang di ko na kinakaya tong nangyayari..
Iyak na lang ako ng iyak. Wala sila mama. Kami at ibang pasyente lang ang nandito. Natatakot ako
"Gell" boses ni josh na hirap na hirap
"Josh nandito lang ako " sabi ko
"Wag kang umi -- umiyak please? "
Lagi siyang may please sa akin kaya ginagawa ko kaagad pero sa pagkakataong to. Hindi ko na kaya yung pinapagawa niya
"Kayanin mong wag umiyak. Nasasaktan ako pag umiiyak ka" josh
"Ano ba kasing nangyayari ? Tuwing nagtatanong ako di mo ko sinasagot ng maayos eh" sabi ko
Naiiyak pa rin ako..
"Malalaman mo rin. Kaya-- kaya siguro tayo pinagtagpo dahil don" - Josh
"Dahil saan?! Josh naman eh"
"Gell. Mahal kita. Mahal na mahal"
Nawala ang takot ko dahil sa narinig ko. Mula nung sinabi niya yun parang ligtas na ako habang buhay..
"Mahal ... Mahal na mahal din kita josh"
Nakita ko yung ngiti niya. Yun yung ngiti noong sinabi niyang di niya ako lalayuan.
Josh. Ano ba kasing nangyayari? Naaksidente ka na pero di mo pa rin sinasabi sa akin? Litong lito na ako.. Takot na takot na ako. Josh.
----
--
-
Inasikaso na ni mama ang paglabas namin ni josh. Hindi pa rin nagtatanong si mama tungkol sa nangyari. Mamaya na lang daw pag ok na kami.
Mahal namin ang isa't isa pero di ko alam kung ano na ba ang meron kami. Parang di pa pwede dahil sa mga nangyayari na hanggang ngayon di ko pa rin lubos maisip kung bakit.
Nakalabas na kami. Si mama na rin nagbayad ng bill ni Josh at dumating na ang magulang niya.
Nag aya na si mama na don muna sila sa bahay tumuloy dahil nga gabi na kami na discharge sa ospital.
Pumayag ang magulang ni josh.
Sumakay na kami sa sasakyan si papa ang nagmamaneho. Pagkarating sa bahay tsaka sila nagtanong.
"Anak. Ano bang nangyari sa inyo? Sabi ng mga nakakita natagpuan na lang kayong dalawa sa gilid ng damuhan na walang malay" naiiyak na tanong ni Mama.
Kahit ako hindi ko alam yon. Ni hindi ko alam kung bakit dun kami napadpad at di ko alam na don pala kami napunta. Wala akong masagot. Di ko alam ang sasabihin
"Anak sagutin mo naman ang mama mo" si papa
Wala akong masabi. Naiiyak na lang ako. Di ko alam kung paano sasabihin.
"Ma'am, Sir. Pasensya na po. Dahil maski kami ni Gell. Di namin alam ang nangyari sa amin. Naglalakad kami non sumakay ng jeep at parang nahilo po kami. Ang naaalala ko po si Gell ang unang hinimatay at yun di ko na po alam ang mga nangyari. " si josh
Totoo ba yung mga sinabi niya? O nagdahilan lang siya dahil hindi maipaliwanag ang nangyayari sa aming dalawa?
"Hinimatay kayong dalawa sa jeep? Tapos natagpuan kayo sa gilid ng damuhan? Sinong walang hiyang driver ang gumawa sa inyo non! " Papa ni Josh
Wala na kaming imik. Wala na sigurong masabing dahilan si josh. Lalo na ako. Wala na akong maisip na pwedeng sabihin. Wala akong nagawa kundi umiyak ng umiyak.
"Pero bakit ganon? Si josh ang bugbog sarado? Ikaw ni galos wala? Nabugbog ba si josh bago kayo himatayin? " Papa ni josh
"Hindi po pa. Di ko rin alam kung anong nangyari sa akin. Buti na lang ako ang napuruhan hindi si gell" -- josh
Kahit ako nagtataka kung bakit siya lang ang napuruhan at ako wala. Alam kaya ni josh ang buong pangyayari?
--
*Josh' P. O. V*
Kailangan kong ilihim ang lahat para wala ng madamay. Kaya ko pa. Kakayanin ko pa lalo na't kailangan niya ako.
Natatakot din ako sa lahat ng to pero mas kailangan kong maging matapang. Sa nangyari sa amin don sa jeep akala ko mamatay na kaming dalawa.
*Flashback*
Napakabilis ng jeep . Nananalangin na si Gell. Hawak hawak ko ang kamay niya ng mahigpit. Di ko alam kung saan patungo ang jeep. Wala na yung driver na nakita ni Gell. Kami na lang dalawa ang tao don dahil ang nagmamaneho kanina? Hindi tao.
Mas bumilis pa yung jeep. Palapit na kami ng palapit sa isang punong sobrang laki. Pag bumangga to siguradong wala na kaming buhay dahil maaaksidente kami sa isang sitwasyon na hawak ng isang nilalang na hindi kayang makita ng ordinaryong tao. Na ako.. Oo nakikita ko siya.
Malapit kaming bumangga at nakikita ko na rin na papalapit na siya kay Gell pero hindi. Hindi ako makakapayag na makuha niya ang taong mahal ko at ito na ang huling pagkakataong mabubuhay ako kasama siya . Hindi to maaari!!!
"HINDI AKO PAPAYAG NA MAKUHA MO SIYA! KUNG MAMAMATAY MAN KAMING DALAWA HINDI DITO SA MGA NAIS MO !!!!"
Niyakap ko si gell ng mahigpit binalot ko siya ng jacket ko at tumalon kami palabas ng Jeep. Mas pinili kong ako ang unang babagsak kaysa siya. Kahit pa ikamatay ko ang pagtalong to wag lang si gell. Sa bilis ng jeep. Tumalon akong yakap siya ginawa ko lahat para maprotektahab siya sa pagulong gulong namin . Alam kong hindi kami papabayaan ng Panginoon.
*End of flashback *
Pagkatapos non di ko na alam ang sumunod na nagyari kaya nagulat na lang ako na nasa ospital na kami. Mas gugustuhin ko pang mamatay sa isang aksidente kaysa sa isang patibong ng nilalang na yon. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa ito. Ang tanging alam ko lang. Poprotektahan ko siya hanggang sa huling paghinga ko.
*End of POV*
*Gell's POV*
Dito na natulog ang pamilya ni Josh. Maluwag naman sa akin ang pamilya ko kaya ang katabi ko sa kwarto ay si josh. Mas pinili nilang kami ang magkasama dahil pakiramdam daw nilang ligtas ako pag kasama siya. Ganun din ang pakiramdam ko. Kaya siguro buhay pa ako ngayon.
"Gell. Kamusta na pakiramdam mo? " tanong ni josh
"Maayos lang ako. Ikaw nga itong napuruhan. Kamusta na ba pilay mo at sugat sa ulo mo? " tanong ko
"Kumikirot pa rin. Buti nga ito lang inabot ko eh"
"Buti? Eh napilayan ka na nga?! "
"Wag ka namang sumigaw oh? Nagmamaldita ka na naman eh. Lalo ka tuloy gumaganda"
"Tss Bolero.. Hmm. Josh? Alam mo ba ang nangyari talaga? "
"Oo kaya nagpapasalamat ako na ito lang inabot ko at walang nangyari sayo"
"Ano bang nangyari? "
At kinwento na niya ang lahat.
Naiiyak ako. Natatakot ako. Kaya di ko napigilang mamalukto sa gilid ng katawan ni josh. Nasa kanan ang pilay niya nasa bandang kaliwa niya ako kaya yumakap ako sa braso niya at umiyak.
"Josh natatakot na ako. Napapahamak ka na. Utang ko sayo ang buhay ko"
"Wala kang utang. Responsibilidad ko ang protektahan ka dahil mahal kita Gell. Mahal na mahal na mahak kita"
Hinigpitan ko ang yakap sa kanya niyakap ko na talaga siya at umiyak lalo
"Mahal na mahal din kita josh"
Isang buwan ang nakalipas. Wala nang kakaibang nangyari sa amin ni josh. Nung mga ilang araw natatakot pa kami pero parang tumatagal nagiging normal na anf lahat. Ok na si josh wala ng bali at sugat. Balik school na rin kami. Ok na ang lahat. Natahimik na kami..
-
-
-
-
Akala ko Ok na ang lahat.
Akala ko matatahimik na kami.
-
-
Hindi pa pala.
-
-
Naglalakad kami ni josh pauwi. Mejo madilim na rin ang Paligid. Ihahatid niya ako sa bahay tulad ng nakasanayan. Nag uusap usap lang kami habang naglalakad. Hawak ko ang kamay niya tapos may tumawag sa phone ko kaya binitawan ko siya at sinagot ang tawag. Si mama pala
"Hello ma? Pauwi na kami" sabi ko pero walang nasagot kaya akala ko signal lang ang problema. Binaba ko na yung phone at pagtingin ko kay Josh..
Nagulat ako.
Nanghina ang mga paa ko.
Di ko na alam gagawin ko.
Ako na lang mag isa.
Wala siya sa tabi ko. Nawawala siya ...
"JOSH?!!! NASAAN KA!!! NASAAN KA!!!! "
YOU ARE READING
Identity of no one
HororPalagi mong lingunin ang anino mo . Baka magulat ka, wala na siya sa pagkatao mo