Chapter 3: May Papatayin na siya ?

28 2 0
                                    


Bakit?? Akala ko tapos na ang lahat? Pero bakit heto na naman! Paglingon ko wala na si Josh. Natatakot ako.

Gusto ko nang umiyak di ko na kaya pero anong dapat kong gawin?? Ako lang mag isa sa lugar na...

Sandali. Hindi --Hindi ito yung dinadaanan namin kanina. Napaka dilim.. Wala akong makitang bahay. Puro damuhan at mga puno lang.

. Ako lang. Ako lang ang mag isa. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kailangan ko maging matatag.

Hindi ako natatakot sa dilim.

Noon pa man kahit iwan ako sa dilim di ako marunong matakot. Hahanapin kita josh kahit gaano pa kadilimNaglakad nako para hanapin siya.

"Josh?? Nasa-- nasaan ka? Please magpakita ka naman oh"

naiiyak kong sabi. Naiiyak ako sa bigat ng nararamdaman ko sa paligid. Bakit ganito? Bakit parang may mga nakatingin sa akin kahit walang tao? Sa paglalakad ko. Parang paulit ulit na lang ang lugar na dinadaanan ko..

At mga ilang sandali'y may narinig akong kaluskos sa likuran ko. Nais kong lumingon pero parang hindi kaya ng mga mata ko. Pinagpatuloy ko ang paglalakad . Tanging yapak ko lang ang naririnig ko hanggang sa parang hindi na lang ako ang naglalakad.

May sumusunod sa akin.. Hindi ko na kaya tumingin. Gusto ko na pumikit at yumuko pero di pwede gusto kong makita si josh. Sa pagkakataong to.

Ang yapak na naririnig ko ay palakas ng palakas na para bang palapit na ng palapit sa akin. Hindi ko na alam gagawin ko..

Tatakbo na ba ako??

Binibilisan ko na ang paglalakad ko pero binibilisan niya rin ang paglalakad niya. Maaabutan niya na ako. Sumigaw na ako pero wala akong marinig na boses. Kaya napatakbo na ako

Nararamdaman kong maraming nakatingin sa akin.. Mga yapak na naririnig ko mas dumarami pa. Hinahabol nila ako ..

Di ko na alam gagawin ko! Josh! Nasaan ka na! Hindi ko na kayang tumakbo.. Pabalik balik lang ako sa dinadaanan ko.

Ang lapit na nila sa akin. Hindi ko na kaya. Natatakot na ako. Ayan na sila. Nararamdaman ko na sa likuran ko. Napapagod na ako.. Wala na akong makita sa daan wala nang mga puno o halaman... May natatanaw ako.. Hindi ito si josh. Ayoko! Ayokong lumapit sa kanya! Siya yung naaninag ko noon.

Gusto ko ng huminto pero hindi humihinto ang mga paa ko sa pagtakbo.

Dumarami ang nakikita kong anino papalapit nako sa kanila. Ayoko na! Natatakot na ako!

Gusto ko ng huminto!!!! PANGINOON KO TULUNGAN NIYO AKO! ---------------



"GELL! UTANG NA LOOB LUMABAN KA! GUMISING KAAA!!!"


Napatayo ako sa pagkakahiga ko. Bangungot. Isa lang iyong bangungot.

Tinignan ko si josh. Umiiyak na siya. Tumingin ako sa paligid. Ang pamilya namin naririto. Nasa ospital na naman ako. Hindi ko napigilan. Niyakap ko si mama.

Bumuhos ang luha ko. Akala ko. . Akala ko mamamatay na ako. Hindi kinaya ng dibdib ko. Tinignan ko si Josh . Hinawak ko ang mukha niya.

"Totoo nga. Nandito ka na. Hindi ka nila kinuha sa akin"


Niyakap ko siya. Niyakap ko ng mahigpit. Akala ko tuluyan na siyang nawala.


Identity of no oneWhere stories live. Discover now