Chapter 8. Ikaw

5 0 0
                                    

"Mama. Labas lang po ako, punta po ako sa mga kalaro ko" Gelay

"Hanggang Park ka lang anak ha"

"Opo"

-
Naglakad si Gelay papuntang park upang puntahan ang kanyang mga kalaro. Isa na dito si Prince na siyang matalik nyang kaibigan.

"Gelay!" Tawag ni Prince

Agad tumakbo si Prince kay gelay

"Tara laro tayo, doo tayo sa may seesaw" Prince

"Tara dali" Gelay

Masayang naglalaro ang dalawang, nagulat sila nang may maliit na bato ang tumama sa seesaw.
Napahinto ang dalawa , bumaba si Gelay sa seesaw dahil napansin niyang kakaiba ang tumama.

Isa itong jolen na kulay pula.
Naghanap si gelay kung mayroon bang naglalaro ng jolens sa paligid ngunit wala naman.

"Gelay Wala yatang may ari nyan" prince

"Sige ilagay ko na lang dito ito"

"Nye bakit di mo iuwi?" Prince

"Sabi kasi ng mama ko, wag daw akong mag uwi ng mga bagay na hindi naman sa akin eh" gelay

"Sana may mama din ako" Prince

"Nasaan ba ang mama mo?" Gelay

"Iniwan nya na ako eh, tinatanong ko kay lola pero lagi nyang sinasabing wala daw kwenta ang mama ko" Prince

"PRINCE!!! NASAAN KA!"

Laking pagka bigla ng batang si Prince sa boses na narinig nya

"Lo- lola andyan na po uuwi na po ako" sambit na may halong takot no Prince

"Gelay, uuwi nako baka paluin ako ni Lola. Bukas ulit" prince

Tumakbo na si Prince palayo kay Gelay
Nakatingin lang si Gelay kay Prince dahil naiwanan na naman siyang mag isa.

"Iniwanan ka na naman niya ulit?"

"Lagi naman eh kasi papaluin daw siya ng lola niya"

"Maghanap ka pa ng ibang kalaro yung hindi ka iiwanan"

"Sino naman? Wala naman may gustong makipag laro sa akin kasi baliw daw ako"

"Tignan mo yung bata sa may puno na nakaupo. Malungkot siya oh"

Napatingin si Gelay sa direksyon ng puno kung saan naroon nga ang bata

"Sino siya?"
"Hala nasaan ka na? May tinatanong pa ako"

Nawala ang kanyang kausap

Lumapit ito sa batang lalaki

"Hi, Ako si Gelay. Ikaw anong Pangalan mo?"

"Jayjay"

"Bakit mag isa ka lang?"

"Walang may gustong makipag laro sa akin eh" Jayjay

"Gusto mo laro tayo?" Gelay

"Talaga? Makikipaglaro ka sa akin?"

"Oo naman. Tara doon tayo sa may seesaw"

Naglaro ang dalawang bata sa seesaw at nagkakatawanan
Hanggang sa umabot na sa oras ng pag uwi.

"Gelay tara na, uwi na bukas naman ulit" Mama ni gelay

"Opo mama"

Nagpaalam na sa isa't isa si Gelay at Jayjay

Nadadalas ang paglalaro ni Prince at Gelay at kapag napapaaga ng uwi si prince ay dumarating naman si Jayjay kaya hindi nawawalan ng kalaro si Gelay sa mag hapon

Identity of no oneWhere stories live. Discover now