May mga pagkakataong akala natin panaginip lang ang lahat. Akala natin ay nasa panaginip lang talaga ang lahat pero kung iisipin ay lahat ng panaginip natin ay pare parehong tao ang nakikita. Pare parehong lugar ang natatanaw. Ito lamang ay nagpapahiwatig na Sila.. Sila ang mga taong nagbibigay buhay sa mundo mo at ang mga lugar ay nagsisilbing tanawin ng buhay mo..
Samar. Sa bahay ng lola ni Josh Kumatok si Josh
"Lola? Si jayjay po ito.. Tao po? "
Bumukas ang pinto.
"Jayjay Apo! " masayang sabi ng lola niya.
"Mano po lola" Nagmano na rin ako.
"Buti at naparito ka apo ko. Miss na miss na kita"
"Ako rin po lola miss na miss ko na rin kayo. Pasensya na po kung ngayon lang ako nakadalaw ulit"
"Wala yun apo. Nauunawaan ko.. Pero teka. May kasama ka. Sandali? Nagtanan ba----"
"Naku lola hindi po " bigla kong sabi
"Si lola talaga oh. Nagulat tuloy siya"
"Hahahaha biro lang naman ija.."Tinitigan ako ng kanyang lola.. "Kilala kita ija... Ikaw si Gelay diba? "
"Ah.. Opo ako nga po " Biglang napa palakpak ng isang beses ang lola ni josh
"Tama ako! Naku buti naman at nagkasama na kayong dalawa.. Dati tinitignan ka lang sa malayo ng apo kong ito eh"
"Lola naman eh wag mo na akong bukingin" si josh Mejo nakaramdam ako ng kilig
"Hayaan mo na apo. At least kayo na ang magkaibigan ngayon diba?"
Kaibigan nga lang pala ang alam ng lola niya..
"Lola. Hindi ko lang po siya basta Kaibigan.. Girlfriend ko na po siya"
Iba pala yung pakiramdam na ipakilala ka as girlfriend.
"Ahahayy! Ang galing galing mo talaga apo! Alam mo bang siya talaga ang nais ko para sayo apo. ? Noon pa lang na nakikita ko siya kasama ni Prince ang lagi kong iniisip sana ikaw na lang ang lagi niyang kalaro"
Natahimik kami.. Oo nga pala. Yun pala ang dahilan kung bakit kami naririto sa Samar.
"Lola. Bukod sa pagbisita namin sayo. May isa pa kaming pakay"
"Napaka seryoso mo naman apo. Ano ba iyon? "
"Gusto po naming makita si Prince"
Biglang tumahimik si lola.
"Bakit ko ba kasi nabanggit yung batang iyon. Naalala niyo tuloy"
"Hindi po lola. Bago pa man kami pumunta dito. Siya na po talaga ang gusto naming makita... "
"Bakit apo? Ano bang naisipan niyo para bisitahin siya? "
"Lagi ko po siyang napapanaginipan" sambit ko
Nagkaroon ng katahimikan ang paligid.
"Matagal na akong walang balita sa batang yon. Mula nang umalis ang pamilya ni Gelay, hindi ko na rin nakita ang batang iyon at may bali-balitang nawawala ito kaya hindi na rin kita pinapalabas ng bahay dahil baka mawala ka rin"
"Lola. Alam niyo po ba kung sino ang huling kasama ni Prince bago siya mawala? " tanong ni Josh
"Hinanap noon si Prince ng kanyang Ama at ang bali balita noon ay si Gelay ang huli nitong nakalaro bago pa ito pauwiin ng lola niya"
Napaisip ako. Ito ba yung napanaginipan ko?? Yung sinasaktan sa harap ko si prince ? Yun ba yung araw na nawala siya?? Bakit wala akong maalala?
"Gell? Ano iniisip mo? "
YOU ARE READING
Identity of no one
HorrorPalagi mong lingunin ang anino mo . Baka magulat ka, wala na siya sa pagkatao mo