Chapter 7 : Ang kwento ni Anna

8 0 0
                                    

Naghawak kamay kami at nagsimula nang mag kwento si Anna

"Pumikit ka Gell , wag kang didilat hanggang di tapos ang kwento ni Anna"

Ginawa ko naman ito

"Nung araw na tumatakbo dahil pakiramdam kong hinahabol pa rin ako ng lola ni Prince, parami ng parami yung naririnig kong yapak dumadami yung humahabol sa akin. Ayokong lumingon dahil sa sobrang takot ko. Hanggang sa makarating ako sa bahay namin, nagtataka mga magulang ko bakit pagod na pagod daw ako . Bat daw ako tumakbo pauwi e alam ko nmang bawal akong mapagod. Di ko nakwento sa kanila kaya pinagpahinga muna nila ako. Pumasok ako sa kwarto at nagpahinga, alam kong tulog nako pero yung tulog kong yun, nararamdaman ko pa rin paligid ko. Yung hampas ng hangin, kaluskos nila mama sa labas mga daldalan naririnig ko na parang gising pa rin ako. Minulat ko mga mata ko, sa pag mulat ko , lumabas ulit ako. Pinuntahan ko ulit yung lugar kung saan ko huling nakita si prince at lola nya. Nakita ko yung lola nyang tinitibag yung harang ng kweba  at si prince , walang malay. Nakagapos napatakip ako ng bibig sa takot ko , nakita kong nabutas na ang kweba na kayang pasukin ng tao  binuhat ng lola si prince papasok sa kwebang yun at mga ilang minutong pag hihintay lumabas na si lola pero wala si prince. Tinago nya si prince don . Hinarangan nya ulit ang kweba . Di ko mapigilan ang pag iyak ko, aalis na sana ako para magsumbong . Paglingon ko , hindi na ako makagalaw sa takot dahil sa nakita kong hugis batang anino. Papalapit ng papalapit sa akin ang aninong yun . Sumisikip na dibdib ko nun pero nilakasan ko loob ko . Tumakbo ako pauwi , takbo ako ng takbo pero sinusundan pa rin ako ng anino hanggang sa makarating ko sa bahay . Nagkulong ako sa kwarto nagtalukbong sa sobrang takot. Ilang minuto may nararamdaman akong humihila sa kumot ko pinipigilan ko yun pero mas malakas sya sakin kaya nahila ito ng buo. Nakita ko ang anino nasa loob ng kwarto ko"

Umiiyak na si Anna , nararamdaman kong ntatakot na sya dahil sa paghigpit ng hawak nya sakin at ganun din ako. Natatakot nako dahil iba na pakiramdam ko sa lugar na to . Pero ayokong dumilat natatakot ako

"Sumigaw ako ng sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Sobrang sikip na ng dibdib ko. Hindi na ako makahinga, alam kong yun na ang katapusan ko hanggang sa nagising ako , nakita ko ang sarili kong pinaglalamayan na , nakikita ko ang lungkot at pighati ng mga magulang ko . Ang tanging alam nila ay inatake ako sa puso habang natutulog"

Shit teka nababahing ako.

"Josh nababahing ako"

"Basta wag kang didilat" josh

*Hachiiing*

Mejo napamulat ako sa pagkakabahing ko at di ko nagustuhan mga natanaw ko humigpit lalo hawak ko kay josh

"Josh natatakot nako , ang dami nila"

"Pikit lang"

"Mula non, hindi ko alam kung paano matahimik. Hindi ko alam paano ko lulutasin lahat ng mga nakita ko . Hindi ako makaakyat sa langit dahil di ko pa natatapos mga bagay sa lupa at sana matulungan nyo ko para matahimik nako " anna

"Gell, pwede ka na dumilat"

"Natatakot ako baka anjan pa sila"

"Wala na"

Pag dilat ko ay wala na nga yung mga nakita kong nakapaligid sa amin

"Nasaan na sila?"

"Balak nilang guluhin si anna habang nagkukwento pero pinipigilan ko sila kaya nung natapos . Nawala na rin sila dahil natapos ni anna yung kwento"

Napatingin ako kay anna

"Ok ka lang ba?"

"Oo . Masaya lang ko dahil nasabi ko na yung mga bagay na matagal kong tinatago pero di pa rin to ang daan para makaakyat nako"

Identity of no oneWhere stories live. Discover now