Im Margell Angela Parradeo 19 na ngayon.
Habang tumatanda ako. Iba't ibang kwento na ang naririnig ko pero mula noong makita ko yung kaluluwa ng tita ko di na ako nakakita pa ng kahit ano o sino.
Aswang? Maligno? Duwende? Nilikha lang sila ng isip natin.
Ang mga nilalang na yan ay likha ng demonyo para tayo'y linlangin. Yan ang tumatak sa isip ko at yan ang pinaniniwalaan ko.
Ayokong maniwala sa kanila dahil ayokong matakot pero kahit na kadiliman sila. di ko pa rin alam ang kung bakit habang tumatanda ako hilig ko ang dilim, nahihilig ako sa mga bagay na di naman dapat kahiligan.
Pag malungkot ako dapat mag isa lang ako. Pag buryong ako ayoko ng kausap
Minsan pag wala akong magawa ? Mangrerealtalk ako ng tao . Sama ko ba ? Tapos may kinakatakutan din ako .. Takot ako sa matitingkad na kulay. Ayoko ng pink at di kami close ni hello kitty
Tumungtong ako ng kolehiyo. 18 na ako pero 1st year college pa lang ako. Nahinto dahil kailangan
Pag nasa bahay ako lagi akong naka earphones. I have my own world. Hanggang mag apply ako dahil kailangan din namin ng extra income i need work
Lahat ng inugali ko noon, unti unting nagbago mula nung makilala ko siya .
Kolehiyo
May kaklase akong sobra kong kinaiinisan. Lalaki nagngangalang MarcoJosh Pabecillo pero pa bakla bakla.
Kengkoy mas madalas korni na kaya lagi ko siyang pinag iinitan. Kababae kong tao pero binubully ko siya . Hindi siya nagagalit sakin kase sanay na daw siyang masaktan . Korni p*ta Kung tutuusin nga siya yung unang lumapit sakin kaya ko siya nakakausap e .
Malas niya . Ako pa nilapitan niya
"Naka black ka na naman Gell" Si josh
"Pake mo? " pabalang kong sagot
"Sungit mo naman. Tss " - josh
"Edi wag mo akong lapitan. " sabi ko
"Yoko nga hahaha di kita lalayuan hahaha" - Josh
Sabay ngiti. Yung ngiti niya.. Kakaiba at
Kesa mainis din ako dahil ganun ang sagot niya. Napaisip na lang ako kung bakit yun ang sinabi niya.. Bakit ang ganda ng ngiti niyaMay araw na magkasama kami pumunta ng CR. Paglabas ko naka abang na siya.
Minura ko pa siya kase di siya gumagalaw sa kinatatayuan niya. Kala ko sa akin siya nakatitig pero iniwasan ko tingin niya di pala siya sa akin nakatingin.
Sa likuran ko pala. Minura ko ulit siya tapos hinawak ko siya sa kamay napakalamig na ng kamay niya kaya sinampal ko siya at natauhan siya.
Nagpasalamat siya sa akin dahil sa pagsampal ko sa kanya Araw arawin ko nga? Nagpasalamat pa e
Tinanong ko siya kung ano bang tinitignan niya don. Sabi niya lang
"Ano bang nakita mo? "
Sabi ko "Pader"
Talaga naman e pader lang nakikita ko sa tinititigan niya.
Tapos hinila niya na ako pabalik ng room. Nagtataka ako sa kanya kase parang galit siya? Ewan ko lampake naman ako sa kanya noon e
Gabi na. Galing pa kaming gala kasama ang ibang kaklase. Pauwi na si Josh ako papuntang work
Naglalakad na kami pa terminal ng jeep. Magkasabay kami. Kahit na minsan pikon ako sa kanya nag uusap pa rin kami. Sa gitna ng tawanan namin bigla niya akong hinila sabay sabi ng
"Ang tanga neto muntik ka ng mabangga!! " nasigawan pa ako nangyan
Pero kaysa magalit kinilabutan ako.
Sabi ko
"Josh. Kanina pa walang dumadaang sasakyan"
Tumingin siya sa paligid napakamot siya sa ulo at kitang kita sa kanya yung pagtataka at pagkatakot.
Hindi ko na lang pinansin ang nangyari.
Ilang linggo ang nagdaan. Kumakain kami sa canteen.
Kasama ko si Josh . Nitong nagdaang mga araw lagi na siyang nakabuntot sa akin di niya ako iniiwan kahit saan ako mapunta maliban na lang kung pauwi dahil dumidiretso pa ako sa work. Hinahatid niya ako don.
Yun na nga. Nakain kami sa canteen.
Nabubulunan na ako shet
May baso ng tubig sa harap ko. Inisip ko kay Josh yun kase kami lang naman ang magkasama eh kaya kinuha ko at nung iinumin ko na.
Hinampas niya kamay ko kung san hawak ko yung tubig.
"Gago to iinom ako! " sigaw ko
"Gell walang tubig yan" seryosong sabi niya
Tinignan ko ulit yung baso. Nabitawan ko ito.
Shet
Ano yon?
Kanina may tubig yung baso pero wala. Walang wala kaya nagtaka na ako. Hallucinations lang ba yon? Masyado na ba akong napapagod kaka aral at kakatrabaho? Working student nga talaga ako. Estudyante sa umaga. Trabahador sa gabi
Nawala yung nakabarang pagkain sa lalamunan ko dahil don. Binigyan niya ako ng tubig galing sa bag niya. Di niya na pinagamit yung basong yon sa akin.. Nakakaramdam na ako ng takot
Madalas weird yung nangyayari sa akin kahit sa work may mga magulong pangyayari.
Kahera ako sa isang fast food.
May nakapila sa akin. Kilala ko
Kaibigan namin ni josh na si Reljin. Lalaki siya
Binati ko as kahera
"Goodmorning sir welcome to jollibee" pa smile pa yan haha
Oo sa jollibee nga.
Nagtaka ako ng tinitigan niya lang ako at di nag sasalita. Tatanungin ko sana kung anong oorderin kasi umalis bigla
Sinundan ko ng tingin
Nagulat na lang ako ng magsalita yung costumer ko sa harap
"Miss? Naririnig mo ba ako? Kanina pa ako nagsasalita dito"
"Ah? - ay sorry po ma'am " sabi ko
Tinanong ko kung may nauna ba sa kanya sa pila ang sabi niya lang
Siya lang daw ang costumer kong nakapila. Di ko kinaya kaya napaupo ako naiyak at naramdaman kong mainit na katawan ko. Nilalagnat na pala ako di ko namalayan. Inasikaso ako ng manager namin pinagpahinga at pinauwi. Kaya ko naman mag isa. 2days akong nakaratay sa kama. Wala namang nangyaring kakaiba pero mabigat pa rin pakiramdam ko. Galit na galit na papa ko bakit daw di pa rin ako gumagaling ni hindi bumababa lagnat ko. Kahit nahihilo ako kinuha ko pa rin cp kong umiilaw sa gilid ko. Si josh tumatawag
Sinagot ko
"GELL! BAKIT ABSENT KA NA NAMAN SABI MO PAPASOK KA NA NGAYON TOKIS KANG TEBULAYTS KA AH!? ANONG NANGYARI SAYO!"
"Ok lang ako. Bukas papasok na ako promise " sagot ko
Binaba ko na yung phone at di ko na sinagot mga tawag niya. Nanghihina pa rin ako. At natatakot na ako
Nakapasok na ako at naging ok na ang lahat. Kinwento ko kay josh yung nangyari at sabi niya imposibleng pumunta si reyjin sa store ng ganung oras kase gumagawa daw sila ng program namin nun.
Di na ako umimik kaya mula non
Nagbago na kilos ni josh. Lagi niya akong sinasamahan. Minsan binantayan niya ako sa store kahit hanggang closing pa ako. Lagi siyang may tinitignan sa malayo na nawiwirduhan talaga ako. Naging ok ang lahat nanahimik ang buhay ko.
Kinabukasan. Walang pasok at Restday ako sa trabaho. Nagpaalam ako kay mama na aalis muna ako. Tinawagan ko si josh
"Josh samahan mo ako" ako through phone
"Saan naman? " josh
"Kahit saan"
Nagkita kami sa isang lugar at sabay kaming pumunta sa lugar na napagkasunduan namin.
Wildlife.
Gusto ko lang ng mapayapang lugar kaya dito kami pupunta.
Tahimik lang si Josh sa Jeep at malayo ang tingin.
"Josh? May problema ka ba? " tanong ko.
"Wala naman. May iniisip lang ako" sagot ni josh
Hinayaan ko na lang siya.
Napansin ko ang kanyang kamao na sumasara at humihigpit ang pagkakasara.
"Josh? Ano ba? May problema ka ba talaga? Yung kamay mo oh galit na galit na" sabi ko
"Ha? -- ano - hahahaha wala minamasahe masahe ko lang kasi masakit"
Tumingin ulit siya sa malayo . Hinayaan ko na siya.
Nakarating na kami sa wildlife
Naglakad lakad. Usap usap at pinuntahan namin yung mga animals.
"Josh unggoy oh. Kamukha mo hahahaha" pang aasar ko.
"Wow ah? Mas pogi ako jan"
"Kapal talaga ng balat"
"Tignan mo naman ilong ko." Pagyayabang niya.
"Hangin din nako. "
"Mana mana lang yan hahaha" sabay kindat niya sa akin.
Nakaramdam ako ng kakaiba sa kindat niya. Ang cute niyang tignan..
Yak puta.
Naglakad lakad na kami. Alas kwatro na rin pala.
Tawa kami ng tawa dahil ang kokorni ng joke ni Josh pero ang mga tawanang yon ay napalitan ng katahimikan ni Josh. Bigla na lang siyang tumahimik na para bang nagmamatyag siya. Nagtataka na ako kaya tinanong ko na siya.
"Josh? May problema ba? "
Hindi niya ako pinapansin. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinila palapit sa kanya ng bahagya. Seryoso ang mukha niya. Palingon lingon ang mga mata niya kaya napalingon na rin ako. Unti unti nang nawawalan ng tao ang paligid pero siya ganun pa rin. Kinakabahan na ako. Parang may hindi tama dito.
"Gell. Wag kang bibitaw. Tara maglakad na tayo"
Di ko na nagawang magtanong.
Hawak niya ng mahigpit ang kamay ko. Hindi niya ako binibitawan. Ang lamig na ng kamay niya pero seryoso pa rin ang mukha niya. Nadaan kami kung saan nakatutok sa amin ang araw. Nakakasilaw na.
Nagulat ako ng biglang huminto si josh umatras siya pero hawak niya pa rin ang kamay ko. Tinitignan niya bandang likuran ko.
Lilingon Sana ako sa tinitignan niya
"WAG KANG LILINGON! "
Binalik ko ang tingin ko sa harap. Hindi ko na alam gagawin ko pero kung bawal lumingon.
Aatras ako ng hindi tumitingin sa likod.
Hindi na gumagalaw si josh. Umatras ako para makapantay sa kanya. Di na talaga siya gumagalaw.. Masama na talaga kutob ko. Pinilit kong hindi tignan ang tinitignan niya at sinubukang tignan ang mga mata niya. Laking gulat ko ng puti na lahat ang mata niya.. Wala na akong nakikitang itim kahit na konti di ko napigilang umiyak. Hindi na rin ako makagalaw natatakot na ako sa nakikita ko.
Naalala ko nung unang nangyari to. Sinampal ko siya.. Sana ... Sana umepekto.
Sinampal ko siya ng malakas..
Pero hindi pa rin siya gumagalaw. Wala na akong nakikitang tao sa paligid. Kaming dalawa na lang. Malapit na ring magsara tong wildlife. Ano gell! Ano nang gagawin mo! Bakit ganito!
"Tangina ano ba! Naiiyak na ako josh! " sigaw ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa mga mata niya. Ang tingin niya ngayon bandang paanan ko na sakto sa paa ko pero di ko pa rin magawang tumingin sa tinititigan niya. Namumutla na siya. Malamig na rin ang kamay niya. Hindi ko na maialis ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin dahil naninigas na siya. Naiiyak na talaga ako.
Wala na akong nagawa kundi ang pumikit at yumakap sa kanya.
"Josh.. Utang na loob. Josh. Gumalaw ka na please"
Bumuhos na ang nga luha ko. Hindi ko kinaya ang nangyayari kay josh.
Ilang saglit ay nakaramdam ako ng pag galaw sa kanya. Kaya dali dali kong tinanggal ang pagkakayakap sa kanya at tinignan ang mga mata niya. Nanunumbalik ang kulay ng mata niya. Tuluyan na siyang nakagalaw. Magdidilim na.
"Gell." Sambit niya
Bigla siyang tumingin sa likod ko na parang may hinahanap at nag buntong hininga.
"Salamat at bumalik na" sambit niya
Nagtaka ako kung ano ang tinutukoy niya
"Gell. alam ko iniisip mo. Wag ka na lang magtanong please?"
Wala na akong nagawa kundi ang matahimik.
"Teka. Umiiyak ka ba? " tanong niya
Dali dali kong pinunasan ang mga luha ko.
"Hi -- Hindi ah! Napuwing lang ako! "
"Oh? Bakit sinisigawan mo na ako?"
bigla ko na lang ulit siyang niyakap
"Tangina mo Josh! Natakot ako! Sobra akong natakot sa nangyari sayo!! Nakakainis ka! " sigaw ko habang nakayakap pa rin sa kanya. Sa sobrang takot ko pinaghahampas ko likod niya
"Alam kong nakakatakot. Alam ko ang nangyari. Natakot din ako na baka.. "
"Baka ano josh?!"
"Baka di na ako makabalik sa sarili kong katawan"
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Bakit? Ano ba talagang nangyari sayo? "
"Tara lakad na tayo. Madilim na masyado ng delikado sayo" sambit niya
Di man lang niya sinagot tanong ko
Naglakad na kami palabas.
"Gell. Alam kong akward pero sana wag mong bibitawan ang kamay ko hanggang sa makauwi ka"
Wala akong inisip na masama sa pagkahawak kamay namin pero ramdam kong kailangan ito. Naguguluhan na ako ng husto sa mga nangyayari.
*Josh' POV*
Naglalakad na kami papunta sa kanila. Magkahaw pa rin ang kamay namin. Ayoko siyang bitawan dahil natatakot din ako na baka may masamang mangyari sa kanya.
Kanina. Alam ko ang buong pangyayari. Nakikita ko ang lahat dahil....
Nawala ako sa sarili kong katawan.
Yung kaluluwa ko humiwalay sa katawan ko. Malapit lang ako kay gell. Pilit akong sumisigaw pero alam kong imposibleng marinig niya ako.
Habang tinititigan ko ang likod ni gell noon , takot na takot ako.
Walang anino si gell. Hindi ko alam kung paano nawalan ng anino si Gell. Naisahan niya ako. Napatitig ako sa parteng nawawalang anino ni Gell kaya kumawala ang sarili kong kaluluwa. Nung nakalabas ako nakita ko ang anino ni gell na nasa harap niya lang nakatayo. Nakatitig sa kanya at nasa malayo ay isa pang anino na hugis lalaki ang papalapit kay Gell. Pilit kong lumalapit pero hindi ako makaalis sa pwesto ko. Palapit na ng palapit kay Gell ang anino ng lalaki at ang anino ni Gell palayo ng palayo sa kanya. Akala ko katapusan na namin. Akala ko mamamatay na ako . Nang ilang sandali'y nakikita ko na si Gell na umiiyak habang nakatitig sa mga mata ng katawan ko. Niyakap niya ako.. Habang yakap niya ang katawan ko nakaramdam ako ng init. Init na tumatagal. Nakita ko ang Anino ni Gell na bumalik na sa kaniya at ang anino ng lalaki na lumalayo. May naramdaman akong init sa balikat ko at nagising na lang ako na yung init na yon ay ang mga luha ni Gell.
Salamat dahil hanggang ngayon buhay pa tayo Gell.
*End of POV*
*Gell's POV*
Ilang buwan ang nakalipas.
Sa haba ng aming pagsasama ni Josh. Nagkakapalagayan na kami ng loob. Oo nagkakagusto na ata ako sa kanya at pakiramdam ko ganun din siya. Sa dami na rin ng pinagsamahan namin diba? pero hindi pa rin nawawala yung pagka weird niya.
Sa mga nagdaang buwan lagi ko parin siyang nakikitang nakatitig sa ibang lugar tulad noon pero ngayon mas madalas galit yung titig niya tapos minsan sasabihin niya sa akin
"Hawakan mo lang kamay ko. Wag na wag kang bibitaw please"
Ginagawa ko naman pero pag tinatanong ko siya kung bakit pero di niya sinasabi sa akin
Pagkatapos ng nangyari sa amin sa wildlife marami na rin ang weird na nangyayari sa amin pero hindi ganun kalala. Minsan hawak ko na yung isang bagay ng mahigpit Mahuhulog pa rin siya? Yung nakaupo kami sa isang bench at magkatabi. Nabitawan lang namin ang isa't isa ilang saglit ay di namin namalayang magkalayo na kami sa upuan. Hindi kami gumalaw pero nagkaroon ng isang space sa gitna namin na kasya ang isa pang tao.
May pagkakataon din na naglalakad kami pauwi ni josh noon.. May nangyari.
*Flashback*
Naglalakad kami pauwi ni Josh. Nakita namin sila Marie, lenlen, at Denny na nauna. Kumaway pa sa akin yung tatlo para magpaalam. Tinignan ko lang sila.
"Bakit di mo kinawayan? " tanong ni josh
"Ayoko. Di naman kami close eh" sagot ko
"Kahit na kaklase natin yun e"
Pagkatapos niyang sabihin yun may pa sadyang bumangga sa kanya mula sa likod.
Si Miko. Kaklase din namin.
"Paharang harang kasi" sabi ni miko
"Tangina mo ikaw nga tong bumangga e ang laki laki ng daan" sagot ni josh.
"Tumabi ka kasi. Hadlang ka! " pasigaw ni miko
Mejo narindi ako sa sigaw niya
Aambahan na sana ni Josh si miko ng biglang sumigaw si Reljin
"Uy josh wait! "
Napatingin kami sa kanya at nung nakalapit na siya sa amin agad naming ibinalik kay miko ang tingin
Ang kaso...
Wala na siya.
Nagtaka kami dahil ang bilis niyang nawala. Kahit pa nagpalingon lingon kami wala si Miko sa paligid.
"Uy? Sino hinahanap niyo? " tanong ni reljin na halatang nagtataka
"Si Miko Pre.?" - Josh
"Si Miko? Absent yun pre diba? Masama raw pakiramdam kaya hindi nakapasok " - Reljin
Hala Oo? Absent yun dahil ako ang nag attendance kanina. Shit! Bakit di ko agad naalala!
"Oo josh. Absent siya. Ako nag attendance kanina" sabi ko
"Sure kayo? " paninigurado niya
"Oo" sabay naming sambit ni Reljin
"Shit! Sino nakakaalam ng bahay niya? " - Josh
"Ako" - reljin
"Tara puntahan natin ngayon na WALA NANG MAGTATANONG! " Sigaw ni Josh
Nagmadali kaming pumunta kila Miko. Nung nasa bahay na kami ang sumalubong sa amin yung mommy niya na malungkot ang mukha. Pinuntahan agad namin si Miko at nakita namin siyang namimilipit sa sakit ng tyan niya.
"Nandito siya" - mahinang sabi ni Josh
"Sino? " tanong ko.
Pinalayo muna ni josh ang mommy ni miko at si reljin yung layong di nila kami makikita.
Napansin ko si Josh na may tinititigan sa pader na malayo sa kama ni Miko. Nangangalit ang mga Mata niya.
Bigla niyang sinabing
"Tayo ang magtuos kung kaya mo. Wag ka na mang damay"
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya at sa tono ng boses niya. Gustuhin ko mang magtanong pero may pumipigil sa akin.
Nakikipagtitigan pa rin siya sa pader. Ano bang meron sa pader ba yan?!
Hanggang sa napansin kong kumakalma si Miko kaya agad ko siyang kinausap
"Miko? Kamusta ka na? Masakit pa rin ba? "
"Nawawala wala na yung sakit Gell.. Natatakot ako Gell. Papatayin niya ako! "
Sa sobrang takot ko sa sinabi niya at nakikita ko sa mga mata niya ang takot niyakap ko siya.
"Miko di ka mamamatay" - sambit ko
"Gell. Nawala na ang sakit. " - Miko
"Gell. Magiging ok na siya. Salamat sayo" - josh
Inalis ko na ang pagkakayakap kay Miko. Oo sobra akong nagtataka pero ayoko na yatang malaman ang tunay na nangyayari. Natatakot na ako kay Josh.
Tinawag namin ang mommy ni Miko.
"Mom. Ok na po ako. Wala na po ang sakit" naiiyak na sabi ni Miko sa kanyang Ina
Ang lungkot na nakita namin nung una sa kanyang ina ay napalitan ng Luha . Masayang luha..
"Paano? Anong ginawa niyo? Sabi kasi nang doktor kanina di raw nila alam ang nangyayari sa anak ko"
"Nausog po yata? " - sabi ni Josh
Usog?
Usog lang lahat ng iyon???
"USOG LANG YON??? " tanong ko
"Oo yata? Hahaha kase nung hinawakan mo si miko nawala na yung sakit daw diba? Ikawnaka usog Gell hahahaha" josh
"Lakas naman ng usog mo. Nakakatakot " - reljin
"Ang sasama niyo sa akin ah! " sigaw ko.
At ayan nagtawanan sila..
Pakiramdam ko may nailigtas kaming tao. Alam kong hindi usog yon at wala akong usog. Alam ko sa mga mata ni Josh na may ibang nangyari kay Miko.
Hindi na ako magtatanong. Hihintayin ko na lang na siya mismo ang magsasabi sa akin.
*End Of Flashback *
Ngayon.. Pumunta kami sa dati kong work. Na endo na ako at di ko na kaya yung pagod I. T AKO E XD
Kakain SANA kami. maraming tao. Di pa kami non (malapit pa lang hahaha lande xD .) Palapit kami ng palapit sa store na yun pero siya hinawakan niya kamay ko.
"Gell. Wag na tayo tumuloy" sabi ni josh
"Lah? Bakit? Kakain nga tayo e" sabi ko
"Ihahatid na kita . Magtiwala ka please"
Nakatitig pa rin siya sa pinto ng store. Tinignan ko parang may naaaninag akong hulma ng tao.
"WAG MONG TIGNAN! "Napapikit ako at hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. Hinila niya ako bigla pasakay ng jeep.
Ang malas kami lang ang pasahero
"Josh! Ano ba kasing nangyayari?! Ano ba yun! " sigaw ko
"Manalangin ka sa Panginoon Gell"
"Ha? Bakit?! " tanong ko
"BASTA KUNG AYAW MONG MAMATAY TAYONG DALAWA NGAYON! "
Napatingin ako sa labas. Ang bilis. Napakabilis ng jeep na sinasakyan namin. Yung driver steady lang siya di niya hawak ang manubela.
Hindi tao yung driver!
NAIIYAK NA AKO DI KO NA KAYA NAKIKITA KO NAHIHIRAPAN NA AKO!
Ipinikit ko ang mga mata ko at nanalangin . "Natatakot ako Ama. Ama patawad po sa lahat. Wag niyo po sana kami pabayaan. Ama patawad po sa lahat. Ama!! "
Nararamdaman kong higpit ng hawak ni josh. Di ko kayang dumilat. Di ko kayang bumitaw . Ayoko pa. Ayoko pang mamatay Ama!
YOU ARE READING
Identity of no one
TerrorPalagi mong lingunin ang anino mo . Baka magulat ka, wala na siya sa pagkatao mo