LW#2

272 10 5
                                        

LW#2: Julia

Kim's POV

"Hi." sabi ng demonyo. Anong ginagawa niyan dito?! Anong ginagawa ni Matt dito?!

"Ma, kain na po ako. May gagawin pa po ako." sabi ko. "Hello. Hi po Mr. and Mrs. Celeste."

"Tita at Tito na lang." sabi ni Mrs. Celeste.

"Ok po." sabi ko saka ako pumunta sa kusina.

Kumuha lang ako ng tinapay at nutella. Wala akong gana. Pake niyo ba?

Tsaka ako umakyat ng kwarto.

Nanood lang ako ng KDrama. Alam niyo ba yung Hwarang? Nandon si V, yung bias wrecker ko. Eh kilig ako.

Biglang may pumasok sa kwarto ko. Di ko siya pinansin. Busy ako bakit ba?

Napansin ko biglang bumigat yung kama ko. Kaya ngayon tinignan ko na siya. Hala!!!! Bakit siya nandito?!!!

"Hoy! Bakit nandito ka?!" tanong ko sa pasigaw na tono.

"Just visiting you." mahinahon niyang sagot.

"Just visiting you?! Ano ako may sakit?! Tsaka kung magkakasakit man ako. Dahil yon sa inyo. Ka stress kayo."

"Ang cute mo." Luh! Tapos ngayon mabait siya?! Ano ba?! naka drugs ka ba?!

"Alam ko! Kaya pwede ba lumabas ka ng kwarto ko." sabi ko.

Saka ko siya tinayo at tinulak palabas.

"Tss. Natatakot ka sakin noh?" Aba!

"Hoy! FYI di ako takot sa inyo. Tsaka bakla ba kayo? Kasi kahit kapiranggot di ako nakaramdam ng takot." biglang naging seryoso yung mukha niya.

Psh. Di man nakakatakot.

Tinulak tulak ko siya palabas pero ang kulit ayaw papigil.

Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang braso ko at he pinned me onto the wall. Then hinarang niya ng dalawang kamay niya ang magkabilang gilid. Seriously? Ganyan ba siya manakot? Psh. Lame.

Tapos nilapit niya yung mukha niya sakin. Nababaliw na ba siya?!

Napapikit na lang ako. Biglang may pumitik sa noo ko.

"ARAY!" sabi ko sabay napahawak ako sa noo ko. Napadilat ako. Malayo na siya sakin. Kala ko kung anong gagawin niya. Hay never mind.

"We are not gay. Pag sinabi mo ulit yan.... tuluyan na talaga kitang hahalikan." saka siya lumabas. Tss. Pangit mo! Mukha kang tuko!

Humiga na lang ako.

Pinatay ko na lang ang computer ko at natulog.

Ugh! Kastress!

_**_

"Ok, class dismiss." buong klase akong lutang. Madami akong iniisip. Pero di ko alam kung anong bumabagabag sakin. Hay. Basta. Gutom lang 'to. Kakain na lang ako.

Pumunta na lang ako ng cafeteria at kumain. Stress eating. Pake niyo ba?!

Biglang may tumabi sakin. Pero siyempre di ako nagabala tignan siya. Stress nga diba.

"Stress eating?" sabi ng isang pamilyar na boses.

"Pake mo ba?"

"Sungit."

"Ano bang kailang- Hoy! Sino may sabi sayong makiupo ka dito?!" Humarap na ako sa kanya. Stress na nga ako dadagdag pa 'tong halimaw na ito. Malamang si Matthew. Kabeastmode ang mukha. Putek!

Love Warning (ON HOLD)Where stories live. Discover now