LW#7: Resort
It's been a week matapos nung pangyayari sa may rooftop. Why do he want me to stay? Bakit nagkakaganun si Matt? Is it because of me? Pero bakit ako? Ano bang ginawa ko?
Ngayon, di niya na naman ako pinapansin. May saltik talaga yung lalaking yun. May sapi yun ng demonyo sinasabi ko sa inyo!
"Hey, anything wrong?" Nabalik ako sa earth nang biglang nagsalita si Luke. Buti pa talaga si Luke nandito palagi.
"Wala. Saan ba tayo pupunta?" Paano ba naman. Bigla na lang akong hinila pagkalabas na pagkalabas ko nang room. And as usual, lahat ng mata nila nasa amin.
"You'll see." Nakangiti niyang sabi habang nakatuon parin ang pansin niya sa kalsada. He's driving me somewhere.
Kung di ko lang 'to kaibigan. Iisipin kong balak akong reypin nito.
At dahil medyo matagal ang byahe, bigla na lang akong nakatulog.
______________
Someone pinch my cheeks, kaya napadilat ako. Nagunat-unat.
"I have another fact about you." Natatawa niyang saad na ikinasimangot ko. Inayos ko ang upo ko at tinaasan siya ng kilay.
"At ano naman yun?" Nakataas kilay kong tanong.
"You keep drooling when you're asleep." Natawa siya nang bahagya.
Pinaghahampas ko siya hanggang sa dumaing siya imbis na tumawa. Tumigil na ako saka nanahimik.
"We're here na pala. Lika na." Lumabas na siya nang kotse, at ako naman sumunod na lang.
"Bakit kami nasa resort?" Tinanong ko sa sarili ko saka sumunod kay Luke.
Pumasok kami sa hotel saka siya nagcheck-in sa may front desk.
"Here's your key, Sir." Napatingin ako kay ate. She likes Luke, no doubt. Base on her facial expression. At halata rin kasi.
Biglang tumakbo si Luke papunta sa loob kaya sinundan ko siya. Bumungad sa mukha ko ang napakagandang dagat. You can see the sunset here. Nakita kong tumakbo si Luke na parang bata papunta sa dalampasigan. Kaya ako naman sinundan siya.
I was about to ask him kaso inunahan niya na ako. "I brought you here, to have a friendly date with you. Just the two of us." Lumayo siya sa dalampasigan saka tinignan ako at nginitian.
I'm starting to think that he's taking advantage of me. Pero wala naman ako sa lugar para husgahan siya. He's a descent person naman eh... I guess.
Maraming nagtitinginan samin dito, dahil pareho kaming nakauniporme. Muntanga kasi 'tong Luke na 'to.
Nagulat ako nang hilain niya ako. Pumasok kami sa may hotel. Nakacheck-in na naman kami kaya hinanap na lang niya yung room namin.
"Here it is." Agad niyang inunlock yung pinto.
Binuksan niya ang pinto at bumungad samin ang buong kabuuan ng kwarto. It's so magnificent. Parang kwarto ng isang hari at reyna.
"Did you know that this is the expensive room here in this resort?" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.
"Bakit yung mahal yung kinuha mo!?" Bulyaw ko.
"I want you to enjoy our 5 days stay here. Since walang pasok nang 1 week because of the teachers conference. Kaya, ito ang pinili kong kwarto. Special for you." Ngumiti siya saka tuluyang pumasok sa loob ng kwarto.
YOU ARE READING
Love Warning (ON HOLD)
Teen FictionMeet Liana Kim Garcia. Nerd. Weird. Walang Friends. Forever alone. Pero di niya inaasahang mahuhulog siya sa bully ng kanilang school. Pero natatakot siya na baka masaktan lang siya. Kaya kailangan niyang tigilan ito. Kung may Third Warning may 'L...