LW#1

477 15 2
                                        


LW#1: Bisita

Kim's POV

"Kim! Gising na! May pasok ka pa!" narinig kong sigaw ni Mama sa labas ng kwarto ko. Inaantok pa ako ehh.

"Opo. Babangon na." inaantok kong sabi.

Bumangon na ako at sinuot ang salamin ko at dumeretso sa loob ng CR at naligo.

Bumaba na ako pagkatapos ko maligo at magayos.

Kumain na ako. Pag tapos ko kumain kinuha ko na yung bag ko. Aalis na sana ako nang bigla akong tinawag ni mama.

"Liana Kim Garcia! Naiwan mo yung essay mo." Bumalik ako sa lamesa at kinuha yung essay ko. "Napakamakakalimutin mong bata ka."

"Salamat Ma." aalis na sana ako, pero tinawag na naman ako ni Mama.

"Ops. Kiss ko?" sabi niya.

Mama naman...

Lumapit ako kay mama at hinalikan siya sa pisngi.

"Love you." sabi ni mama.

"Love you too, Ma." sabi ko.

Umalis na ako.

_**_

Late na ako...

Traffic pa.

Nagbababike pa lang ako.

Time Check 8:59

Late na ako sa first subject. 1 minute na lang tapos na ang first subject ko.

First subject pa naman 'tong essay ko. Ihahabol ko na lang sa English Faculty.

Nagbike ako papuntang parking lot nang bigla akong hinarang ng tatlong demonyong lalaki. Kaya na-out of balance ako. Tumumba ako kasama ng bike ko.

Ano bang kailangan nila?

Tumayo ako.

"Bakit?" matapang kong sabi.

"Nagawa mo ba yung essay namin?" tanong ni Baron.

Nga pala. Nagpapagawa sila ng essay sakin. Ayokong gawin eh. Kala nila natatakot ako sa kanila? never.

"Hindi. Kaya pwede layuan niyo ako." matapang kong sabi. Aalis na sana ako, Nagulat ako ng biglang hinatak ni Jason yung hawak ko.

"Kung wala kaming essay, dapat ikaw din." saka niya binato ang essay ko. Kaya nagkalat ito sa daan at nadumihan.

Bigla namang kinuha ni Jayden yung bag ko at pinasa niya kay Jason. May kalakihan din si Jason kaya habang tinataas niya ang bag ko tinatalon ko lang ito. Tinulak naman ako ni Baron kaya napaatras ako ng konti.

Nagulat ako ng may biglang humawak sa kamay ni Jason at kinuha ang bag ko.

Si Matt. Huh! Himala ang bait niya ata ngayon?

Ibinigay niya sakin yung bag ko. Kukuhanin ko na sana kaso bago ko pa kuhanin, binaliktad niya ang bag ko at nahulog ang mga nasa laman ng bag ko.

At tsaka niya binato sa akin ang bag kong wala nang laman.

Nagulat ako ng bigla niya akong nilagyan ng sticker sa noo.

Tinalikuran na nila ako tsaka sila naglakad paalis.

Sa sobrang galit ko. Kinuha ko yung sticker na may nakasulat na 'Third Warning'. Nilukot ko ito at binato sa ulo ng Matthew na yon.

Yun ohh... head shot.

Tumalikod siya at tumingin sakin. Aba! Nagsmirk pa! Bwisit yung smirk na yan!

Sinamaan ko siya ng tingin.

Love Warning (ON HOLD)Stories to obsess over. Discover now