LW#4

224 15 1
                                    

LW#4: Party

Kim's POV

Bukas na ang 25th Anniversary ng School namin. Siyempre di mawawala ang party sa amin. Kami pa.

Kaya lahat ng tao ngayon abalang abala sa parating na event.

Ako? Wala akong pakealam diyan sa party na yan. Malapit na kasi ang exam. And I need to pass that exam.

Oo nga pala. Ilang linggo na din akong di binu-bully ng apat. Pagod na ata sila. Kasi ako pagod na pagod na ako.

Pero namiss ko nang bully-hin ng apat na yun. Wag ka ngang ganyan Kim! Dapat nga matuwa ka kasi di ka na binu-bully. Tahimik na ulit ang buhay mo. Di ka na araw araw stress.

Naglalakad ako ngayon sa hallway. Madami akong nakikitang nag aayos. Tss. Party lang ang habol niyo.

Ako? I don't care about the party. Kailangan kong magreview for the coming exam and I need to past that exam.

Papunta akong parking lot ngayon. Buti na lang di na ako maglalakad.

Thank you din kay Matt.

Kinuha ko na ang bike ko at akmang magpepedal na pero may taong nakakuha ng atensiyon ko.

Si Matt.

Malapitan nga. Bumaba ako sa pagkakaangkas ko sa bike ko at lumapit sa kanya.

Tumingin siya sa akin biglang nanlaki ang mata niya. Nagulat ako nang bigla siyang tumakbo palayo.

Bakit? Mukha ba akong multo? Ano bang meron sa mukha ko? Pangit ba talaga ako? Whatever.

Pumunta na lang ako sa bike ko at nagpedal pauwi.

_**_

"Ma. Kailangan ko ba talagang pumunta?" Nandito kasi kami sa mall. Bibili daw kami ng damit para bukas.

*FLASHBACK*

"Ma, andito na po ako." Bungad ko.

"Anak. Magbihis ka. Pupunta tayo ng mall." Bungad sakin ni Mama.

"Bakit po? Ano pong meron? May big event ba?"

"Oo anak at kailangan mong pumunta bukas."

"Bukas??? Ma magrereview ako bukas eh... kaya nga di ako sasama sa event bukas---"

"Sasama ka... kaya pupunta tayo ng mall." sabi ni mama.

"Ayaw-"

"Ipapacancel ko sa papa mo ang credit mo."

"Ma, magbihis ka na bilis mo madami pang bibilin oh." Pagbabago ko ng isip. Kailangan ko kasi ng money para bumili ng mga books.

"Gusto mo pa talagang ipacancel ko ang credit mo para sumunod ka." Mama talaga alam ang kahinaan ko.

*End of Flashback*

"Kailangan mong pumunta. Di ka na nga pumunta nung nakaraang tatlong taon mo sa school na yon." Sabi ni mama.

"Ayoko-"

"Ipapacancel ko talaga ang credit mo."

"Ma, nasaan na yung damit susuotin ko na."

"Eto suotin mo." Tsaka inabot sa akin ni mama ang isang damit. Agad naman akong pumunta sa fitting room.

Ano ba yan?! Ayoko kasi pumunta ng party. Magrereview ako eh...

Tapos na ako magbihis. Ang suot ko ay denim skirt at white long sleeve.

Love Warning (ON HOLD)Where stories live. Discover now