LW#3: Bike
Kim's POV
"Ok ka na ba talaga?"
"Ok na nga ako. Bye." Paalam ko kay Matt.
Di ko na siya pinatapos. Umalis na lang ako dun.
"Hatid na lang kita. Baka magkahika ka pa." Ay pusang nadapa. Ano ba yan?!
"Hindi na nga." Umalis na ako at wala na din akong narinig na angal sa kanya di niya na din ata ako sinusundan.
_***_
"Anak anyare sayo? Ok ka lang ba? Umatake na naman ba ang hika mo? May nangyari bang masama sayo? Dalhin na ba kita sa hospital?!" OA naman ni Mama.
"Ma, alam mo ang OA mo. Pero love po kita." sabi ko sabay hinalikan si mama sa pisngi.
"I love you too, anak. Umakyat ka na sa taas at maghilamos ka na din, ang baho mo."
"Ma, san ka pa nakakita ng taong di bumabaho?" Pagkasarcastic kong sabi.
"Ako nga kahit di ako maligo ng isang taon fresh pa din ako." Sabi ni mama.
"Ma, may pagkain na diba? Kain ka na muna. Gutom lang yan."
Akmang hahampasin na ako ni Mama pero nakatakbo na ako.
"Bumalik kang bata ka!" Pikon talaga si mama. Ngayon alam ko na kung saan ako nagmana.
Umakyat na lang ako at naghilamos.
_**_
Ang hirap pumasok ng walang bike. Ahh... namiss ko na bike ko. Kahit kahapon nangyari lahat ng kagaguhan na ginawa nila sa bike ko. Miss ko agad ang bike ko.
I hate all of you Third Warning.
Mommy!!!! Hue hue hue hue!!
Buti na lang mabilis akong nakapunta ng school. Pasok na ako sa first subject ko, which is History class, which means kaklase ko ang apat (Third Warning.) UGH!!
I hate my life.
Pagpasok ko sa classroom, ang kaninang kala mo World war 3 ang ingay, ngayon kala mo may namatay sa tahimik ng buong klase. Nakita ko din ang apat na nakaupo sa desk nila na ang tulis ng tingin sakin. What now?!
Halos isang minuto akong nakatayo dito sa harap ng pinto ng classroom namin. Ewan ko ba. Parang nakapako na ako dito sa kinatatayuan ko.
Biglang pumitik si Jayden, kasabay nang pagbuhos sa akin ng malagkit na likido. Ang lagkit ng buong katawan ko. Napatingin ako sa apat yung tatlo tawa ng tawa habang si Matt naman nakapoker-face na naka tingin sakin.
Bumuhos ang iyak ko na alam kong di nila makikita dahil sa likidong nakabalot sa buong katawan ko.
Umatras ako at tumakbo palabas. Takbo lang ako ng takbo hanggang sa madapa ako.
Biglang may nagsalita. Lalaki.
"Miss, okay ka lang?" Napatingin ako sa kanya.
Kaya pala. Kaya pala kinakausap niya ako. Kasi transferee student siya.
Naglahad siya ng kamay para itayo ako. Inabot ko naman sa kanya ang kamay ko.
Wow poge... ay anubayan! Kim wag kang malandi.
"Thanks..." sabi ko. "Sorry nadumihan ko pa yung kamay mo." sabay ngiti ko sa kanya. Mapait na ngiti.
"Smile naman diyan yung totoo." sabi niya. Ngumiti siya at dahil parang virus 'tong kasama ko nahawa na din ako sa ngiti niya. Ang cute niya talaga.
YOU ARE READING
Love Warning (ON HOLD)
Teen FictionMeet Liana Kim Garcia. Nerd. Weird. Walang Friends. Forever alone. Pero di niya inaasahang mahuhulog siya sa bully ng kanilang school. Pero natatakot siya na baka masaktan lang siya. Kaya kailangan niyang tigilan ito. Kung may Third Warning may 'L...
