LW#6

196 11 10
                                        

LW#6: Stay

Ang weird naman nung Kuya ni Matt. Sino ba yun? Mateo? Tama!

Ang cute ko DAW. Ako? Cute?

"HAHAHA!!!!!" Nagpapatawa ba siya.

Gumulong gulong ako sa kama. Nang bigla akong nahulog.

"Aray!!" Sigaw ko. Nubayan! Gugulong na nga lang sa kama palpak pa. Hay naku!

Tumayo ako sa pagkakabagsak at humiga ulit sa aking higaan. Wahhh!!! Ang sakit ng ulo ko!!!

May saltik ba yung dalawang magkapatid na yun?! Ang hilig nila akong pagtripan eh! Putspa lang!!!!!

Para hindi boring, tumayo ako at kinuha sa study table ko ang aking laptop at bumalik ulit sa kama.

Nag fb lang ako. Why? Walang assignment, yung project lang. Hakhak!

So yun, nagtingin tingin lang ako ng news feed pati nung mga message. Wala man pinagbago. Trending parin yung video namin ng Third Warning. Yung nilagyan ako nung putsang Matt na yun ng sticker na 'Third Warning' sa noo. Hanggang ngayon fresh pa rin ang post na yun. Putspa! Kailan ba ako makakaranas ng freedom?!

Biglang napukaw ng atensyon ko ang friend requests. Woah! 1 request ngayong month na to. Grabe! Sana di na lang sila nagrequest, sinasayang pa nila oras nila eh.

"Luke Hollard sent you a friend request."

Oh, si Luke. Di kami masyadong naguusap. 'Paano kasi pag tinatawag ka niya, tumatanggi ka.' sabi ng isang bahagi ng isip ko.

Eh kasi naman masyado siyang popular at heartthrob para maging kaibigan ko. Diba?

'Buti nga nagkaroon ka pa ng kaibigan eh, kundi forever alone ka.' sabi pa ng isip ko.

Mas ok na yung forever alone, noh. Well, i-accept ko na lang.

*Confirmed.*

In-off ko na lang yung computer ko at natulog na lang.

Kinabukasan. Agad kong ginawa ang aking araw araw na ginagawa. Tsaka pumasok na sa school.

"Uyy, Kim!" Napatingin ako sa tumawag sakin at nakita kong naglalakad palapit sakin si Luke with matching kaway kaway.

Kim, just ignore him. Wait bakit nga pala ako umiiwas?

Nung nasa harapan ko na siya, tumalikod ako.

"Huy," naramdaman kong kinalabit niya ako. Dahan-dahan ko siyang nilingon. "Bakit di mo ako pinapansin. Pag tinatawag kita, you're just ignoring me. What's the problem? Kala ko ba, we're friends?"

"Hehe. Sorry, Luke. Kasi, baka magalit sakin yung mga fangirl mo pag kinausap kita," sabi ko habang kamot-batok. "Ay, kahit pala di kita kausapin, galit pa rin sila sakin, lahat naman ng tao dito galit sakin, eh."

"Except for me, I'm your friend." Sabi niya sabay yakap sakin. Agad din naman siyang kumawala. "Ano nga palang first subject mo?"

"Uhm... Physics Class." Sagot ko. "Ikaw?"

"Biology Class. But, can I walk you there?" Tanong nito. Friend ba talaga ang tingin niya sakin? Assumera!

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Don't get me wrong." With matching taas kamay. "I'm just being friendly. Tsaka I have a girlfriend."

"Kaw bahala." Sabi ko saka nauna nang maglakad sa kanya.

~**~

"Hey, is that Luke and Kim. Bakit sila magkasama?"

Love Warning (ON HOLD)Stories to obsess over. Discover now