LW#5: May sakit ampota + Meet Mateo Celeste
Kim's POV
Kainis!!! Kainis talaga!!!
Bakit kasi kagrupo ko pa sila Matt eh!! Hota lang!!! Nananadya talaga si Tadhana eh.
Papunta ako ngayon say bahay nila Matt. Sabi niya kasi ako na lang daw pumunta sa kanila. Wala daw kasi yung parents niya.
Napatingin ako sa phone ko nung nag-vibrate ito. Tinignan ko ito. Message galing kay Jayson, Jayden, at Baron.
Pare-pareho sila ng message na sinend sakin.
Hindi daw sila makakapunta. Masama daw pakiramdam nila.
Iba na pala ngayon? Yung magkakaibigan, sabay sabay na magkasakit. Hanep pota!
Wag mong sabihin may sakit din si Matt. Nako! Lilipat talaga ako ng planeta.
Di ko namalayan. Nandito na pala ako sa harap ng bahay nila Matt.
Binulsa ko yung phone ko saka nag-doorbell.
Biglang may lumabas na babae na sa tingin ko ay katulong nila.
"Hi Ma'am. Ikaw po ba si Kim?" Bungad niya sakin.
"Ahhmm... opo. Si Matt po nandyan?" Tanong ko.
"Opo. May sakit po eh. Sabi niya lag dumating ma daw papasukin na lang kita. Pasok ka." Sabi niya.
"Sige po." Sabi ko saka nginitian siya.
Pumasok na ako.
Teka. Di ko alam Kung nasaan yung kurimaw na yun. Nakalimutan kong tanungin si Manang. Nubayan!
Nilibot ko na lang yung tingin ko. Wow! Laki ng bahay. Pero mas malaki yung samin.
"Di mo alam kung nasaan kwarto niya?"
"Ay pusa ka!!!" Napatalon ako nang May biglang magsalita sa likod ko.
Humarap ako sa kanya.
"Uhmm... who u?" Tanong ko.
"I'm his brother." Ok. Pogi? Pwede na.
"I mean your name." Sabi ko.
"Mateo Celeste."
"Kuya?" Isang pamilyar na boses ang nagsalita. Napaharap ako sa kanya.
Si Matt. Nasa hagdanan.
"Hi Kim." Matamlay na sabi nila Matt. Nginitian ko lang siya.
"So, you're sick, right?" Tanong ng Kuya niya.
"No, I'm not. Kim, dun sa kwarto." Sabi niya.
"Huh?" Tanong ko.
"Sumunod ka sakin." Sabi niya.
Anong meron sa kurimaw na ito? May sakit nga ba talaga to?
Nagkibit-balikat na lang ako saka sumunod sa kanya.
Nung nasa kwarto na kami. Naabutan ko siyang tulog.
Lumapit ako sa kanya saka hinawakan ang noo niya. Shit! Ang taas ng lagnat niya.
Agad akong pumunta ng kusina saka kumuha ng tubig maligamgam at ginamit ko na yung bimpo ko pampunas.
YOU ARE READING
Love Warning (ON HOLD)
Teen FictionMeet Liana Kim Garcia. Nerd. Weird. Walang Friends. Forever alone. Pero di niya inaasahang mahuhulog siya sa bully ng kanilang school. Pero natatakot siya na baka masaktan lang siya. Kaya kailangan niyang tigilan ito. Kung may Third Warning may 'L...