Maxine POV
Nanlaki yung mata ko dahil bigla ba namang isigaw ang pangalan ni Godwin.Bigla ko tuloy tinakpan yung bibig ng dalawa at saka sila hinila dahil nakakahiya atsaka pinagtitinginginan na kami doon.
"Ano ba nakakahiya!Ba't niyo ba sinigaw yung pangalan ni Godwin!"
"Eh tinanong niya kung sino yung crush mo na matagal mo nang hinihintay"-Gail
"Kahit na!Dapat binulong nyo na lang!Naging Center of attraction na tuloy tayo"-Ako
"Sorry naman"-Gail
"Pag yan nalaman ni Godwin patay tayo niyan"-Ako
"OA nito"-Alex
"Duh Alex sikat kaya si Godwin at chismisan na dito yung pagbanggit niyo sa pangalan niya.Ang yabang pa naman nun"-Ako
"Ahy Oo nga noh"-Alex sabay kamot sa ulo niya.
"Hala pano na yan" nag-aalalang sambit ni Gail.
Habang iniisip naming kung anong gagawin naming kapag nalaman ni Godwin ay may naalala ako.
"AHY si Jairu nga pala iniwan natin doon"-Ako
"Hala oo nga nakalimutan ko din na iniwan natin siya.Ikaw kasi eh nanghihila ka"-Alex
"Dali balikan natin siya"-Gail
Tumakbo kami pabalik sa pinanggalingan naming kanina pero hindi na namin siya nakita doon.
"Baka pumunta na siya sa canteen"-Alex
Lakad takbo ang ginawa namin papunta sa canteen. Pagkarating namin sa canteen ay agad naming nilibot ang paningin namin.
"Asan na ba yun?"-Ako
"Ayun! Nandoon siya oh" sabi ni Alex at may tinuro siya sa bandang gilid ng canteen. At nakita nga namin si Jairu doon kaya lumapit kami sa pwesto niya.
"Sorry Jairu at iniwan ka namin kanina"sabi ko
"Wala yun noh. Pero sino si Godwin Valdez? " tanong niya
"Yung crush niya nga" sabi ni Gail kaya tinakpan ko agad yung bibig niya
"Huh? Wala yun"sabi ko
"Anong wala? Sabi ni Gail crush mo daw? 'Sana naman hindi' " tanong niya at binulong niya ang huling salita.
"Ano?"-Ako
"Huh? Wala. Sabi ko sino si Godwin?"-Jairu
"Wala nga yun"-Ako
"Pero—"
Hindi ko na siya pinatapos magsalita.
"Ah bibili muna ako ng pagkain ko" saka ako nagmadaling umalis at pumunta agad ako sa counter.
"Orange Juice nga po at Nova" sabi ko at agad din namanh ibibigay ang pagkain saka ako nagbayad.
Pabalik na sana ako sa lamesa namin ng biglang may bumunggo sa akin kaya natapon sa kanya yung laman ng baso.
"What the!"
"Ahy sorry! sorry po di ko po sinsad—" napatulala ako dahil kaharap ko lang naman si Godwin Valdez! Si GODWIN VALDEZ NA MATAGAL KO NG CRUSH! Like Oh My Ghad!!! Kyaaaaah!!.
"Tumingin ka nga sa dindaanan mo! "sigaw sa akin ni Godwin kaya lahat ng nasa canteen ay napatingin sa amin. Pinusan niya ang bandang natapunan ng orange juice kaya agad kong kinuha ang panyo ko at pinunas sa polo niya.
"Ahy sorry sorry talaga! Hindi ko sinsadya"sabi ko sa kanya habang pinupunasan ang polo niya. Tinabig niya ang kamay ko at sinigawan ulit ako.
"Ang tanga mo kasi!Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo!Tss pagsisisihan mong binunggo mo ako dahil hindi ko papatahimikin ang araw mo! " sigaw niya at kumuha din ng juice at ibinuhos niya sa ulo ko at saka tinulak ako ng malakas kaya napaupo ako sa sahig. At saka siya umalis.
Lumapit naman yung tatlo sa akin at tinulungan akong tumayo.
"Maxine okay ka lang? "sabi ni alex na may halong pag-aalala
"Okay lang ako"
"Sure ka? -Gail
"Oo nga ang kulit! "-Ako
"Eh pano yan hindi niya daw papatahimikin ang araw mo, alam mo namang bully si Godwin baka kung anu-ano ang gawin sayo nun"sabi ni Alex
"Huwag kayong mag-alala kaya ko yan at saka nahawakan ko na siya!!! Like oh my god! Kyaaahh dream come true mga bess!! "sabi ko habang tumatalon-talon pa sa kilig
Bigla akong hinampas ni Alex sa braso.
"Gaga pinagbantaan ka na nga nakuha mo pang makilig ngayon sa ganitong sitwasyon"-Alex
"Ihhhh!! Hindi ko mapigilan!! "sabi ko sabay hampas kay Alex ng biglang tumawa si Jairu.
"Hahahaha ang cute mo pa lang kiligin" sabi ni Jairu sabay ngumiti kaya napatulala ako saglit habang nakatingin sa kanya
"Siya ba yung crush mo? Ang yabang ah, kala mo kung sino. Ang panget naman. Mas gwapo naman ako dun"sabi ni Jairu
"Anong panget? Ang gwapo kaya niya kaya ko nga naging crush yun" sabi ko kay Jairu
"Mas gwapo ako dun kaya ako na lang ang crush mo at saka ang yabang nun. Pano mo naging crush yun? "-Jairu. Hinampas ko siya sa braso at saka tumawa.
"Hahaha ikaw, magiging crush ko? dibale na lang atsaka mayabang lang yun pero may itinatagong bait yun" sabi ko
"Hali na nga kayo malapit ng mag-bell"-Gail
Tumango naman kami at naglakad na papunta sa kanya kanyang classroom.
~~~~~~~~~~~~
@rosegwyneth
BINABASA MO ANG
My Dream Come True |ON GOING|
Novela Juvenil"I like you" Ang mga salitang iyan ang gustong marinig ni Maxine sa taong crush na crush niya simula elementary palang sila pero hanggang sa panaginip na lang niya yan naririnig eh Then one time.... Napansin siya ni Godwin but not as a friend but t...