Chapter-8

5 1 0
                                    

Maxine POV

Kinabukasan ay sabay sabay kaming kumain nila mommy at syempre wala na naman si Daddy.

"Mommy alis na po ako" sabi ko

"O sige ingat ka"

"Opo"

Nandito na ako ngayon sa school at tingin ng tingin sa paligid baka kasi biglang sumulpot si Godwin at kung anong gawin sakin dahil sa ginawa ko sa kanya kahapon.

Kasalanan naman niya yun kung bakit ko siya tinuhod. Kung hindi sana nanghihila eh hindi ko gagawin yun.

Sana naman hindi ko makita si Godwin ngayon lokohin ko pa sarili ko eh magkaklase ka—

"Huy lalim ng iniisip mo ah"

"Ahy Godwin! " sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko

"Ano ba! Huwag ka ngang manggulat Alex"

"Anong nanggugulat kanina pa kita kinakalabit kaya nagsalita na ako atsaka anong Godwin? Iniisip mo siya noh? Yieee"

"H-hindi ah" sabi ko atsaka binilisan ko ang lakad ko para hindi niya makita yung pula kong mukha.

"Yieee may something na kayo ni Godwin noh"

"Wala ah.. we're not in good terms,okay"

"Okay sabi mo eh"-Alex

"Huwag mo nga kong tingnan ng ganyan"-Ako

"Ano na naman"-Alex

"Yang tingin mo kasi parang sinasabi mong nagsisinungaling ako"

"Huh? Hindi kaya"

"Ewan ko sayo Alex"

Pumunta na kami ni Alex sa kanya kanya naming classroom at pagkapasok ko sa classroom ay nadatnan ko doon si Godwin na naka-upo sa kanyang upuan.

Pagkapasok ko ng classroom ay agad niya akong tiningnan at saka siya ngumisi kaya iba talaga pakiramdam ko ngayon dahil baka any moment ay may gawin siya sa akin

Napabuntong hininga ako at saka naglakad papunta sa upuan ko

Maya maya ay dumating na si ma'am English.

Discuss

Discuss

Discuss

At nagbell na ibig sabihin ay recess time na.

Binilisan kong mag-ayos ng gamit ko para maiwasan ko si Godwin pero biglang may humawak sa braso ko. Pagtingin ko ay si Jairu lang pala. Sa sobrang nerbyos ko kanina hindi ko siya napansin.

"Oh bakit Jairu? May kailangan ka?" sabi ko habang tiningnan ang buong classroom at salamat naman at wala na si Godwin.

"May problema ka ba? Kanina ka pa balisa eh"-Jairu

"Huh? Ah wala"-Ako

"Sure ka? Mukhang may problema ka eh"-Jairu

"Wala to baka guni guni mo lng na may problema ako"-Ako

"Okay" sabi niya pero parang hindi pa siya kumbinsido sa sagot ko.

"Tara na.. Recess na tayo. Baka hinihintay na tayo nila Gail at Alex sa canteen" sabi ko at nauna ng naglakad palabas ng classroom.

*Canteen*

Nang nasa canteen na kami ay agad kong nilibot ang paningin ko para hanapin sila Alex at Gail pero hindi ko sila mahanap sa canteen.

"Mukhang wala sila Alex at Gail dito"-Jairu

"Kaya nga...halika bili na tayo ng makakain natin" sabi ko saka ko siya hinawakan sa kamay at hinila sa bakanteng lamesa.

Pagtingin ko sa kanya ay nakatingin siya sa magkahawak naming kamay kaya tinanggal ko agad ang pagkakahawak sa kanya.

"Uhm anong gusto mong kainin? At ako na ang bibili para sayo"-Ako

"Huwag na..umupo ka na at ako na ang bibili ng pagkain natin"-Jairu

"Pero--" pinutol niya agad ang sasabihin ko

"I insist. Kaya diyan ka na lang at ako na ang bibili" sabi niya saka siya umalis.

Ehhhh bat ba ganyan si Jairu.

Haayyysstt!

Nakakaloka na. Ang awkward kanina.

"Oh ito na yung binili ko para sayo. Burger at coke. Sana gusto mo yan."sabi niya saka siya ngumiti.

Omo! Nakakasiliw yung ngiti nya!

"Uhm salamat..gusto naman yan eh"sabi ko at ngumiti rin pabalik. At nagsimula na kaming kumain.

A
W
K
W
A
R
D

Maya maya pa ay biglang bumukas ang pintuan ng canteen at sa lakas ng pagkabukas nito ay napatingin lahat ng tao sa canteen.

Pagtingin ko dito ay nanlaki bigla ang mata ko dahil si Godwin ang pumasok dun at ang mga kaibigan nya. Palinga linga si Godwin at parang may hinahanap kaya bigla akong yumuko pero huli na ang lahat dahil nakita na nya ko. Paktay! Pagtingin ko ulit ay parang nagpapaalam siya sa mga kaibigan nya at nakangising naglalakad papunta sa direksyon ko.

My ghadd! Anong gagawin ko!

Agad kong binaba ang hawak kong burger, buti na lang at konti na lang iyon atsaka kinuha ang coke na hindi pa nabubuksan.

"Ah Jairu una na ko ha may gagawin pa pala ako" agad kong sabi kay Jairu at dali daling tumayo pero bago pa ako makahakbang ay nahawakan na ni Godwin ang braso ko.

Waaahh ano ng gagawin ko!







<A/N>
Woooooohhhh tagal kong mag-update≥﹏≤...

#tamadnaauthor(/ω\)

Pls. Vote and follow

~~~~~~~~~~~~~
rosegwyneth

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Dream Come True |ON GOING|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon