Maxine POV
"G-good morning din sayo Jairu" bati ko pabalik sa kanya. Sabay ngumiti.
Hindi naman na siya nagsalita kaya tumahimik na ako pero gusto ko siyang makausap kaya bumaling ako sa kanya.
"Jairu / Maxine" sabay na sabi namin kaya natawa kami.
"Ano pala ang sasabihin mo?"tanong ko.
"Ikaw muna..ladies first nga diba"sabi niya kaya sinabi ko na ang sasabihin ko.
"May problema ka ba Jairu?"
"Wala naman..bakit mo naitanong?"
"Eh bat hindi ka pumapansin kahapon? May nagawa ba akong mali?"
"Ah wala yun..wag mo na lang pansinin"
"Sure ka?"paninigurado ko
"Oo nga ang kulit"sabay gulo niya ng buhok ko
"Aish..wag mo ngang guluhin ang buhok ko"tinampal ko naman ang kamay niya. Natawa naman siya.
Habang naguusap kami ay dumating na si Ma'am Ysa kaya tumahimik na kami at nakinig kay ma'am.
*Fast Forward*
Lunch na ngayon at nandito kami sa canteen at kumakain. Buti na lang at wala pang gumugulo na Godwin ngayon sana tuloy tuloy na ito hanggang uwian o hindi.
"Hoy sumama ka sakin"sabi ni Godwin
"At bakit ako sa sasama sayo?" masungit na sabi ko
"Ms. Mendoza may atraso ka pa sakin.. Hindi mo ba matandaan?"
"Tol tingnan mong kumakain kami"sabat ni Jairu
Hero ka talaga Jairu.
"Wala akong pakealam"sabay hila ni Godwin sa kamay kaya napatayo ako at nabitawan ang kutsara kay lumikha iyon ng tunog kaya npatingin sa amin ang mga estudyante.
Hinila din ni Jairu ang isa kong kamay kaya napapagitnaan ako ni Godwin at Jairu.
"Hindi siya sasama sayo. "matigas na sabi ni Jairu.
"Hindi mo siya pagmamay-ari"madiin na sabi niya kay Jairu atsaka binigla niyang hilahin ako kaya nabitawan ako ni Jairu.
Pagkalabas na pagkalabas namin sa canteen ay sinigawan ko siya agad.
"Ano bang problema mo ha?!"sigaw ko sa kanya habang hinihila niya ako.
"Ikaw. Hindi mo ba alam kung ano ang ginawa mo sa akin? Ha! "-Godwin
"Nag-sorry na nga ako di ba?"-Ako
"Hindi sapat ang sorry lang. Dapat binagbabayaran. Hindi mo ba alam na ako si Godwin Valdez at ikaw pa lang ang may lakas na loob na sagutan ako! "- Godwin
Napunta kami sa isang kwarto..lumang classroom ito dahil may mga sirang silya at nasa bandang likod ito ng classroom na parang itinulak lang ang mga nasa harapang silya at pinalikod ito.
Maayos naman ang bandang harapan ng kwarto pero sa likod ang gulo ng dahil sa mga silya kaya siguro hinarangan na lang ng kurtina para hindi makita ang nasa likod pero nakita ko pa rin dahil hindi maayos ang pagkakasara dito. May sofa at may lamesa sa gitna at ang teacher's table ay nasa gilid lang at naka carpet pa ang sahig.
Parang ginawa na niya itong tambayan.
"Bakit mo ba ako dinala dito?" tanong ko kay Godwin
"Wala lang.. Paglilinisan sana kita kaya lang malinis pala itong kwarto"sabi niya
"Eh bat mo pa ko dinala dito? Aksaya ka sa oras ko..tingnan mong kumakain kami ni Jairu tas ng hihila ka.." sabi ko
"Gutom ka ba? " tanong niya
"Malamang..lunch na kaya...at hindi pa nga ako nakakalahati sa pagkain ko..hinila mo na ko..tas magtatanong ka pa diyan" reklamo ko sa kanya
"Ahh okay" maigsing sabi niya atsaka umupo sa sofa.
"Anong okay?! Hoy pakainin mo ko!"
"Wala akong pagkain dito"
"Ano?!! Dinala mo ako dito tas tutunganga lang ako dito!!"
"Eh sa malinis nga dito kaya wala ka ng gagawin..! Kung gusto mo ayusin mo yung upuan sa likod! "
"Bat ka ba sumisigaw?! "
"Hindi ako sumisigaw!! Ikaw ang sumisigaw diyan!!"
"Eh sa naiinis ako sayo eh!!!"
"Tumahimik ka na nga lang diyan" yamot na sabi niya
"Arrggghh" sigaw ko na lang sa inis ko sa kanya at salubong ang kilay na umupo ako sa kabilang sofa.
Maya maya pa ay tumayo na ako at naglakad na papunta sa pintuan.
"Hep hep hep.. Saan ka pupunta? " sabi ni Godwin"Pupunta na ako sa classroom"
"Bakit? Pinapaalis na ba kita? "
"Malapit nang mag klase kaya aalis na ako"
"May 15 minutes pa bago mag simula ang klase at hindi kalayuan ang classroom natin dito"
"Pupunta pa ako sa canteen dahil kanina pa ako nagugutom" sabi ko sa kanya habang nakatalikod ako sa kanya dahil nakaharap ako sa pinto.
"Mamaya ka na pupunta..may pagkain diyan sa cabinet"
Napaharap ako sa kanya at ang likod niya ang nakita ko dahil nakatalukod nga siya sa pintuan.
"Anong cabinet? Wala kayang cabinet dito...Huwag mo nga akong pinagloloko"
"I mean yung drawer ng teacher's table" atsaka tinuro yung teacher's table sa harap niya.
Agad akong pumunta doon at binuksan yung drawer. At ang daming pagkain na chitchirya at biscuit. Humarap ako sa kanya at sinigawan siya.
"Meron pa lang pagkain dito eh!! Bat ngayon mo lang sinabi!!!" tsaka binuksan ang piattos na nakita ko
"Sa ngayon ko lang naalala eh" bored na sabi niya
"Nakakainis ka talaga!! " asar na sabi ko habang ngumunguya ng isang pirasong piattos
Nagkibit balakit lang siya kaya umupo ulit ako sa sofa habang siya naglalaro sa cellphone niya.
Naparami ang kain ko sa mga chitchirya at mga biscuit dahil sa gutom ako. Maya Maya ay bigla kong naalala. Pagtingin ko sa relo ko ay napatayo ako.
"Late na ko!!! " tsaka nagmamadaling lumabas. Hindi ko na pinansin si Godwin dahil 15 minutes late na ko.
Shit talaga!!!
<A/N>
Once in a month lang akong mag-update.. Pag ginanahan twice in a month. Sorry sa mga readers tamad lang magsulat si author at wala akong permanenteng internet kailangan ko pang mag paload para lang mag update.Pls. Vote & Follow
~~~~~~~~~~~~
@rosegwyneth
BINABASA MO ANG
My Dream Come True |ON GOING|
Teen Fiction"I like you" Ang mga salitang iyan ang gustong marinig ni Maxine sa taong crush na crush niya simula elementary palang sila pero hanggang sa panaginip na lang niya yan naririnig eh Then one time.... Napansin siya ni Godwin but not as a friend but t...