Maxine POV
Pagkamulat ko ng mata ay tumambad sa akin ang napakalawak na garden. Napangiti ako dahil may lumapit sa akin na butterfly kaya inilahad ko ang aking kamay at dumapo doon ang paru-paro pero lumipad ito na parang hinihikayat ako na sumunod sa kanya.
Inihakbang ko ang aking paa para sundan ang paru-paro habang sinusundan ko ang butterfly ay pinagmamasdan ko ang paligid.
Napakaraming mga halaman na namumulaklak at ibat iba pang kulay.
Napunta kami sa may daanan yung may mga puno sa gilid ng daan at mga bulaklak sa mga tabi ng puno. Diniretso namin iyon at may nakita akong fountain sa di kalayuan sa pwesto ko. Naririnig ko ang pagbagsak ng tubig sa fountain.
Nasa harap na ko ng fountain at dumaan ako sa kanan ng fountain at nang nasa gilid na ako ay may napansin akong nakaupo na lalaki sa fountain. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil sa kislap ng araw at nakayuko rin siya.
Papalapit na ako sa lalaki ay napansin kong wala na yung butterfly, nasa gilid na ako ng lalaki. Siguro napansin niyang may ibang tao ay tumingin siya sa akin.
Parang nagslow motion ang pagtingnan niya sa akin...ngumiti ito at ng nakita ko na ang mukha niya ay nagulat ako kung sino siya.
Bigla akong napabangon sa higaan ko at naghahabol ng hininga. Tiningnan ko ang paligid ko at napabuntong hininga na lang ako dahil panaginip lang pala ang lahat.
Pero napangiti ako sa isipan ko na si Godwin ang lalaking nasa panaginip ko. Tumingin ako sa orasan aa loob ng kwarto ko at 6:00 na ay bumangon na ako at dumiretso sa banyo at ginawa ang morning rituals.
Pagkababa ko ay naka handa na ang breakfast sa mesa.
"Good Morning ma'am" sabi ng isang katulong namin.
"Good Morning"bati ko pabalik.
Umupo na ako at kumain na ng breakfast. Pagkatapos ay tumayo na ako.
"Manang pakisabi na lang kanila Mommy na nauna na po ako"
"Sige.. mag-ingat ka"sabi ni manang Lordes.
"Okey po"
*School*
Maaga pa naman para sa unang klase ay pumunta muna ako sa garden ng university.
Umupo ako sa damuhan at naalala ko ang napaginipan ko. Hindi ko mapigilan ang pagngiti ko dahil sa panaginip.
Ang gwapo talaga ni Godwin pag nakangiti. Pero may naalala ako bigla, pinagbantaan niya pala ako kahapon at kakasabi ko lang kagabi bago ako matulog na nakakaturn off siya.
Hayst!
Ano ba yan ako pala ang target ngayon ni Godwin!
Napahilamos na lang ako sa mukha.
~Toot toot toot~
Tiningnan ko ang cellphone ko at may text message iyon at unknown number. Binuksan ko ang message at napatakip ako sa bibig ko.
From:09*********
Hai Ms. Mendoza patikim pa lang iyon kahapon. Ngayon humanda ka na at pagsisisihan mong binangga mo ako.
Kahit na unknown number iyon ay alam kong si Godwin iyon.
Hala! Anong gagawin ko. Aish! Dapat hindi na ako dumiretso dito eh.
Tumayo na ako at tinitingnan ang paligid kung may kahina hinala. Lakad lang ako ng lakad habang pinag mamasdan ang paligid baka kasi biglang sumulpot si Godwin o di kaya ay may mangyari sa akin.
"Huy"
"AHY"tili ko ng may biglang kumalabit sa akin
"Anong nangyare sa yo?"
Napabuntong hininga ako ng malaman kong si Gail lang naman pala.
"Bakit? May problema ba? " tanong niya.
"W-wala... uhmm bakit hindi mo kasama si Alex? "pag iiba ko ng topic
"Wala pa siya"
"Halika na punta na tayo sa classroom"-Gail
Tumango naman ako at sabay kaming naglakad papuntang classroom. Nang makarating na kami sa floor namin ay nagpaalam na siya at pupunta na sa classroom nila.
Pagkapasok ko ay tinginan ang lahat ng mga kaklase ko sa akin.
"Di ba siya ngayon ang target ni Godwin ngayun?" sabi ng kaklase ko na akala mo clown siya sa isang perya.
"Oo..ang malas niya dahil siya ang naging target ni Godwin"sagot ng kaparehas niyang clown
"Yan kasi kala mo kung sino.... binangga pa ang prince natin"sagot ni clown 1
Binalewala ko na lang sila at anong sabi nila kailan pa naging prince si Godwin!
Umupo na ako sa upuan ko at napansin kong wala pa si Jairu. Siguro pagdating niya kakausapin ko siya agad. Dahil hindi ko kayang hindi siya pumapansin kahit na kakakilala ko lang sa kanya kahapon ay naging magaan ang pakiramdam ko sa kanya at alam kong mabait siya.
Nakatunganga lang ako doon at naramdaman kong may tumabi sa akin at nakita ko si Jairu na nakangiti.
"Good Morning Maxine"
~~~~~~~~~~~~
@rosegwyneth
BINABASA MO ANG
My Dream Come True |ON GOING|
Teen Fiction"I like you" Ang mga salitang iyan ang gustong marinig ni Maxine sa taong crush na crush niya simula elementary palang sila pero hanggang sa panaginip na lang niya yan naririnig eh Then one time.... Napansin siya ni Godwin but not as a friend but t...