Chapter-4

16 4 1
                                    

Maxine POV

Bago pa na pumunta sa classroom ay pumunta na muna ako sa girls locker room. Pwede din doon na maligo kasi may paliguan at cr kaya naligo muna ako dahil ang lagkit ng juice na tinapon sa akin ni Godwin.

Pagdating ko sa classroom ay tahimik akong umupo sa upuan namin sa likod. Buti na lang at wala pa ang teacher. Si Jairu naman ay hindi kami umimik hanggang sa dumating na ang teacher. Pagkatapos ng dalawang subject ay lunchbreak na kaya tumayo na ako.

Pupunta na sana ako kay Jairu para sabay kaming kumain sa canteen pero wala na siya sa classroom. Kaya lumabas na ako sa classroom. Lalabas na ako sa classroom pero pagkatapat ko sa pinto ay siya namang may bumagsak na tubig sa aking ulo kaya napalaki yung mata ko sa gulat.

"What the hell!! "sabi ko sa inis

"Hahahaha"tawanan nung mga nakita ka sa akin ngayon.

Tumingin ako sa taas ko at may timba na nakatali doon.

"Agghh!! "sigaw ko

"Hala max anong nangyare sayo?"sabi ni alex atsaka siya naglabas ng panyo at pinunasan yung mukha ko.

"May bwiset na taong nag plano sa akin na mabuhusan ako ng tubig!" galit na sabi ko. Totoo naman kasi eh may nag plano talaga sa akin na buhusan ako ng tubig. Andame nang lumabas dito sa pintuang ito at saka namang sakto sa akin. Alangan naman na coincidence lang iyon, Imposible!

"Ah parang alam ko na kung sino" sabi ni Gail at tatango-tango pa habang nakahawak sa kanyang baba.

"Sino naman at para gagantihan ko!"sabi ko. Nakanguso namang itinuro ni Gail sa likuran ko.

"Gagantihan mo ako? Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mo" pagkasabi ni Godwin ay umalis na ito at binangga pa ang balikat ko kaya napa aray ako sa sakit.

"Aaaggghh"inis na sabi ko habang tinitingnan sila papalayo sa puwesto namin.

"Tinotoo niya nga ang sinabi niya kanina. Dalawang oras ka pa lang pinagbantaan ay nakaplano na siya akala ko pa naman bukas niya pa gagawin"ani ni Gail

"Nakakainis pala talaga ang harap harapan talagang ginawa sayo. Nagsisisi tuloy ako kung bat ko pa naging crush yan! "ani ko hang nakakunot ang noo.

"Oh tingnan mo may pakilig kilig ka pa kanina tas ngayon naiinis ka na sa kanya" ani ni Gail

"Hayst! "sabi ko sabay gulo ko ng buhok dahil sa frustration. Pumunta ako sa CR at pinakuha ko sa kanila yung extra uniform ko. Dalawang beses na akong nagpalit ngayon dito sa school at first day of classes pa ha.. nakakainis lang eh noh.. Pagkatapos ay pumunta na kami sa canteen.

Pagkatapos namin kumain ng lunch ay punta na kami sa classroom para sa dalawa subject bago uwian.

Malapit ng matapos ang pang huling klase ngunit hindi pa ako pinapansin ni Jairu kanina pang lunch dahil kanina nakita namin siya sa canteen, lalapitan na sana namin siya pero tumayo na siya at umalis ka agad. Hindi ko nga alam kung dahil kanina sa mga sinabi niya. Hindi ko na tuloy siya na itour dito sa school

"Class Dismissed"sabi ng teacher.

Lumabas na ako at nakita ko sila Gail at Alex sa labas ng classroom at hinihintay ako.

"May problema ba si Jairu? Kanina pa yan hindi pumapansin"-Alex

"Himdi ko nga alam eh.. Nagsimula lang yan kanina... nung pumunta na kami sa classroom.. "sabi ko sa kanila

"Tungkol kaya kanina nung sinabi niyang siya na lang ang crush mo at hindi si Godwin? "-Gail

"Hindi ko alam"sabi ko

*Fast Forward*

Nandito na ako sa bahay namin at sa ngayon ay kumakain na ako ng pang dinner. Kasama ko ngayon si mommy at si Mariel as usual wala na naman si daddy.

"How's your school? "sabi ni mommy kaya ako ang unang sumagot.

"Okey lang naman po and I meet a new friend"sabi ko habang nakangiti.

"Oh that's good...ikaw anak? "sabi ni mommy at tiningnan naman niya si Mariel.

"Okey lang din naman po"-Mariel

At pinagpatuloy na namin ang kumain. Pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto ko. At naligo pero hindi ko binabasa ang buhok ko.

Nakahiga na ako sa kama ko at iniisip ang nangyari kanina sa school.

"Hayy"buntong hininga ko

Inisip ko ang mangyayari sa akin bukas. Kung ano ang mga hakbang na gagawin ni Godwin sa akin. Baka mas lalong lumala ang gagawin niya sa akin kumpara sa binuhusan ako ng tubig.

Kakasabi niya lang kanina ang banta niya ay gumawa na ito ng paraan na sirain ang araw ko.

"Aish! Anong gagawin ko bukas?!"sabi ko

Dapat bang magpray ako para hindi matuloy ang binabalak niya? O kaya iwasan ko na lang siya?

Maiiwasan ko ba siya eh lahat ng estudyante sa school kaya niyang utusan.

Hayy nakakaturn off talaga siya kung ikaw na mismo ang binubully niya. Noon naman eh kahit nakikita ko siyang may binubully eh hinahangaan ko pa siya.

Buhay nga naman oh!

~~~~~~~~~~~~
@rosegwyneth

My Dream Come True |ON GOING|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon