Maxine POV
Lakad takbo ang ginawa ko. Medyo malayo sa pinuntahan namin ang classroom ko at third floor pa naman yung room.
Pagkadating ko sa harap ng classroom ay meron na yung teacher kaya napasipa ako sa inis.
Dumaan ako sa likod na pinto at nakaupo akong naglakad para hindi ako makita ng teacher.
Malapit na sa upuan ko ng biglang nagsalita yung teacher.
"Why are you late Ms. Mendoza? " sabi ni ma'am Ramirez
"Uhmm ma'am kasi ano.. " sabi ko habang tumatayo ako
"Ano? "sabi ni ma'am. Sasagot na sana ako ng biglang pumasok si Godwin
"Why are you late too mr. Valdez? "
Nagdirediretso lang maglakad si Godwin papunta sa upuan niya at saka siya umupo at hindi niya pinansin si ma'am.
"Mr. Valdez I'm asking you?! " medyo pasigaw na sabi ni ma'am
"Magkasama ba kayo ni miss mendoza kanina at nagdate kayo kaya kayo ay late? " sabi ni ma'am na ikinabigla ko kaya agad akong tumanggi at sabay pa kaming nagsalita ni Godwin.
"Ma'am hindi po"sabi ko
"Hell no! " sabi ni Godwin
"Huwag nga kayong magmaangan" sabi ni ma'am
"Hay mga kabataan nga naman ngayon"tuloy niya pa
"Ma'am hindi po kami magkasama at lalong hindi kami nagdate" mabilis na sabi ko
"Umupo ka na at nakakaistorbo ka sa klase ko miss mendoza"
Bago pumunta sa upuan ko ay tinadyakan ko muna ang upuan no Godwin. Sinamaan naman niya ako ng tingin kaya binelatan ko na lang siya
"Yuck..siya idedate ni prince eh wala ngang panama sa type ni prince yan"
"Oo nga girl..akala mo kung sino di naman kagandahan"
Yan ay may narinig ako bulongbulungan malapit sa upuan ko syempre alangan naman sa malayo maririnig ko pa ba yung bulong nila.
Eh hindi naman talaga kami nagdate ni Godwin atsaka pakealam ko kung sino type niya at mas maganda pa kaya ako sa kanila.
Maya-maya pa ay may nag-abot sakin ng papel. Tiningnan ko lung kaninong kamay yun ay kay Jairu pala. Tiningnan ko siya ng may pagtatanong. Pero inabot niya ulit yung papel.
'Saan ba kayo pumunta ni Godwin at na late kayo? ' iyan ang naka sulat sa papel. Tiningnan ko muna siya at bago nagsulat.
'Diyan lang.. Dito rin sa loob ng school' yan ang isinulat ko. At binalik ko sa kanya yung papel. Binasa niya naman iyon at nagsulat ulit. Binagay niya ulit sa akin at binasa ko.
'Bakit nga kayo nalate? '
'Kumain pa kasi ako kaya ako nalate.. Hindi ko namalayan yung oras'
Ibinalik ko sa kanya yung papel at binasa niya iyon. Tiningnan naman niya ako at ibinalik ang tingin sa blackboard sa harap. Kaya tumingin na rin ako sa harap at nakinig kay ma'am ramirez.
Pagkatapos ng klase ay pumunta na ko sa locker ko at nilagay doon ang mga notebook kong walang assignment.
Hindi na sumabay sa akin si Jairu dahil may pupuntahan pa daw siyang importanteng lakad.
Papunta na ako sa labas ng school para hintayin ang sundo ko kaya lang may biglang humila sa kamay ko at kinaladkad ako.
"Hoy saan mo ko dadalhin?! " pero hindi niya ako pinansin
"Hoy ano ba! Bitawan mo nga ako! " hindi ulit ako pinansin hanggang sa tumigil kami sa tapat ng isang sasakyan.
"May pupuntahan tayo" sabi ni Godwin
"Ayoko nga atsaka baka hinahanap na ko ng sundo ko"
Binuksan niya yung pintuan sa shotgun sit.
"Sakay na"
"Ayoko"
"Sakay na sabi"
"Ayoko sabi"
"Isa"
"Dalawa,Tatlo,Apat,Lima"
"Aba't! "-Godwin
"Ano ha?!"-Ako
"Sumakay ka na kasi"-Godwin
"Eh sa ayoko nga.. Baka hinahanap na ko nung sundo ko"-Ako
"Bakit ba ang kulit mo?! "-Godwin
"Bakit rin ba ang kulit mo?!"-Ako
"Aish!! "-Godwin
"Ayaw mo talaga?" sabi niya habang palapit ng palapit sa akin kay umatras ako.
"H-hoy anong gagawin mo? "sabi ko habang paatras pa rin hanggang sa maramdaman ko na sa likod ko ang kotse.
"Ayaw mo talagang sumakay eh no? "sabi niya at palapit ng palapit hanggang sa nagkadikit na ang katawan namin.
"H-hoy anong binabalak mo? "sabi ko at yinakap ko ang sarili ko at siya naman ay nilapit niya amg mukha niya sa mukha ko kaya lumaki yung mata ko atsaka ko siya tinuhod.
"Arrrraayyy! " namimilipit na sabi niya habang nakahawak sa private part niya na tinuhod ko hanggang sa mapahiga siya sa sahig.
"Sh*t ang sakit"-Godwin
"Buti nga sayo"binelatan ko muna siya bago tumakbo palayo.
"Humanda ka sakin bukas Ms. Maxine Louise Mendoza!" narinig ko pang sabi niya
Kaya tumakbo ako ng mabilis buti na lang at nakita ko agad yung sundo ko at bilis na sumakay sa kotse at napabuntong hininga.
"Muntik na ko dun" sabi ko habang naka hawak pa sa dibdib ko.
<A/N>
Happy 4th Anniversary Bangtan Sonyeondan!!! '(*∩_∩*)′
Sinong army readers ko diyan?
Alien°.*\( ˆoˆ )/*.° and Gluta<(-︿-)> bias herePls. Vote & Follow
~~~~~~~~~~~~
@rosegwyneth
BINABASA MO ANG
My Dream Come True |ON GOING|
Fiksi Remaja"I like you" Ang mga salitang iyan ang gustong marinig ni Maxine sa taong crush na crush niya simula elementary palang sila pero hanggang sa panaginip na lang niya yan naririnig eh Then one time.... Napansin siya ni Godwin but not as a friend but t...