Jenette's POV
"yes! Tapos na din ang klase! Gimik tayo girls!" well, that's MM or Marjiel. Mahilig siya sa mga kasiyahan. Weird yan.
"kakatext lang ni Mamu. May ie-endorse daw tayo ngayon. Pictorial daw." ok, ako na yan. Baka magalit si Mamu eh.
"what?! Pictorial na naman?! Meron lang tayong pictorial kahapon ah. Sunud-sunod naman na." angal ni Jessa.
"tara na nga." ok, umuna na si Irah. Wala na kaming nagawa kundi ang sumunod na lang. Isa din yang weird. Nakakaya niyang lumipas ang isang buong araw ng hindi nagsasalita. Panis ang laway niyan siguro bago pa lang matulog. Haha
Sumakay na nga kami sa kanya kanya naming kotse. Oo, may sari-sarili kaming kotse, mayaman kami eh. Echos! Sa agency ito! Ipinapagamit sa amin since kami ang pinakasikat na models nila.
at ayun na nga! After 20 minutes of driving, nakarating na din kami sa hotel na sinasabi ni Mamu.
"girls!" masayang salubong ni Mamu sa amin sabay beso beso sa bawat isa. Ang sweet talaga ni Mamu.
"mamu naman, bakit meron na naman tayong pictorial. I should be gimiking right now!"
"marjiel, ok lang yan. Gimik tayo mamaya pagkatapos nito. Madali lang naman eh. Clothes ang ie-endorse niyo!!"
"really mamu! *_*" woah. Damit na naman! Ito ang gusto ko eh. May ibibigay na naman silang damit sa amin. Ang tuloy, tipid kami sa pagsho-shopping! ^_^. Hindi naman sa kuripot pero may pinag-iipunan kasi kami.
"ok girls, halina kayo at magbihis na. Mabilis lang dapat 'to. May pupuntahan pa tayo."
pose dito. Pose diyan.
lahat sila ang comment sa amin,
"woah"
"ang ganda nila"
"bagay sa kanila yung mga damit"
"lahat bagay sa kanila"
"nakakainggit sila"
well, sanay na kami diyan. Nakakasawa na nga eh.
nang matapos na kami, umalis na kami pero sa isang van na lang kami sumakay at si Mamu ang nagdrive. Gigimik daw kami.
"oh, my goshness Mamu! Marami bang hot boys dun?!" Hot boys? Demonyo kamo Marjiel.
"of course my dear! May surprise ako sa inyong apat and it will be so much fun!"
"bar ba yun Mamu?"
"haay, Irah. Kahit ngayon lang i-wash away muna natin yang quiet spirit mo. Basagin muna natin eardrum mo, ok?"
"whatever."
"ang kj talaga ni Irah, gwapo yun Irah, ano ka ba?"
"Jessa, ke gwapo or pangit man yan, lalaki yan. At ang lalaki hindi dapat pinagkakatiwalaan." sabi ko habang nakatingin sa labas ng sasakyan. Alam kong, iintrigahin lang nila ako.
"ok, miss manhater!" napatingin ako sa sabay na pagsigaw nila Mamu, Jessa at Marjiel. Si Irah? Ayun, may headset sa tenga.
"girls we're here!"
"Happiness!!" sigaw nung dalawang maingay sabay talon palabas ng van.
"ok, girls, listen. We're here not only for gimik purposes. I have a work here, ok?"
"bugaw ka Mamu?!O_O" what?! marjiel?! Pinagsasabi mo?!
*pok*
"aw! Kelangan manapok Jenette? Pwede namang i-explain diba? Labyu!" sabi niya habang hinahawakan yung batok niya.
BINABASA MO ANG
Princes And Princesses Of Hearts
Novela JuvenilAno kayang kahahantungan kung ang isang grupo ng girls ay isama sa isang grupo ng boys sa isang bubong? Can this be war? The quiet type will meet the bubbly one. The jolly girl will meet mr.silent. Then miss crazy will meet mr.genius. And the manhat...