Chapter 3: SHY BOYS
Jenette's POV
I'm gonna kill him. Mapapatay ko talaga yung demonyong yun. Wala pang nakakagawa ng ganun sa akin! Siya lang!
Aaaarrrrggghhh!
Papatayin ko siya!!
*bog*
Ouch.
Napahawak naman ako sa noo ko. Nauntog kasi ako dito sa babaeng 'to.
"Marjiel naman! Tingin naman sa dinadaanan, libre namang tumingin eh. Tss"
"Ah.. Ehh.. Sorry. May iniisip lang kasi ako?"
"Ano naman yang iniisip mo? Or should I say sino? Si Aerol siguro."
"A-ano?! Hindi ah! Bakit ko naman iisipin yung nagpapanggap na matalino na yun. Ang feeling feeling niya. Akala niya ang talitalino niya at ang gwapo gwapo niya. Pwes, akala niya lang yun. Kasi hindi totoo."
"Ah ewan ko sayo. Ang haba haba ng explanation mo. Oo o hindi lang naman ang sagot sa tanong ko."
"Ganun talaga Jenette. Kapag madami kang salita, ibig sabihin madaming laman ang utak mo. A-ahh, sige, may kukunin lang ako sa kwarto ko."
"Weird."
Dumiretso na lang ako sa kusina para magbreakfast. Ganito talaga kami dito sa bahay, kung kakain ka, kumain ka. Hindi kailangan na sabay sabay.
"Good morning Jenette ^_^V"
"Shut up, Mr. Bassist!" sabi ko tapos padabog na umupo at kumuha ng pagkain.
"Hey, Kristoff is my name. Nice to meet you again. ^_^V"
"Pwede bang tumigil ka na sa ngiti mong yan?! Nakakainis na!" sabay subo ko ng malaki. Nakakagalit eh. Naaalala ko tuloy yung kanina. Haist!
"Hey, Kristoff, anong breakfast?"
Ghawd.
Hanggang dito ba naman makikita ko siya?!
Pwede bang hayaan niya muna akong kumain?!
Gutom ako eh! Hindi ako nakakain kagabi!
Tumayo na lang ako.
"Nawalan na ako ng gana."
"No, no. Jenette, you stay here. Pupunta lang ako sa garden."
Sige lang. Matuto kang makiramdam!
Tinuloy ko na lang yung kinakain ko. Ito namang si Kristoff, nakatitig lang sa akin. Trip ba ako nito? Baka gusto niya ding masampolan.
"Hoy, stop staring at me like that. It's awkward."
"Ah, sorry. Ang takaw mo pala."
I glared at him. Kailangan pa bang sabihin yun?!
Hindi kaya ako matakaw! Galit lang ako!
"Girls and boys! Yoooohoooo! Tara sa mall."
"Kayo na lang Mamu. Masakit ang ulo ko." Actually, hindi naman masakit ang ulo. Mainit lang talaga ang ulo ko. Wala ako sa mood magpakasaya.
"Ok, sabi mo eh. Kami na lang. So, bahala na kayo dito ha. Baboosh! Let's go na!"
Pumunta na lang ulit ako sa kwarto ko pero bago pa ako makapasok tumalikod na ako.
Ayoko na sa kwarto ko!
Pag nandito ako, naaalala ko yung nangyari kaninang umaga! At ayoko na yung maalala pa!
BINABASA MO ANG
Princes And Princesses Of Hearts
Teen FictionAno kayang kahahantungan kung ang isang grupo ng girls ay isama sa isang grupo ng boys sa isang bubong? Can this be war? The quiet type will meet the bubbly one. The jolly girl will meet mr.silent. Then miss crazy will meet mr.genius. And the manhat...