CHAPTER 6
Jenette's POV
Nandito ako ngayon sa school. I'm not with the girls kasi nagmeryenda sila. They invited me but I refused to join. Busog pa ako.
*I'm bulletproof, nothing to lose--*
"Hello?"
(Good morning. Good luck sa mga school works.)
*toot toot toot*
Who the hell was that? Tatawag tapos pagkatapos niyang magsalita, ibababa? Bwisit yung tao na yun kung sino man yun.
Naglakad lakad lang ako dito sa garden ng school namin. Maggagraduate na pala kami. Iiwanan na namin itong school na ito. Madami na din kaming memories na nagawa dito. This is where I met my friends. Dito ako umiiyak sa tuwing may problema ako. Napakaspecial ng lugar na ito.
"Reminiscing?"
Paglingon ko, nakita ko yung isa naming classmate. I can't rememeber her name. Hindi naman kasi ako friendly sa iba. Yung tatlo lang ang kilala ko sa mga classmates ko.
"Sort of." sagot ko.
"Alam mo, madalas naiisip ko, siguro ang sama talaga ng ugali mo. Pa'no naman kasi, you never thought of even asking our names. Wala kang kinakausap sa amin maliban sa mga kasamahan mo. Pero I realized na hindi naman pala masama ang ugali mo. Siguro, masyado ka lang talagang nag-iingat kung sino ang mga kakaibiganin mo at pagkakatiwalaan."
"Thanks for understanding me."
"Naku, wala yun. Pare-pareho lang naman tayo eh, ang pinagkaiba lang natin, tinatry kong pagkatiwalaan lahat. Tapos kung hindi sila mapagkakatiwalaan eh di hindi. Wala na sila sa Trusted List. :)"
"Ang gaganda ng messages ng mga sinasabi mo."
"Ganyan talaga kung mahilig kang magbasa ng mga libro. Kung anu anong mga messages ang natututunan. Kaya ayun, hindi maiwasan na i-apply sa real life."
"Siguro, try ko ding magsipag na magbasa ng mga books."
"You should. Tapos ishare mo din siya sa iba. Ang sarap sa pakiramdam nun. By the way, I have to go na pala. May ipinapagawa sa akin sa office eh. Bye!"
"Bye. And thank you sa time."
Tapos umalis na siya. Wait. Ano nga bang pangalan niya? Hindi ko natanong. Bahala na nga. Tatanungin ko na lang siya sa room.
*I'm bulletproof, nothing--*
"Hello?"
(Nagmeryenda ka na ba ? Wag kang magpapagutom, ha.)
"Hoy! Si--"
*toot toot toot*
Ang bastos talaga! Sino ba naman kasi yung lalaking yun na tawag nang tawag tapos magbababa agad?!
Natapos na ang klase. Uuwi na kami sa bahay. And as expected, makikita na naman namin yung mga lalaking hambog.
"We're home." sabay sabay naming sabi ng mga girls.
"Hi, Irah! Tikman mo itong ginawa kong pancake!" salubong ni Kristoff kay Irah. Malakas ata talaga ang tama nito sa kaibigan ko eh.
"Mamaya na lang. I'm tired." tapos umakyat na kami papunta sa mga rooms namin.
*I'm bulletproof--*
"He--"
"Tired? Pahinga ka ng maayos."
*toot toot toot*
"Aaaaaarrrgggh! Sino ka bang animal ka! Nakakabwisit! Aaaarrrrggghh!"
"Hoy, Jenette, anong problema mo at nagwawala ka dyan?"
BINABASA MO ANG
Princes And Princesses Of Hearts
Novela JuvenilAno kayang kahahantungan kung ang isang grupo ng girls ay isama sa isang grupo ng boys sa isang bubong? Can this be war? The quiet type will meet the bubbly one. The jolly girl will meet mr.silent. Then miss crazy will meet mr.genius. And the manhat...