Chapter 8

28 0 1
                                    

CHAPTER 8

Hanggang makarating kami sa hotel magkasama pa din yung dalawa. Pinakilala nga kami ni Kristoff dun sa girl. Yeah, kilala ko na siya.

*flashback*

"Ako din, Keung Jae."

"Teka lang, Kristoff. Who is she?" tanong ni Mamu pagkatapos niyang paghiwalayin yung yakapan nung dalawa. Napatingin ako sa paligid. Ok? Kami na lang mga girls plus Mamu plus Kristoff and the girl plus Jexther.

"Ahmm. Keung Jae-ah, si Mamu, bagong manager. Tapos mga katrabaho namin sina Irah, Jessa, Marjiel and Jenette. Mamu, girls, si-"

"Kasandra?" sabi ni Marjiel. Kasandra? Sino yun?

"Oy, Jenette, nakalimutan mo na ako?" sabi naman sa akin nitong girl. "Haist, classmate nyo ako sa isang subject. Ako to Kasandra Jae Shin."

Hindi ko pa din siya maalala.

" Ay, ano ba naman yan? Ako yung girl na nakausap mo sa garden ng school." Ah, oo. Siya nga yun!

"Wait lang, Keung Jae, dito ka nag-aaral sa Pinas?" singit naman ni Kristoff.

"Mamaya na tayo mag-usap, Kristoff. So, naaalala mo na ako, Jenette?" balik niya naman sa akin.

"Ah, oo."

"Oh, salamat naman. So pano, bukas na lang tayo magbonding guys. Kakausapin pa daw ako nitong si Kristoff eh." tapos umalis na silang dalawa ng magkaakbay. Sinama na din nila si Jexther.

"Totoo ba yun? Oppa? Girlfriend niya si Kasandra? Oh my! Bakit?" Tss. Ang drama naman nitong si Jessa.

"Jessa, what's the drama all about? Hindi naman kayo di ba? Sabi nga ni Sarah,'There is never an us.'" dagdag pa nitong si Marjiel. 'Is' daw? 'Was' kaya yun!

"Tss. Ewan ko sa inyo." At nauna na namang umalis si Irah.

"Ok lang yan, Jessa. Madami pang cute guy dito." pagcocomfort naman ni Mamu kay Jessa.

*end of flashback*

"Jenette, sa tingin mo gaano na sila katagal?" hindi ko siya pinansin at nagtulug-tulugan na lang ako. I know what will happen next. She will ask for an advice. But the question is, tatanggapin niya ba yung advice ko? Ayaw na lang kasing tigilan yang mga lalaking yan.

"Uy, Jenette, tulog ka na?"

"Alam mo Jessa, kung tulog ba yan, sasagot yan?" Tama nga naman Marjiel. Infairness, dumadalas ang tama mo. "Gisingin mo muna kasi saka mo tanungin kung natulog siya. I'm sure sasagot siya." Tss. Binabawi ko na yung sinabi ko kanina.

"Ikaw na nga lang tatanungin ko MM. Sa tingin mo matagal na sila?"

"Sino? Sina Kristoff at Kasandra? Ewan. Parang oo kasi ang sweet nila kanina."

"Sa tingin mo, mapaghihiwalay ko kaya silang dalawa?"

"Wait. Paghihiwalayin mo sila? Uy wag naman. Ang ayos nung relationship nila tapos sisirain mo lang? Wag ganun."

Haiist. Hindi ako makatulog sa dalawang ito. Wala talaga akong choice kundi makinig sa kanila. Buti pa si Irah, himbing na.

"Eh, gusto ko talaga si Kristoff."

"Hindi mo ba kayang maging friend lang?"

"No way. Gusto ko maging girlfriend niya."

"Eh pano ba yan? Mukhang malabo ata. Bukod sa may girlfriend na siya, mukhang wala siyang interes sayo."

"Ano?! Anong walang interes? FYI, meron yun. Hindi mo lang siguro napapansin."

"Owss? Eh, kanina nga tinanggihan ka."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Princes And Princesses Of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon