CHAPTER 5: NEW HOUSE

52 1 0
                                    

Jenette's POV

Maganda itong bahay huh. Mas maluwang sya sa dati naming bahay. Tapos may 7 rooms sya.

"Girls and boys, ganito ang arrangement natin. Dalawang tao sa isang room. You may choose your roommates. ^_^"

"Mamu, dalawa kami na lang kami ni Irah sa room." Jessa

"Ok, so it means na sina Jenette and Marjiel sa isang room. How about you boys?"

"Kami ni Luke sa isang kwarto." Kristoff

"So ganito na ang arrangement natin, Irah and Jessa, Jenette and Marjie, Luke and Kristoff, at si Aerol and Jexther. Ok na ba yun?"

"Ok na po Mamu."

Mayamaya, dumating na din yung mga gamit namin na pinakuha sa dati naming bahay.

*dinner*

"Oh my gosh, first time na nangyari ito! First time na nagdinner tayo ng sabay sabay! \^_^/" Mamu

Walang nagsasalita sa aming lahat. Puro si Mamu lang ang nagdadaldal. Kesyo, magmomodel na din daw yung mga boys. Pero kami daw mga girls hindi pwedeng magkaroon ng musical career. Kinapos kami ng talent sa singing eh.

"So, boys, ayaw niyo bang lumipat sa school ng mga girls?"

"Sa akin, ok lang! ^_^" Kristoff

"No, satisfied na kami sa school namin." Luke

"Pero hindi pa ako satisfied, dude!" Kristoff ulit. Sige, mag-away pa kayo sa harap ng pagkain.

"Ok, stop na Kristoff and Luke. Baby Kristoff, kung gusto mong lumipat ng school, ok lang naman siguro sa group yun diba?" Mamu

"NO!" sabay sabay na sabi nina Luke, Aerol at Jexther.

"Ok, sige na. Hindi na ako lilipat. :("

Natapos ang dinner namin na hindi sumasabog ang bahay. Nag-ayos na din kami ng mga gamit namin at nagready nang matulog. Ok naman pala ang mga kwarto dito eh. Dalawang bed sa isang room.

"Ah, Jenette, can I ask something?"

"Ano yun?"

"Official na ba kayo ni Luke?"

Ano daw?

Official?

Official saan?

"What do you mean, Marjiel?"

"Eh kasi di ba, yung relationship nyo ba, balak nyong sabihin sa public o tayo tayo lang ang makakaalam?"

Ano daw ulit?

Relationship?

Kay Luke?

Never!

"Anong sinasabi mong relationship ko kay Luke?"

"Naku naman Jenette! Wag ka na ngang magdeny! Nakita ko kaya kaninang umaga na nagkikiss kayo! Uuuuyyy. Wag kang mag-alala, kung gus--*pok* Ouchness! Para saan yung sapok?"

"Wala kaming relasyon nung Luke na yun. Kung ano man ang nakita mo kaninang umaga, nagkakamali ka ng iniisip. Tandaan mo ito, never akong mafafall sa demonyong yun o kahit kanino pang lalaki. Gets?"

She nodded. Bahala na nga siya. Buti at nagets niya agad. Mahirap kayang mag-explain sa kanya.

Nahiga na ako at nagtalukbong na ng kumot kaya lang biglang may nangungulbit na naman sa akin. Aaaaarrrgggh!

"Oh, bakit na naman?!"

"Wala talaga kayong relasyon ni Luke?"

"Wala nga!" tapos kinuha ko na yung unan at kumot ko. Sa guest room ako matutulog. Ayoko ng makulit na roommate!

Princes And Princesses Of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon