**Uwian **
******261 calling..
Kasalukuyan kaming naglalakad ni bestie sa hallway ng biglang nagring yung phone ko dalidali ko nmn itong sinagot..
"Hello Sino po sila?"
Sagot ko sa tawag.. Sinenyasan ko naman si bestie na mauna na lang muna dahil alam kong nagmamadali sya..
"Si Matrix to Bai, uhmmm. Tatanong ko lang sana kung pwedeng magpasana sayo sa mall?"
Napangiti naman ako ng malamang si Mat my loves pala yung tumawag..
Syempre kinikilig ako sa loob loob ko kasi may time sya na tumawag sakin kaya papalagpasin ko pa ba yung pagkakataon na makakasama ko na sya ngaun..."Sige.."
"Susunduin kita. Nasan ka ba ngayon?"
"Nandito ako sa hallway pauwi na sana ako ee"
"Sige wait moko dyan palabas palang ako ng room"
Hinintay ko sya at after 10 mins . natatanaw ko na sya sa malayo..
"Tara na?"
Tanong nya sakin habang nakangiti ng sobrang lawak ..
Napanganga nmn ako sa ngiti nyang yun.. Parang mamamatay na ako haha.."Psst.! bai? Hello ok kalang?"
Natauhan ako ng winave nya ang kamay nya saken.. Ay shetness.! Nakakahiya nnmn andami ko ng beses na napatulala..
"Haha sorry may iniisip lang "
nasabi ko na lang..
Pumunta nmn ulit kami sa park at pinasakay nya ulet ako sa car nya ...
After 25 mins..
Andito na ulit kami..Pumunta kami sa isang toy store sa mall at namili sya ng mga life size na teddy bear..
"Ano sa tingin mong cute ? Eto or eto ?"
Tanong nya saken habang yakap yakap ang dalwang cute na teddy bear..
"Ikaw"
"Ha?"
Nagulat ako sa nasabi ko kaya agad kong binawi! Muntanga ka Bai! promise!
"Yung hello kitty haha.!"
Sabi ko sa masayang tono.. Ang cute talaga..
Ngumiti nmn sya saken..Pero nagiba ang expression ng muka nya at tinitigan ako sa mga mata ko..
"bai"
nakatingin lang sya sa mga mata ko.. At ganun din ako sa kanya...
Ang saya saya ko.. Kasi kasama ko sya ngayon....
Kung nagkataon ito na ang pinakamasayang birthday ko sa buhay ko...
Birthday ko na nga pala sa isang linggo saktong Valentines day pa..at ang saya saya ko kasi sya ang kasama ko ..."Ano un ?"
Sabi ko habang nakatingin padin sa mga mata nya... May kahulugan ang mga mata nyang nakatingin sakin...
Pero bigla nya itong iniwas at tiningin sa ibang direksyon.."Sa tingin mo ba magugustuhan to ng kaibigan mo? Gusto ko kasi sya"
parang gumuho ang mundo ko sa narinig kong sinabi nya...pinipilit kong wag maiyak sa sinabi nya... Nanatili akong napanganga at napatulala sa kawalan sa narinig ko... Si bestie?... Bakit sa kanya pa....
"Oo nmn "
Pilit kong sabi sa kanya pero deep inside.. Ang saklap..
Pumunta pa kami sa ibang pwedeng mabilhan ng gamit sa mall.. Pero ako still shock padin at hindi mapakali. Naiiyak ako sa nangyayari.. Akala ko ang saya saya ko na..
"Uhmm. Mat.. Uuwi na ako.. Uhmm masakit na kasi tyan ko"
pagdadahilan ko.. Dahil gusto ko ng maiyak... Ang sakit sakit...
"Ihahatid na kita tara" hinawakan nya ang kamay ko pero pinigilan ko sya...
"No wag na Mat kaya ko na to.."
Sabi ko pero nagtataka paden ang expression ng muka nya...
"Sigurado ka ba ?"
Paninigurado nya pero tumango lang ako. Pero bago ako umalis hinalikan nya ako sa pisngi...
Siguro kung hindi lang ako nsasaktan sa nangyayari sobrang kikiligin ako ... Pero ang sakit sakit...Tumakbo na ako palayo sa kanya..
At sumakay sa malapit na sasakyan... At pagdating ko sa bahay ibinagsak ko ang katawan ko at sinimulan ko ng ilabas ang lahat ng sakit na kanina ko pa pinipigil...

YOU ARE READING
Hard To Reach
Short Story......... Enjoy reading my new short story hope you like it! don't forget to vote and follow me! 😊😊😊