Someone's POV
"Bro kailan ka ba magtatapat dun sa babaeng yun, ang tagal mo ng gusto yun ah"
sabi saken ni Cedrick ,bestfriend ko.
"Sa tamang panahon dude.. Gusto ko pa syang lalong makilala"
Sabi ko kay cedrick habang nakatingin kay Baifern kasama yung kaibigan nya
Siguro hindi na muna sa ngayon.. Gagawa ako ng paraan para magkakilala kami..Nasa soccer field ako at nililibang ang sarili ko sa paglalaro.. Ayoko kasi syang isipin ng isipin.. Baka lalo lang akong mahulog sa kanya...
Nagulat ako ng hila hila ng kaibigan nya sa isang sulok si baifern at masaya silang nagtatawanan...
Pero ako pinagpatuloy ko na lang ang paglalaro.. Alam ko din na sa direksyon ko nakatingin si Baifern
Matagal ko na syang gusto.. Dahil narin siguro sa pagkamabait nya at makulit..
Hearthrob ako dito sa academy.. Sana mapansin nya ako.. Alam ko din na nagkakandarapa ang mga babae sakin at palaging nagpapapansin.. Pero si Chai kakaiba sya.. Gusto ko sya kasi hindi sya katulad ng ibang babae ...
Nagulat ako ng may lumapit na babae saaken at pinunasan ang noo kong basa sa pawis.. Nagulat nmn ako ng nakatulala si Baifern sa ginagawa nitong babae.. At alam ko ding kinakausap sya ng kaibigan nya pero wala sya sa sarili...
Napatingin din ako sa kanya..
Nagkasalubong ang mga mata namin..
Alam kong may nilalaman ang mga matang yon..Pero hinigit sya ng kaibigan nya canteen...
"Uhmm. I have to go"
sabi ko dito sa babaeng nagpunas ng pawis ko at dali daling pumunta sa locker ko...
Kinuha ko nmn yung panyo sa locker ko at tinitigan ito..
"Kailan ko kaya ipagtatapat ang nararamdaman ko sayo Baifern"
Oo kay Baifern tong panyong to.. Dahil nung gabing tinatawag ko sya .. Nahulog nya ito ibabalik ko sana pero hindi nya ako pinansin kaya tinago ko na lang ito...
Pumunta ako sa canteen at nagmamadali nadin dahil kailangan naming pumunta sa bahay ng kaibigan ko for dinner daw..
Sa canteen na ako dumaan pero nagulat ako ng nagkabangga kami ni baifern Alam kong sa oras na yun ay matamlay si baifern.. Gusto ko syang tulungan pero hindi ko magawa.. Sino nga ba nmn ako sa buhay nya?
Para siguro sa kanya...
Hindi ako nag eexist sa mundong ito..Nabangga ko sya at alam kong inis na inis sya nun.. Nagsorry nmn ako sa kanya at nagulat sya ng makitang ako ung nakabangga sa kanya.. Napatulala sya pero agad ding natauhan..
Nagsorry din ako sa kanya at niyayaya sya sa mall kung may time sya...
Ito na siguro yung way para makilala ko na sya at ganun din ako...
Kaso epal ata talaga ang tadhana.. Dumating ang mga asungot kong kaibigan ako sinundo na ako...
Kinuha ko kunwari ang number nya kahit matagal ko na itong alam..
Stalker nya ako matagal na...At ang hiling ko sana hindi na lang matapos ang oras na kasama ko sya...
Umalis na kami ng mga kabarkada ko at inasar pa nila ako.."Ayeeeeeei,! Dumideskarte ka na bro ah" tukso saken ni Zeke .
Napangiti na lang ako...
Kinabukasan. Nakita ko si Baifern na maagang pumasok. At ganun din ako dahil umaasa akong makakasabay ko sya dito kaya ang saya ko dahil nakita ko sya.. May mga adik sa gilid na grabe makatingin kaya tinawag ko si baifern
Nagulat sya sa pagtawag ko at binilisan pa ang paglalakad..
Nakatatlong tawag na ako pero ayaw akong pansinin.. Kaya ang ginawa ko ay hinawakan sya sa balikat.. Hinampas nya nmn ako ng libro...
Napagkamalan pa siguro na ako yung adik at tinatawag sya..kaya nmn pla ayaw tumingin kanina haha..Napatawa nmn ako ng malakas... Napalaki nmn ang mata nya at nahiya sa nangyari.. Hinarap ko nmn ang muka nya at ohh.! Napalapit ata. Naramdaman ko den ang pagkainit ng muka nya dahilan para ilayo ko ang muka ko sa kanya ang cute cute nya....
Pero bigla syang umiyak at napahagulhol.. Tinanong ko nmn sya kung bakit pero wala nmn syang sinasabi..
May mali ba akong nagawa ? Kaya dinala ko na lang sya sa malapit na mall at nilibre ng ice cream.. Natuwa nmn ako dahil parehas pala nming gusto ang ice cream.. Kaso kinailangan ng pumasok sa Academy dahil magagalit ang prof namin..Ang saya ng araw ko na iyon..
Hanggang sa mag uwian na...
Niyaya ko sya sa mall at balak ko sanang sabihin at magtapat ng nararamdaman ko ng panahong iyon.. Alam ko ding birthday nya na sa isang linggo nun.. Kaya balak ko sana syang isurprise kaso natotorpe ako..Tiningnan ko sya mata sa mata kaming nagtitigan pero agad ko itong iniwas at sinabing..
"Magugustuhan kaya ito ng kaibigan mo? Gusto ko kasi sya"
.yun ang lumabas sa bibig ko... Lumungkot nmn ang muka nya..
ANG TORPE TORPE KO!
Natatakot kasi akong malaman na baka hindi nya ako gusto...
Kaya nung birthday nya... Pumunta kami sa bahay nya.. Balak ko sana syang isurprise.. Kaso mukang ayaw nya kaming makita kasama ko ang kaibigan nya dahil tutulungan nya ako sa plano ko..
Pero galit ata si baifern kaya hindi na lang namin tinuloy ang plano...Balang araw masasabi ko din ang lahat sayo Bai ag handa na ako....
Nasabi ko na lang habang tinitingnan ang mga pictures nya sa scrap book ko..
***

YOU ARE READING
Hard To Reach
Historia Corta......... Enjoy reading my new short story hope you like it! don't forget to vote and follow me! 😊😊😊