Chapter 12

3 1 0
                                    

"Mamaaaaaaaaaaa"

sinalubong ko ng yakap si mama

Nasa airport na kami at sa wakas nakadating nadin kami dito sa pilipinas 

Ninamnam ko nmn ang simoy ng hangin dito.. Namiss ko ang amoy ng pilipinas haha..

Kasama sa pagsundo saken si Bestie oh em gee namiss ko sya..
Iba naden ang pinagbago nya..lalo syang pumuti at gumanda..

"Bestie.? Oh em gee bruha ka namiss kita   parang kelan lang nung nagiiyakan pa tayo dito kase lalayas ka na ngayon andito ka na haha"

nagyakapan nmn kami at ang saya saya ko kasi makakasama ko nnmn sya..

"Tara na sa bahay at alam kong pagod narin kayo  may inihanda akong pagkain"

sabi ni mama at binitawan na ako ni bestie..

Habang nasa sasakyan kami pinakilala ko sa kanila si Nathan , Oo kasama ko sya uuwi den kasi sya sa mansyon nila..
Napagkamalan pa nga na boyfriend ko sya ee inaasar pa kami ni bestie..

After 2 hours nakauwi nadin kami..

Umuwi kami sa apartment ko na si mama na pala ang nakatira ngaun.. Nagtataka ba kayo kung bakit si mama na lang ang nagiisang kasama ko ? Well si papa may iba ng pamilya iniwan na nila kami ni mama..

Kumain nadin kami at nagpahinga hanggang sa nagpaalam na si nathan na uuwi muna sya sa kanila..

"Uhmm, bai uuwi muna ako samin baka kasi hinahanap na ako alam kasi nilang nakauwi na ako dito..
Pasabi na lang kay tita Dred na thanks sa mga inihanda nyang pagkain"

Pagpapaalam ni nathan..

"Sige nathan thanks din kasi lagi kang anjn para sakin" ngumiti nmn sya saken..

"Wala yun sus lagi mo nman yang sinasabi" at nagpout pa sya saken aww ang cute..

Pero pagtapos ng usapan umalis nadin sya nagsabay nadin sila ni maine..

"Bestie masaya akong nakamove on ka na sa kanya..."

Napatulala ako sa sinabi ni bestie

"Kamusta na sya "



Pilit kong tanong..


"Hindi mo pa ba alam"

Nagaalala nyang tanong pero mas pinili kong wag na lang alamin dahil baka bumalik ulet ako sa dati..

"Sige bye bestie "

at umalis na sila ni nathan at ako nmn?

*dug dug dug dug*


Nakahawak sa puso ko...

Tumitibok nnmn sya ng napakalakas...

3 taon nato ng huli kong mapakinggan... Dinama ko muna ng konting minuto ang puso ko.. Hanggang sa nalaman ko na...

After 3 years...

Hindi padin ako nakakamoved on...

"Anak"


tawag saken ni mama galing sa labas..


"Bakit ho ma"

Lumabas nmn sya saken na may dala dalang scrap book..



"Anak, pagpasensyahan mo na ako kung ngayon ko lang ito binigay... Nung araw na paalis ka na papuntang canada nakita ko ito kinaumagahan sa labas ng pinto naten.. At ng binuksan ko ito nagulat ako sa laman anak...pero mas minabuti ko ng wag ipakita sayo dahil para narin ito sa ikabubuti mo.. Ayokong ito pa ang dahilan kung bakit hindi ka matutuloy.. Patawarin moko anak"

Iyak ng iyak si mama habang sinasabi nya saaken ang mga salitang yan...

Iniwan nya muna ako mag isa at pumunta ako sa kwarto...

Binuksan ko ang scrap book na ito at nangangatal ang kamay ko habang patuloy sa pagpatak ang mga luha ko...

Nangangatal ako sa nalaman ko...

Napahawak ako sa muka ko at napahagulhol...

Halos pareho kami ng nararamdaman ni Matrix...

Hindi ko alam kung
Magiging masaya ba ako dahil sa nalama ko ...

Basta ang alam ko lang sya parin ang sinisigaw ng puso ko...
Hindi ko magawang magalit kay mama dahil alam kong may dahilan sya....

Humahagulhol ako habang napapabuntong hininga...

"Mahal parin kita matrix

Yakap yakap ko si sparky ang teddy bear na niregalo nya saken nung 17th birthday ko...

Nakatulog ako ng umiiyak habang hawak hawak ang mga salitang...



Mahal parin kita matrix....

Hard To ReachWhere stories live. Discover now